EPISODE 11

8 2 0
                                    

"The Pyro and the Kenetic Gang"

Sa pagpapatuloy...

"Walang laban ang apoy sa tubig!" Wika ni Nicole habang pinalilibutan si Chellyn ng tubig.

"Kung ako Sayo, isuko muna ang gift mo. Para di kana mahirapan." Dagdag ni Julianne.

Bumuntong hininga si Chellyn Bago nag salita.
"Kung ganun, Basta wag nyo idadamay ang pamilya ko. Makukuha ninyo ang gift ko." Sabi ni Chellyn. Mula sa dibdib ni Chellyn Isang kulay pulang liwanag ang lumabas.

"Yan na ba ang gift ng Pyrokenisis?" Tanong ni Julianne.

"Malamang, Kunin mo na Juls!" Utos ni Nicole. Na agad namang lumapit ang babae sakanya at kinuha ang Isang maliit na bote Mula sakanyang bulsa.

Akmang hihigupin na nang bote ang liwanag nang biglang isang malakas na kulog ang umalingaw-ngaw sa paligid kasabay ng Isang kidlat ang muntik ng tumama kay Julianne.

"Sino yun?" Sigaw ni Julianne na muntik nang matamaan ng kidlat. Habang si Nicole Naman ay di makagalaw dahil sa isang baging na nakapulupot sakanyang katawan.

"Nicole tulong!" Bulyaw ni Julianne sa kasama.

"Hindi rin ako makagalaw!" Sagot ni Nicole. Dahan-dahang naging yelo ang tubig na nakapulupot sa katawan ni Chellyn at mabilis itong nabasag.

Mula sakanilang likuran apat na nilalang ang lumabas at nagpakilala sakanilang dalawa.

"Dalawa lang ba ang alagad ni Enigma?" Tanong ng Isang babae.

"Marahil bumubuo pa sila!" Sagot naman isang lalaki.

"Sino kayo?" Tanong ni Julianne na sa mga oras na iyon ay nag yelo ang kalahati ng kanyang katawan. 
Isang malaking pusa ang tumalon sa gitna at dito dahan-dahang nag anyong tao.

"Sila ang Kenetic Gang! Mukhang Hindi pinag isipan ang pangalan ng grupo pero yun ang tawag sakanila." Sagot ng babae na naging Isang malaking pusa.

Ngumiti naman si Julianne at nag wika.

"Matagal Kang nawala sa earth, at mukhang sanay ka nang gamitin ang gift mo Madisson?"

"Slight, pero wag kang mag-aalala. Dahil pipilitin naming Hindi kayo magtatagumpay." Sabi ni Madisson sabay kindat.
Ilang sandali naman ay dumating na Sina Angel.

"Umalis na Tayo dito Nicole, Hindi pwdeng ma bulgar ang undercover ko!" Sabi ni Julianne sabay kumpas ng kanyang mga kamay at sa isang iglap ay nag laho silang dalawa kasama si Nicole.

Nang dumating na Sina Angel, Dave, Beam at Leah. Nakita nilang pinalilibutan si Chellyn.
Akmang susugod na sana sila pero nang Makita nila si Madisson.

QUIEN ES BONCH (THE SECRET OF THE KINGDOM OF NOVARIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon