Dual
Prologue
“anak…parang awa mo na huwag mo akong papatayin..”nagmamakaawang sabi ni mrs.rodrigo sa anak.
Isang walong taong gulang na batang babae na may hawak na butcher knife ang lumapit kay mrs. Rodrigo.
Patay na ang asawa nito na si mr.rodrigo dahil tinaga sa likod ng anak nila, at pinagsaksak ng kotsilyo.
Tumingin si mrs.rodrigo sa kaliwa nya, nakaratay ang asawa nya duguan na ito. Umiyak na lang sya sa awa.
Nang inangat ng anak ang dalang butcher knife kay mrs Rodrigo, napapikit na lang sya.
“ahhhhhhhhhh”sigaw ni mrs Rodrigo. Dahil nasapol ang ulo nya, biyak ang ulo nito, maraming dugo ang lumabas. Iniwan ng batang babae ang ina na wala ng buhay sa sala at umakyat sa taas. At natulog na parang walang nangyari.
**********************************************
A MINUTE AGO..
Dumating ang mga pulis sa subdivision kung saan ang apartment ng mga Rodrigo.
Pinasok nila ang bahay dahil may tumawag sa kanila, mga kapitbahay na may narinig silang ingay na galling sa bahay ng mga Rodrigo.
Pagpasok nila, nahagip ng kanilang mga mata ang karumal dumal na sinapit ng mag asawa, duguan ito, si mrs Rodrigo, nakasandal sa sofa na may tama sa ulo, nabiyak ito bunga ng pagdapo sa butcher knife na iniwan ng killer sa ulo nito. Si mr. Rodrigo naman nakahandusay sa sa sahig na puno ng saksak ang katawan.
Umakyat si supt. Magallanes sa taas ng bahay, pumasok sya sa isang kwarto, nakita nya ang isang batang babae na duguan ang damit, nakatalungko sa gilid ng kama na umiiyak. Nilapitan nya ang batang babae.
“eneng, anong nangyari,sinong pumatay ng mga magulang” agap na sabi ni supt. Magallanes sa bata.
Hindi kumibo ang bata at patuloy lang sa pagiyak.
*****************************************
SA PRESINTO…
“ah,,bata,,may mga katanungan lang kami sayo!”sabi ng chef ng pulis sa bata. Walang kibo ang bata parang natruma ito. Nakatulala lang ang batang babae.
Agad na dumating ang tita Sophia nya galling manila, dahil nag aalala ito sa kalagayan ng pamangkin , dahil nakatanggap sya ng balita na minasacre ang kapatid nya na ama ng batang babae at asawa nito.
“baby,,okay ka lang..huh..sinong may gawa sa inyo nito..oh god!”umiyak si Sophia na nakaluhod sa harap ng bata. Parang nakilala sya ng bata dahil niyakap sya nito ng mahigpit.
“chef..iuuwi ko na ang pamangkin ko sa manila,,parang natruma sya sa sinapit ng pamilya nya.”hinarap ni Sophia ang chef .
“oh,,sige..papayag ako..”tumango ang chef dahil alam nito na makabubuti din sa bata na malayo sya sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
DUAL
Mystery / Thrillersimula ng minassacre ang parents ni sandy, si sophia ang tumayong guardiance nito. mahal sya ng tita nya, itinuring syang tunay na anak. nang gusto nyang magboard, pinayagan sya ni sophia, naging spoiled bratt si sandy dahil inispoiled sya ni sophia...