24

7 2 3
                                    

"Lolo, Teacher na apo nyo" saad ko habang nakatayo sa puntod ni Lolo. Nag alok si Lola na sasamahan ako pero tumanggi na ako. Baka kasi makita pa akong umiyak non.

"Sayang lang, Lo, kasi hindi mo na naabutan e. Pasensya na kayo kung nag Teacher ako ha? Hindi ko kasi kayang mag sundalo gaya ng gusto nyo" pagpapatuloy ko.

"Hanggang ngayon, Lo, hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpa baril sa inyo. Pero may kutob na ako kung sino" hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko.

"Kapag natupad ho ang pangarap kong maging abogado, unang una ko pong gagawin ang buksan ang kaso nyo"

Natahimik lang ako habang nakatingin sa puntod nya. Nagdala rin ako ng bulaklak dahil paminsan-minsan lang akong nakakadalaw dito sa probinsya.

Pagkatapos ng mga nalaman ko ay mas dumami ang isipin ko. Hindi ko alam kung saan ko kukuhanin ang mga eksplanasyon na gusto kong makuha. Laking pasasalamat ko kay Ash dahil sa kanya galing ang lahat ng impormasyon na nakuha ko.

"Putangina?! Gago talaga ang lalaking yon!" puno ng galit na saad ni Mil.

"He was being black-"

"Blackmailed nya mukha nya! Putangina ba sya?!" hindi pa rin kumakalma si Mil.

"Pero, Ash, wala ka bang nakita na connected sa pagkamatay ni Lolo?" tanong ko para mapatingin kami ni Mil sa kanya.

"You should ask Julian about that"

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan kong nagluluto si Lola ng kare-kare. Sya lang at si Rose ang tao dito sa bahay at sa kabila naman sila Tito Fred.

"Ate, kakain na raw" pagkasabi noon ni Rose ay tinanggal ko lang ang bag ko at nag diretso na sa kusina. Maliit lang ang bahay namin dito sa Albay, tatlo lang naman kasi kami dito noon.

Pagkatapos naming mag dasal ay nagsimula na kaming kumain.

"Ikaw, Rose? Baka may boy friend ka na?" tanong ko habang nakain kami.

"Wala, Ate!" depensa nya.

"Sus, e bakit sobrang defensive? Siguro ay may nanliligaw na sayo ano" pang aasar ko.

"Wala talaga, Ate! Busy ako sa pag aaral ko, gusto kong pumasa sa UP" saad nya. Grade 11 student na kasi sya ngayon at talagang pinagsabihan ko sya na kung gusto nyang makapasok sa magandang school ay pagbutihan nya ang pag aaral.

"La, kapag mag UP itong si Rose doon ka kala Tito Fred tutuloy ha? Kapag umayaw ka ay isasama kita sa amin" saad ko.

"Nako, ayan na naman ang pananakot mo. Oo na doon na ako magtitigil sa Tito Fred mo" saad ni Lola na ikinatawa namin.

Anak kasi si Rose ni Tito Fred, simula nung nagtuturo na ako ay napagdesisyunan ko ng ako na lang ang magpa aral sa kanya. Hindi ko naman ito obligasyon pero ako mismo ang nag alok dahil malaki rin ang naitulong nila magmula pagkabata ko.

Tuwing bigayan din ng grades ay sinesend sa akin ni Rose ang grades nya. Napagalitan ko nga nung nakaraan dahil may babayaran pala sila para sa thesis na ginagawa nila pero hindi nagsabi. Nagulat na lang ako dahil nagbebenta sya ng sapatos sa facebook.

"Kailan ka aalis, Ate?" tanong nya habang naglalakad kami sa tabing dagat.

"Wala pa akong dalawang araw dito pinapauwi mo na ako" sambit ko na ikinatawa nya.

"Hindi ah! Curious lang e" natatawa nyang sagot.

"Aalis na ako bukas e, may mga kailangan din akong ayusin" paliwanag ko.

Madami akong kailangan ayusin.

Kailangan ko rin syang kausapin.

"Kailan ka ba magb-boy friend? Alam mo bang bukambibig yan ni Lola? Nagpupustahan pa kami kung pag uwi mo dito ay may kasama ka ng lalaki" saad nya dahilan para matigilan ako.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon