EPISODE 20

7 2 0
                                    

" Ang setro ng Novaria "

Sa pagpapatuloy...
Nakapasok at nakabalik na muli sina Angel, Leah, Dave at Beam na kasalukuyang nasa katawan ni Beam si Bonch.

Inutusan naman ni Victoria si Criselda na itakas ang setro ng Novaria.

"Miss Criselda dito po." Tawag ni Randy sakanya. Agad namang lumapit si Criselda sakanya.

"Naguguluhan ako kung saan ko itatakas ang Setro. Hindi na ligtas ang setro dito. Hindi pwde sa Mundo ng mga tao." Sabi ni Criselda.

"Maari mong itago ang setro sa Andromeda o sa Hestia." Wika ni Randy. Nag uusap pa sila ng biglang may mga skin walker ang papalapit na sakanila.

"Heneral, papalapit na sila dito." Sabi ng Isang kawal.

"Wala na tayong oras Miss Criselda. Ito ang susi sa mga lagusan." Wika ni Randy at mabilis niyang ikinumpas ang kanyang mga kamay upang utusan ang mga puno na harangan ang mga papalapit na Skin walker.

Si Criselda naman ay nag bukas ng isang lagusan.

"Bahala na!" Wika nya bago sya pumasok sa lagusan na kanyang ginawa.

Samantala sa Palasyo ng Novaria.
Dumating na sina Paula at Lena.

"Paula, Lena mabuti at nandito na kayo!" Wika ni Victoria.

"Hindi ka namin iiwan pamangkin ko." Wika ni Lena.

"Mabuti at nagsama sama kayong tatlo, Hindi na ako mahihirapan pang patayin kayo." Wika ni Beam.

"Oras na kapatid ko, ibigay mo ang parusang nanarapat sakanila." Wika Naman ni Gemma at Sabay halakhak.

"Aba syempre." Itinaas ni Beam ang kanyang kamay at Sabay usal ng kanyang pangalan. Itinaas din naman ni Angel ang kanyang kamay sabay bigkas ng kanyang pangalan. Sa Isang iglap isang liwanag ang bumalot sa loob ng palasyo. Sa mga oras na ito, si Angel na ang kaharap nila habang si Beam naman ay nasa loob ni angel. Si Dave naman ay nakalabas na sa katawan ni Beam.

Mabilis na ikinumpas ni Angel ang kanyang kamay at Isang Nagliliwanag na mga baging ang mabilis na lumapit sa tatlo. Ngunit sinubukang pigilan ni Paula ang baging.

"Hindi mo kami mapapatay Bonch!" Wika ni Paula.

Ngumiti si Angel saka nag wika ng.. " Hindi ko Naman kayo papatayin bubulagin lang!"

Lumutang sa ire si Angel kasabay ng pagliwanag ng kanyang buhok at sa mga oras na ito ay Hindi na kulay puti ang liwanag na bumabalot sa kanyang buhok.

"Kamangha-mangha. Kayang dungisan ang liwanag ng mga taga luminous. Akala ko mga dalisay sila." Wika ni Gemma at lumapit Kay Leah.

QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon