"The Speedo"
Sa pagpapatuloy...
Habang nag tatago Sina Beam at Angel sa Isang iskinita..
"Ate ayus lang ba talaga si Dave?" Tanong ni Beam. Habang abala ang kanyang mga mata na naka masid sa paligid.
"Sa palagay ko ayus na sya. Pero seryuso? Sya ba talaga ang susi na sinasabi ni Miss Gemma?" Tanong ni Angel. Sasagot na sana si Beam nang biglang mag bigay ng go signal si Leah.
"Beam at Gel, papunta na sya Dyan. Get ready!" Sabi ni Leah sa kabilang linya.
"On it ate." Sagot ni Beam at mabilis niyang ikinumpas ang kanyang mga kamay. At si Angel naman ay ginamit ang kakayahang mag laho upang abangan ang kanilang inaantay sa kalsada.
Samantala may isang nilalang ang matulin na tumatakbo patungo sa patibong nina Angel at Beam.Mabilis na nagapos ni Beam ang nilalang ng kanyang mga baging sa tulong ni Angel. Gamit ang liwanag na ginawa nya ay nasilaw Ang nilalang na kanilang inaantay.
"Huli ka!" Wika ni Beam at mabilis din namang iginapos ni Angel ng kanyang Nagliliwanag na lubid. Habang Sina Dave at Leah ay mabilis na nag tungo sakanilang kinalalagyan.
"Good Job!" Bati ni Leah sa dalawa. Habang Ang nilalang na may bilis ay pilit na kumakawala.
"Bakit mo ginagawa ito?" Tanong ni Dave.
"Ang alin?" Sambit ng nilalang.
"Ang mangulo sa mga police. Last two months ago. May sinalakay kang tatlong police car. Hindi mo ba alam na delikado ang mga katulad natin?" Sabi ni Dave.
"Hindi masama Ang akong ginawa!" Sabi ng lalaki na nakagapos sa mga baging ni Beam.
"Mama Utlom lang?" Wika ni Angel.
"Delikado ang mga katulad mo sa mga skin walker. Ako nga Pala si Leah ang ~" Naputol na sasabihin ni Leah ng biglang isang malakas na kidlat ang muntik na tumama sakanya. Habang Sina Angel, Beam naman ay nakaranas nang pagsakit sa Ulo. Si Dave naman ay nag yelo ang kanyang katawan mula paa Hanggang bewang.
Mula sa kanilang likuran dumating ang grupo nina Julianne, Nicole at Cristy.
"Hello mga ate at kuya." Bati ni Julianne.
"Sinasabi ko na nga ba!" Galit na wika ni Angel. Habang ang lalaki nakagapos sa baging at maliwanag na lubid ay pinakawalan Nina Nicole at Cristy.
"Sumama ka saamin. Delikado ka dito. Sila Ang mga alagad ng Skin walker. Kukunin Nila ang gift mo. Ako si Julianne at Ikaw ay si?" Tanong ni Julianne sa lalaki.
"Abram, o Bram nalang." Pakilala ng lalaki sakanya.
"Nice to meet you Bram. Sumama ka saamin para mailayo ka namin dito. Sa mga katulad Nila!" Wika ni Julianne.
BINABASA MO ANG
QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)
Mystery / ThrillerSamahan sina Beam, Dave, Leah at Angel. Upang tuklasin ang hiwaga tungkol sa mga Skin Walker. At pilit nilang tutuklasin ang katauhan ni Bonch at Gemma, sabay nating lakbayin ang mundo ng NOVARIA.