"Enigma"
Sa pagpapatuloy...
Sa Isang madilim na bahagi ng gusali kung saan nagtatago ang mga nilalang ng dilim na pinamumunuan ng isang nilalang na tinatawag nilang enigma.
"Kamusta ang misyon mo?" Tanong ng Isang babae na naka belong itim.
"Matagumpay kung nakuha ang mga kelangan mo." Sagot ng Isang babae sabay abot sa babaeng naka belong itim ng dalawang garapong maliit.
"Kaninong mga regalo ito?" Tanong ni enigma.
"Ang hydrokenisis at Cyrokenisis Mahal na Reyna." Ngiting sabi ng babaeng nag abot sakanya.
"Magaling, Hindi kaba nila pinag hihinalaan?" Tanong nya sa kanyang alagad.
"Hindi naman po, Kay bilis lang nilang mapaniwala. Ngunit may Malaki tayong problema tungkol sa apat na asungot!" Wika ng babae. Hinawakan ni Enigma ang babae at iniharap sa salamin na tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing tanglaw nila upang Makita ang kanilang mga itsura.
"Bakit Julianne, Anong tungkol sakanila?" Tanong ni enigma.
"Mag iingat Tayo, lalong-lalo na kina Leah at Dave. Nadidiskubre na nila ang kanilang mga gift. Alam na nila kung Anong gagawin at para saan. Mukhang mahihiraman Tayo!" Wika ni Julianne.
"Kung ganun, maraming salamat. Hanggat maari, harangan mo ang mga visions na nakikita ng clairvoyant. Iba ang ipakita mo sakanya. Ako naman ang bahala sa lahat." Wika ni Enigma. At agad niyang hinubad ang kanyang suot na belo. At dito mas nakita pa ng salamin ang kanyang Mukha.
"Hindi ba sila nag tataka kapag pinapalitan mo si Miss Gemma?" Tanong ni Julianne.
"Hindi naman, magaling ako sa ganyan. Kilalang kilala ko si Gemma." Wika ni Enigma.
"Oo sinabi mo nang Kakambal mo sya." Sambit ni Julianne sabay taas ng kilay.
"Oo, si Gemma at si Bonch." Wika ni Enigma at muling inaalala nya ang mga panahong mga bata pa sila. At tanging si Gemma lang ang nakakatanggap ng papuri dahil sa kabaitan nito. Hindi katulad ni Bonch, sang-ayon sya sa mga adhikain ng kanyang mga kauri ang sakupin ang buong Novaria. Kaya napilitang umalis si Gemma sa kanilang lugar at namuhay sa Novaria.
"Kahit kelan pa bida, mapa Novaria man o dito sa Mundo ng mga tao. Pero okay lang sisirain ko sya sa harap ng kanyang mga minamahal na Ahente." Ngiting Sabi ni Bonch o enigma.
Samantala sa Novaria..
Nasa matinding pagsasanay si Madisson kasama si Marilyn."Tandaan mo Madisson, Ikaw at si Marilyn ay iisa. Kung anong sugat Meron ka, nagkakaroon si Marilyn. Kaya kelangan mong maging malakas. Lalo na sa pisikal mo." Wika ni Gemma.
"Miss Gemma napapagod na kami ni Marilyn." Wika ni Madisson habang katabi nya si Marilyn.
"Sandali wag ka namang sobrang higpit sakanya Gemma." Wika ni Rose kasama ang kanyang alagang pusa na si Cotton. Na sobrang puti ng balahibo.
BINABASA MO ANG
QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)
Mystery / ThrillerSamahan sina Beam, Dave, Leah at Angel. Upang tuklasin ang hiwaga tungkol sa mga Skin Walker. At pilit nilang tutuklasin ang katauhan ni Bonch at Gemma, sabay nating lakbayin ang mundo ng NOVARIA.