EPISODE 08

8 2 0
                                    

"Cyrokenisis Part 2 and Crossover with Dondé Esta Rexxy?"
Rated SPG konti.

Sa pagpapatuloy...

Isang mainit na halik ang ibinigay ng babae sa lalaki habang ang kamay nito ay naglalakbay sa buong katawan ng kasamang lalaki na sa mga oras na iyon ay kapwa hubot-hubad silang dalawa.
"Sandali masakit!" Reklamo ng babae ng maramdaman niyang humahapdi ang kanyang labi.

"Sorry, di ko kasi mapigilan!" Sambit ng lalaki at siniil muli sya ng Mainit na halik, pababa sa leeg at sakanyang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala nag uusap sina Beam, Dave at Leah tungkol sa ginawa nilang undercover mission kay angel.

"Sana walang mangyari kay angel." Wika ni Leah.

"Nako ate Walang mangyayari kay angel. Remember? Kakausapin lang nya si Sam tungkol sa kanyang gift. At bibigyan natin ng babala ang mga may gift tungkol sa mga skin walkers." Sabi ni Dave habang ginuguhit sa papel. Lumapit si Beam sakanilang dalawa at nag tanong.

"Ano ba Kasi yang ginuguhit mo?" Tanong ni Beam.

"Ito yung sign or logo na nakita ko sa vision ko. Hindi ko alam kung saan ito galing." Sagot ni Dave.

Habang sa isang lugar na tinatawag na Santa Helena.

"Saan ba nangagaling ang mga kakaibang nilalang na yan?" Tanong ng Isang babae na tila nasa kasalukuyang panahon pa base sa kanyang sout na Filipiniana.

"Binibini, maligayang pagbati" sambit ng Isang babaeng naka kimono at nakatakip ang pamaypay sakanyang Mukha.

"Princess? Ikaw nga ba yan?" Ngiting Sabi ng babae.

"Walang iba pa, naparito ako upang iulat sainyo ang tungkol sa nakakatwang pangyayari sa Isang malayong pook. Sa Novaria." Sambit ng babaeng nakakimono na tinawag nilang Princess.

"Novaria? Hindi sila nayon. Kundi isang kaharian at napakalayo ng Novaria dito sa munting pook natin. Kung gayun, ano ang iuulat mo?" Tanong ng babae.

"Binibining Rexy, ang mga kakaibang nilalang na sumalakay saating nayon at karatig nayon ay nangaling sa Novaria.
Hindi ko pa tiyak kung bakit, pero kung papahintulutan ninyo ang aking ekspedisyun. Mag tutungo ako sa Novaria sa madaling panahon upang hingin ang kanilang sagot at upang humingi ng karagdagang tulong na din. " Sabi ni Princess.

"Kung gayoy mag tungo ka sa Novaria. Mag siyasat ka. Kung maari wag Kang sasalungat sa kanila." Utos ng babae sakanya. At yumuko si Princess bilang pag galang.

QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon