23

6 2 1
                                    

"At ang bawat dugo na dumaloy na galing sa ating mga ninuno na hindi nakaranas ng kasarinlan at kasaganahan sa bansang kanilang ipinaglaban, ngayon ay masasabi natin na atin itong nabawi at tayo ay nagpupunyagi sapagkat ang dapat sa atin ay ati ng nakamit"

Pagkatapos bitawan ni Valeen ang huling kataga ay sumarado na ang kurtina at nagsipalakpakan ang mga manonood.

"Ang galing nyo!"

"Congrats, lalo na sa baby ko!"

"Pa picture ako sa naka violet!"

"Maam, sana perfect kami sa finals!"

Both sections work really hard at nakita ko naman iyon, kaya I make sure na mataas ang makukuha nilang grades dito sa presentation na ginawa nila. Upon computing their grades, natutuwa ako na walang nakakuha ng 90 pababa. I'm beyond grateful dahil ibig sabihin lang non ay effective din akong guro sa kanila.

After the submission of grades ay tinapos ko na rin ang ilan pang mga gawain ko para pagdating next week ay wala na akong aalalahanin pag uwi sa probinsya. Mil and I decided na dalawin namin si Ash sa Manila bago ako pumuntang probinsya kaya nag eempake na ako ngayon.

axshero sent a photo.

Agad kong tinignan ng sinend na picture ni Ash nang mag notif iyon sa akin.

Picture yon ng make up products ng Elizabeth Arden. Ano ang trip ng lalaking ito? Aware ba sya sa presyo non?

axshero: i know you would say no if pinapili kita. don't worry, i asked my workmates naman and they say na it's the best seller. i'm sure na magagamit mo ito

maufrcsc: aware ka ba sa presyo nyan? tsaka malayo pa ang birthday ko

axshero: yeah? and about that, you never mention anything about your birthday, Mau

Saglit akong natigilan at napagtantong never nga akong nagsabi sa kanila patungkol sa personal na buhay ko. Ganoon din naman sila sa akin, ang pinagkaiba lang ay kahit papaano ay may alam naman talaga ako tungkol sa kanila.

axshero: just kidding

Paano ko ba kasi sasabihin sa kanila na yung araw ng birthday ko ay yung araw na binaril si Lolo?

maufrcsc: hindi ko sinasabi kasi nagreregalo nga kayo

axshero: so? that's what friends for

maufrcsc: ewan ko sayo, parehas kayo ni Mil gastador. bakit hindi na lang kayo? may girlfriend ka na ba dyan?

axshero: ipapaputol ko na lang ang daliri ko

axshero: no time for gf

axshero: hell busy everytime

maufrcsc: tinatapos ko lang mag empake tapos punta na kami ni Mil dyan, tanungin mo yon kung anong gustong dinner

axshero: ikaw na, baka akala type ko sya

maufrcsc: hindi yan, hindi pa rin nga maka move on

axshero: about that, i'm going to show you some files later

Hinintay ko lang magchat si Mil dahil tapos na naman ako sa pag eempake ko. Nang mag chat si Mil ay pumunta na ako sa terminal at doon ko na sya hinintay. Kailangan nya raw mag unwind kaya sasabay sya sa akin pag umuwi ako sa Albay, pupunta raw sya sa Sorsogon para doon mag unwind, nandoon din daw kasi ang Nanay nya.

Hindi naman pala kwento si Mil patungkol sa pamilya nya at hindi rin ako pala tanong, kapag gusto naman naming magsabi ay nagsasabi kami. Siguro ay ito rin ang dahilan kung bakit kami magkaibigan.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon