09

6 2 3
                                    

"Eh sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo?" saad ni Mil. Mabuti at wala kaming customer ngayon dahil alas diez pa lang ng umaga. Tinanong ko kasi sya kung hiningi ba talaga ni Julian sa kanya yung number ko. Hindi nya naman daw nya matandaan dahil lasing sya buong party. Sinama daw kasi sya ng tita nya.

"Ewan ko. Hindi ko rin naman sila kilalang lubos" saad ko habang naghahalo ng pearl.

"Gwapo ba si Ash?" tanong ni Mil kaya alanganin akong napangiti sa kanya. Parang impossible kasing sa bibig nya manggaling iyon. Hindi nya daw kasi nakita kagabi, at kung nakita nya naman daw ay hindi nya naman daw kung sino si Ash doon.

"Ata?" hindi ko siguradong sagot. Hindi ko naman alam kung gwapo ba yon para sa kanya.

"Sus, mag luto ka na nga lang dyan" saad nya bago lumabas sa may counter at nag ayos ng mga upuan.

Pag sapit ng tanghali ay dumami na ang mga customer. Mabuti na lang at dalawa kami ni Mil dito.

"Uhm, 2 matcha, regular" pamilyar ang boses kaya napatingin ako.

Si Dana.

"Ako na dyan, Mau. Pa deliver na lang to dyan sa elementary" sambit ni Mil kaya naman kinuha ko na lang iyong pinapa deliver nya. Hindi ko na rin kinibo si Dana dahil mukhang badmood sya.

"Ito po yung order nyo, Maam" saad ko pagka abot ng order. Pagkatapos kong makuha ang bayad ay bumalik na ako sa shop. Hindi katulad kanina ay bahagyang umonti na ang mga bumibili dahil halos 1:30 na.

Ganoon lang naman ang naging takbo ng bakasyon ko. Kadalasan ay nasa trabaho ako at tuwing sasahod ay magpapadala ako kahit kaunti kala lola para dagdag sa pang gastos nila doon. Nakakatipid din ako dahil kay Ash. Kung mayroon lang ako ng skills nya ay nagtayo na rin siguro ako ng karinderya. 

3 weeks na lang ang natitirang bakasyon namin bago magsimula ulit ang klase. Thursday, friday at saturday ang sched ng mga 2nd year kaya mayroon pa rin naman akong mga bakanteng araw para makapag trabaho.

"Mau" saad ni Ash kaya napatingin ako sa gawi nya. Nandoon lang naman sya sa usual spot nya sa sala at may kaharap namang laptop ngayon. Nandito kasi ako sa kusina at nagluluto ng agahan.

"Bakit?" tanong ko habang naghihiwa ng bawang.

"I forgot to tell you, is it okay if i invited some of my colleague here? I swear hindi kami mag iingay" saad nya kaya tumango tango ako.

"Oo naman. Pero sabihin mo na lang din sa landlady para sure" sambit ko habang ginigisa na ang bawang.

"Uhmm yeah, yeah. I told her nung nakaraan pa. And i would like to order some milktea's " sambit nya.

"Day off ko ngayon e, pero pupunta naman ako sa shop kasi nahiram ng sapatos si Mil. Ilan ba ang oorderin mo" tanong ko.

"About 14 pscs?" 

"Flavor?"

"You decide on that. I'm not into drinks, help me on that" sambit nya habang patuloy sa pagtitipa sa laptop nya. 

Pagkatapos kong iluto ang agahan namin ay hinaya ko na syang kumain. Inabot nya na rin ang pang bayad sa milktea. Keep the change na raw. Grabe naman to magpa keep the change, nasa 200 pesos e. Baon ko na to ng dalawang araw e.

Naligo na ako after kumain dahil maaga daw pupunta ang mga kasamahan nya. Hindi ko na inusisa kung kaibigan nya ba ang mga darating or club mates. Ayoko na maging chismosa nakakabaliw kasi.

"Tangina naman teh, dapat pare-parehas na lang flavor" reklamo ni Mil dahil iba iba ang inilagay kong flavor. Syempre hindi naman pare-parehas ang taste ng mga tao e, tsaka nakakahiya kay Ash, ang bait bait na nga sa akin nung tao e

"Kaya mo yan" sambit ko sa kanya bago ilagay sa may baba counter ang hinihiram nyang sapatos.

"Para namang may choice ako?" sambit nya kaya tinawanan ko na lang sya.

Nawala ata sa isip ko na 14 piraso ng large milktea ang bibitbitin ko at dadalawa lang ang kamay ko. Nagpahatid pa tuloy ako kay Mil sa tawid dahil sa bigat ng dalahin.

"You need a hand?" napatingala ako ng makita ko si Julian. Gusto ko mang tumanggi ay kailangan ko talaga ng tulong ngayon.

"Oo e, pwede ba?" sambit ko. Marahan syang napangiti bago kuhanin ang ilang plastic ng milk tea sa kamay ko.

"Anytime"

Napasamid tuloy ako.

"Saan ka pala pupunta?" tanong ko.

"Ashanti" 

"Para sa inyo pala to e" biglaang sambit ko dahil para sa kanila ang inorder ni Ash na milktea.

"Yeah. Welcome drink lang to" natatawa nyang sambit.

"Iinom kayo?" hindi naman kasi ako tanga sa mga ganitong bagay lalo na at malalakas mag inom ang mga nakakasalamuha ko araw araw.

"Hmm"

"Baliw, ayos lang naman" natatawa kong sagot dahil parang nahihiya pa sya.

Pagkarating namin sa apartment ay may iilang mga tao na doon. Napatingin sila sa amin kaya nginitian ko lang sila.

"Ash" tawag ko kay Ash na nasa kusina saka isinenyas ang milktea. Busy sya sa pagluluto, ang bango, carbonarra ata ang iniluluto nya.

"Oh, kuha ka ng isa tapos bato mo na sa kanila yan"

"Hala grabe naman" sambit ko na ikinatawa nya.

"Salamat. Ako na kaya muna dyan? Alam ko namang lutuin yan, punta ka muna sa mga kasama mo" alok ko. Wala kasi syang katulong. Si Julian hinarang agad nung babaeng blonde.

"Thanks, Mau" 

Iniabot nya sa akin ang sandok at ang apron. Hinalo ko na rin ang sauce at chineck ang pasta. Medyo matigas pa kaya mamaya ko na lang hahanguin.

"Hey" tinig galing sa likod ko kaya saglit akong napatingin doon.

Sino ba to? Itsura pa lang halatang ano na e.

"Hello?" hindi ko siguradong sagot na ikinatawa nya.

"Luto na?" tanong nya. Hawig nya si Ash, mas maputi lang sya at mas singkit ang mata.

"Malapit na, hinihintay na lang yung pasta" pagpapaliwanag ko at tumango tango naman sya.

"I'm Chad, btw"

"Ay, nice to meet you, Chad. Ako si Mau, dorm mate ni Ash" pagpapakilala ko.

"Ohh, well... He's my cousin" 

Ay, kaya pala sila magkamuha e! Kaso si Chad isang tingin mo pa lang halatang playboy na.

"Chad, where's the glass?" singit nung babae na kumausap kanina kay Julian. 

"Oh, yahh. Nasaan pala ang baso nyo?" tanong nya kaya naman itinuro ko yung lagayan.

"Thanks!" 

"Pwede bang ipakuha mo na lang yan sa kanya? Julian can't put the key properly" iritang sagot nung babae. Alanganin tuloy na napatingin sa akin si Chad, tinanguan ko sya at bumalik na sya sa sala.

"Dalhin mo na lang sa table" walang ganang saad ng babae sa akin bago tuluyang umalis.

Ang maldita naman? 

Inihanda ko yung mga baso na kailangan nila bago ko inihango yung carbonara. Wala akong serving plate kaya naman tumingin na lang ako sa mga gamit ni Ash. Mabuti na lang at meron. Inuna kong dalhin ang baso sa lamesa sa sal kaya napatingin sila.

"Thanks, Mau. Si Chad at Gab na ang bahala dyan" sambit ni Ash kaya tinanguan ko sya.

"Nasa ref yung Milktea mo" saad ni Julian. 

"May ginagawa sila Gab, Ash. Hindi ba pwedeng dalhin nya na lang dito? Wala rin naman syang ginagawa e" hirit na naman nung maldita.

Grabe ano ba ang ginawa ko sa kanya?

"She's not my maid, Kyla. Tutal wala ka rin namang ginagawa, edi ikaw na lang ang kumuha" seryosong sagot ni Ash bago ibalik ang mata sa laptop.

Hala, ginalit kasi e.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon