EPISODE 01

15 3 2
                                    

"Newbie"
"Julianne's P.O.V"

Ako si Julianne, nagsimula ang mga kakatuwang bagay noong nagtatrabaho nako sa isang BPO company.
We're so excited na mag start for our nesting and I met Ate Angel. She's the tenure sa team.

"Welcome Julianne, my name is Angel but you can call me Ate Angel. How's your call?" Unang tanong ni ate, nung kasabay ko syang mag lunch break.

Bumuntong hininga ako bago sumagot sakanya.
"Okay lang po, medyo nakakapanibago. Pero feel ko kakayanin naman." Sabay kuha ng tasa ko na may kape sa mesa.

"Good, hayaan muna masasanay ka din. Anyways have you seen Dave?" Tanong nya sakin. Which is obviously di ko pa kilala kung sino ang tao ang tinutukoy nya. Ilang sandali pa ay may nagmamadaling lumapit saamin at sabay upo.

"Oh, there you are bat ang tagal mo sis?" Tanong ni Ate Angel sa lalaki. Sabagay kahit straight na lalaki tinatawag na nilang sister dahil na din siguro sa environment or sadyang close na sila.

Bago sumagot ang lalaki ay tumingin muna ito sa paligid sabay pikit sa kanyang mga mata.

"Okay clear, nasa nap room ako kanina and I can't locate or even feel her presence." Sagot nang lalaki.

"So, this by mean nakatakas nanaman yung Killer?" Mahinang sambit ni Ate Angel sabay tingin sakin.

"Oh I forgot, this is Dave and sis, Julianne. Kaka endorse lang nila last day. I mean yesterday. Ay nakakaloka. Pero naloka ako sa sinabi mo. Papano natin mahahanap si Bonch if di nanaman natin alam kung ~ " Naputol ang sasabihin ni Ate Angel nang dumating ang Isang babae at mukhang kaibigan ito ni Ate Angel.

"Leah, what's wrong?" Tanong ni Ate Angel.

"Gutom nako at ang tagal nang Isa kung call. Jusko!" Sambit ni Leah sabay buntong hininga.

"Sandali, tahimik muna kayo nanaramdaman ko sya." Wika ni Dave.

"Ang alin Kuya?" Tanong ko sakanya.

"Like parang mainit na feeling na malamig sa batok Basta something creepy." Sabi ni Kuya Dave.

"You mean like when you encounter a ghost?" Tanong ko.

"Yes, so may gift ka din?" Tanong ni Kuya saakin.

"Not sure but sguro pero parang Hindi." Ngiti kung Sabi, ngunit ganun na din ang nararamdaman ko kanina pa lang pag pasok ko nang pantry.

"And who's bonch?" Tanong ko muli sakanila. Nagka tinginan silang tatlo, bago nag salita.
Unang sumagot si Ate Angel.

"How should I explain this, like di ka maguguluhan. Ganito nalang, Malakas ang kutob ko na siya ang dahilan kung bakit may mga nanawalang new hires sa company."

"Legit? But why? Maybe baka nag Awol lang kaya di na bumalik? I've heard from my Kuya about this. May mga agents talagang umaalis." Sabi ko.

"Sana kung ganun na nga ang mga nangyari. Pero Hindi. May nasave kami one time. At Hindi ka maniniwala Isang kakaibang nilalang ang may kagagawan ng pagkawala ng mga new hires." Sabi ni Ate Leah.

QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon