"Old Friend"
A clairvoyant's troubleSa pagpapatuloy...
"Kamusta kana?" Tanong ng lalaki Kay Dave. At ngumiti naman si Dave sabay sabing ayus lang. Aalis na sana ito ngunit pinigilan sya ng lalaki."You know what, I'm sorry." Wika ng lalaki sakanya. Tumalikod sandali si Dave at bumuntong hininga saka hinarap ang lalaki sabay ngiti.
"Hayaan muna, matagal na yun. And I have to go. Nice to see you again, Josh." Sabay talikod dito. Mabuti nalang at Sinalubong sya ni Randy.
"Sino yun?" Tanong ni Randy.
"Ex ko." Ngiting Sagot nya. Ilang sandali pa ay dumating na din si Beam.
"Sorry nahuli ako. Anong nangyayari dito? Bakit parang iiyak ka Dave?" Tinitigan ni Beam si Randy ng masama.
"Uy, Hindi ko inasar si Dave ah. Nakita nya Kasi yung ex nya kanina." Sagot ni Randy.
"Talaga nasaan?" Usisa ni Beam na agad namang tinuro ni Randy ang lalaking nakatayo sa malayo.
"Ito ba yung kwenento mong sinabihan ka ng over acting at naging myembro ka ng Charles angels? Hoiii Ang kapal nya!" Sigaw ni Beam.
"Ano kaba matagal na yun. Mabuti pa, uwi na Tayo." Sambit ni Dave.
Samantala Sina Angel at Leah naman ay sinundan si Julianne.
"Sure kaba gel? Baka namalikmata ka lang!" Wika ni Leah. Habang nagtatago sila sa damuhan.
"Oo, parang may Mali sa babaeng yan." Sagot ni Angel. Ngunit Hindi nila alam, na batid na ni Julianne na sinusundan na sya.
"Wala kayong makikita at mahuhuli saakin!" Ngiting Sabi ni Julianne at nagpatuloy ito sa paglalakad.
Hanggang sa marating nila ang Bahay kung saan nakatira si Julianne.
Nakita nilang may mga batang sumalubong sa babae at Sabay sabay itong yumakap dito."Ate maligayang pagbabalik." Wika ng babaeng bata.
"Nagluluto na si mama ng hapunan natin." Dagdag ng Isa pang batang lalaki.
Hindi nila alam, ginamitan sila ng ilusyon ng babae na nakuha nya sa kanyang biktima na si Kendra. Ang babaeng di nila nailigtas."Hindi talaga ako nagkamali na Kunin Ang gift ni Kendra." Sambit nya sabay pasok sa loob ng Bahay.
Sina Leah at Angel Naman ay tila bigo sa kanilang nasaksihan."Akala ko." Nauutal na wika ni Angel.
"Oo akala mo kalaban sya. Pero grabe ka gel. Judgement agad?" Biro nya.
"Maybe Mali ako pero, hahanap ako ng prof for this." Sabi ni Angel. At Sabay silang umalis. Hindi nila alam, puro ilusyon lang ang kanilang nakita.
BINABASA MO ANG
QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)
Mystery / ThrillerSamahan sina Beam, Dave, Leah at Angel. Upang tuklasin ang hiwaga tungkol sa mga Skin Walker. At pilit nilang tutuklasin ang katauhan ni Bonch at Gemma, sabay nating lakbayin ang mundo ng NOVARIA.