EPISODE 07

8 2 0
                                    

"Cyrokenisis"

Sa pagpapatuloy...

Sa Isang Bahay kung saan ang Isang bata ay nakatutok sa kanilang at ang nasa palabas isang Reyna na nagtungo sa isang bundok kung saan punong-puno ng Nyebe.

"Let it go, Let it go!" Wika ng bata habang ginagaya nya ang nasa palabas. Hanggang sa mapatingin ang bata sakanyang likuran at dito nakita nya ang kanyang ina na nababalutan ang buong katawan ng Nyebe.

"Papa si Elsa din ba si mama?" Tanong ng bata sa kanyang ama. Ngumiti lang ang kanyang ama at Sabay sabing.

"Yes she is, kasama nya si Olaf, or si tito Andrew." Sabi ng lalaki sabay suot ng kanyang ID. At tila papasok ito sa Kompanya kung saan nag tatrabaho sina Angel.

Habang papasok ang lalaki sa production floor, agad napansin Nina Dave at Angel ang lalaki.

"Sis diba crush mo yan?" Tanong ni Dave Kay Angel.

"Noon yun, pero Balita ko. Cheka nang mga marites sa labas may asawa yan, pero nahuli nyang nag kekeme sa mismong Bahay nila. At Balita ko iniwan sya ng asawa nya." Sabi ni Angel habang inaayus ang mga wire sa kanyang cubicle.

"Anong ngang pangalan nitong si Dzaddy ate?" Tanong ni Julianne.

"Baby Sam." Biro ni angel. At nagtawanan silang lahat sa kanilang bay.

Bago ang ang kahaliparutan na yan, ito ang karugtong ng pagsugod ni Beam sa Kakahuyan.

"Nasaan ka magpakita ka!" Sigaw ni Beam habang iniikot nya ang kanyang paningin sa paligid.

"Hello? Magpakita ka Sabi!" Sigaw muli ni Beam at Mula sa kanyang likuran isang matulis na sanga ang muntik ng tumama sakanya ngunit mabilis ang babae nakailag.

"Yan lang ba ang kaya mo?" Paghahamon nya sa halimaw. Hanggang sa isang pigura ang lumabas galing sa likod ng mga puno.

"Princess Beatrice. Masaya akong Makita kang muli" bati ng lalaki at dahan-dahang namukhaan ni Beam ang lalaki.

"Sir Mark? Ikaw nga, Sabi ko na nga ba!" Wika ni beam akmang susugod na sana sya ng biglang Hindi sya makagalaw.
Nagtataka ang babae dahil kung hawak na ng Skin walker ang gift ni Madisson malamang magkatulad lang sila ng gift ngayon. Hindi nya alam sa likod ng puno, may Isang babae ang kasalukuyang ginagamit ang kanyang gift upang Hindi sya maka galaw.  Kung anong sinasabi ni Mark ganun din ang lumalabas sa bibig ng babae. 

(Short Replay :
Noong lumapit si Queen Victoria kay Leah.
"Maari mo ding pasukin ang kamalayan ng Isang nilalang, mapahayop man sila o tao, maging skin walkers kaya mo. Hindi nagkakalayo ang gift mo Kay Dave." )

QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon