"Ang katapusan at bagong simula (Part 1)"
Sa pagpapatuloy...
"Sumuko kana, nagbalik na ang mga taga Lemen Forest sa dati." Utos ni Leah kina Bonch at Gemma.
"Oo nga Miss Gemma. Alam kung Hindi ka masama. Naging kapatid ka lang na naghihigante." Dagdag ni Angel.
"Hindi!" Sigaw ni Gemma at sa pagkakataong ito naghiwalay ang kanilang katawan.
"Mas mapapanatag ako kung tutulungan ninyo akong maibalik sa dati ang Novaria." Wika ni Beam sabay abot sakanyang kamay sa dalawa. Nagkatinginan Sina Gemma at Bonch sabay wika ng..
"Hindi kami pupwedeng sumuway sa Pinagkasunduan kaya patawad!" Wika nina Gemma at Bonch at kanilang ginamit ang gift na kanilang nakuha kay Helen at unti-unting nanigas ang buong katawan nina Beam at Dave. Maging Sina Leah at Angel ay Hindi na din makagalaw.
"Ate..." Pag-alalang wika ni Madisson. Akmang tutulungan ni Bram Sina Beam ngunit pinigilan sila Rose.
"Wag kayong makikialam, delikado. Mag tiwala Tayo sakanila." Wika ni Rose.
Habang unti-unting naging bato ang kanilang mga katawan, Isa-isa namang kumawala sakanilang katawan ang mga sumanib sakanila.
Unang lumabas sa katawan ni Beam si Madisson, sumunod si Dawn sa katawan ni Dave, maging si Chellyn ay mabilis itong tumilapon palayo kay angel. Habang si Cristy at Leah ay nakaroon pa nang pagkakataong panain sina Gemma at Bonch gamit ang kidlat na palaso. Ngunit Hindi ito tinamaan.
"Sa wakas tutuparin na ng enigma ang kanyang pangako saatin ate." Wika ni Bonch.
Walang nagawa sila kundi tingnan ang apat kung papano sila naging bato.
Hindi alam ng dalawa na ang panang pinakawalan ni Leah ay si Cristy. Sadyang Hindi nya pinatamaan ang dalawa para sa kanilang Plano.
"Bilisan mo na Leah, Wala na tayong oras!" Utos ni Cristy Kay Leah.
"Sure kaba dito? Pano kung palpak?" Wika ni Leah sakanyang isipan.
"Bahala na. Ako ang bahala!" Wika ni Cristy.
Nang pinakawalan na ni Leah si Cristy gamit ang kidlat na palaso. Tumama sa isang puno si Cristy at dito nag tago sya sa likod ng puno upang Gawin ang Planong naisip nilang dalawa. Sa pagkakataong ito ay hawak ni Cristy ang libro ni Leah.
Gamit ang libro. Nagpakawala ng Isang malakas na boltahe ng kidlat si Cristy na mabilis na tumama kina Bonch at Gemma.
"Ngayon na Madisson!" Sigaw ni Chellyn. At mabilis namang nag palit anyo si Madisson bilang Isang malaking ibon. Gamit ang boses ng ibon biglang nabasag ang mga bato at bumalik sa dati ang apat.
Si Dawn naman ay bumalik sa katawan ni Dave ganun si Chellyn.
BINABASA MO ANG
QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)
Mystery / ThrillerSamahan sina Beam, Dave, Leah at Angel. Upang tuklasin ang hiwaga tungkol sa mga Skin Walker. At pilit nilang tutuklasin ang katauhan ni Bonch at Gemma, sabay nating lakbayin ang mundo ng NOVARIA.