21

7 2 2
                                    

"Okay, class, makinig muna. For your finals, hindi na pen and paper test okay?" pagkasabi ko noon ay nagtilian ang mga estudyante ko, ang iba ay naghahampas pa sa desk at napatalon pa.

"Makinig muna" pagpapatahimik ko sa kanila. I get it, masaya sila dahil hindi na nila kailangan mag review for the exams.

"But, for your final output, I want you to create a Stage Play. Ang era ay World War 2, it could be romance, mystery, drama, anything that you guys want. Basta ang gusto kong makita ay ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari na nangyari noong World War 2 na naging malaking parte ng ating kasaysayan, maliwanag ba? Hindi ito by group, you need to cooperate with your section, section nyo ang naatasan sa World War 2 at ang hawak ko naman sa English Building ang sa World War 1, same day nyo yang ip-perform sa Ampi Theatre, maliwanag ba?" tanong ko pagkatapos kong ipaliwanag ang gagawin nila.

"Maam, ilang minutes po ang duration?" tanong ni Herrera.

"Siguro ay 15-30 minutes? Medyo late ko na rin kasi na announce kaya ayos lang kung hindi gaanong mahaba" sagot ko.

Pagkatapos ng announcement ko ay may ilan pa silang katanungan about props, music and casting pero ang sabi ko ay sila na ang bahala doon. Hindi ko lilimitahan ang resources nila as long as magbibigay sila ng proper credits. Ibinigay ko na rin ang natitira kong oras sa kanila para makapag brainstorm ng ideas.

"Class, pupunta na ako sa faculty, okay? Tomorrow ay pupunta pa rin ako dito for your attendance but the remining time ay ibibigay ko na sa inyo para makapag practice kayo, okay?"

"Yes, Maam!!"

Pagkarating ko sa faculty ay nadatnan ko doon si Mil na nakain, bruha talaga ang babaeng ito? Hindi pa naman namin lunch break.

"Nakita ko ex mo" bungad nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Wala akong ex" sagot ko ag inilapag ang laptop sa desk ko.

"Nasa balita, may ipinapasang bagong bill para sa mga average students na gustong makapagtapos ng college ng libre. Well, maganda yon, knowing na yung mga university ngayon na may limit at kadalasang matalino lang ang tinatanggap. You need to work really really hard to be admitted" mahabang litanya nya, ang dami daming sinasabi hindi ko naman itinatanong.

"Ahh, edi ayos" sagot ko.

"Bitter mo lang kamo" bawi nya naman. Ang kapal ng mukha?

"Nakita ko rin ex mo sa St. Joseph, sinamahan ko magpa medical mga student athletes kahapon e" saad ko naman kaya agad syang napasimangot.

"Alis na ako, may klase pa ako" sambit nya bago ibinaba ang kinakain nya at dinampot ang bag paalis.

Tignan mo ang ugali, asar talo talaga.

It's been 3 years mula ng may marinig akong balita sa kanya. After ng pangyayaring iyon ay hindi na talaga kami nagpansinan sa room. Buong 3rd at 4th year ay para kaming tangang nag iiwasan, kapag may mga time na need naming maging magka group ay gumagawa talaga sya ng paraan para makipagpalit ng group. Ganoon ko ba sya nasaktan? Kasi parang grabe naman yung pagka ayaw nya sa akin.

Wala naman akong nagawa, ako ang gumusto non e. Tsaka para sa kanya yon. After ng Graduation ay nag take agad ako ng LET, kami ni Mil. Pero hindi ko sinabi kay Lola, kasi baka mag expect sya e, ang hirap kasing bitbitin na Cum Laude ka pero hindi ka agad makakapasa sa LET, kaya naman minabuti ko munang huwag ipaalam kay Lola na nag take ako ng LET noon, sinabi ko na lang sa kanya nung lumabas na ang result at pumasa ako.

Pagkatapos non ay naghanap agad kami ni Mil ng mapapasukan, dito kami nagtuturo ngayon sa ECA, private school ito at may tinatapos din kasi kaming kontrata dito kaya hindi rin kami umalis agad kahit nakapasa na kami sa LET, 2 months na lang naman, after namin dito ay hindi ko alam kung saan kami lilipat.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon