dual 2

364 8 0
                                    

Pumarada ang  kotse ni Sophia sa tapat ng building ng quessian dorm. Maganda ito, at mukhang safe, dahil may malaking gate, at maganda ang quessian dorm,.

                “sige..na sandy..bumaba kana!”utos ni Sophia sa pamangkin.

                Napabuntong hininga ito at sumunod naman ito sa kanya.

                Pagpasok nila sa quessian dormitory, maraming mga studyante ang nag pareserba ng kanilang magiging kwarto. Maganda ang quessian dormitory, malinis  ito.

                pumunta sila sandy sa attendant ng dorm.

                “excuse me po, may vacant pa bang room para sa pamangkin ko.”may ngiti na sabi ni Sophia sa attendant habang si sandy sa tabi nag soundtrip sa kanyang ipod.

                “teka lang po mam,,huh, titingnan ko po kung mayroon pabang vacant, kasi  po mam, dami pong nagpareserve lalong lalo na ngayong malapit na ang pasukan”sabi ng attendant  habang binubuklat buklat ang notebook ng mga rooms ng bakante.

                “sige po mam!”ani Sophia.

                “mam, room 016 mam,bakante po.gusto nyo po bang tingnan.”sabi ng attendant,

                “sige”nginitian ni Sophia ang attendant.

                “lets go sandy,,titingnan natin ang kwarto mo!”aya ni Sophia kay sandy.

                Nagkibit balikat lang ito at sumunod agad.

                Pagdating nila sa pinto ng kwarto,binuksan ng attendant  ang room,pagbukas nito, maganda ang silid,  kulay red ang curtain at may aircondition at mula sa bintana kita ang malawak na ground ng quessian dormitory.

                “anak, ok na ba ito..sayong kwarto?”humarap si sophia sa kanya .

                “nice,,good!”sabi ni sandy sa kanya.

                “ok,kukunin ko na tong kwarto para sa pamangkin ko!”ani sophia sa attendant.

                “k..maam..sige po..ireserve ko po tong room 016 para sa pamangkin mo!”may ngiti sa labi ng attendant kay sophia.

                Ngumiti din si sophia sa attendant.

                “mam..kailan po magsisimula ang pamagkin mo ?”tanong ng attendant kay sophia habang naglalakad sila sa pasilyo ng dorm.

                Habang naglalakad sila, may nabangga si sandy isang babae, sa tantiya nya magkasing edad lang sila, mahaba ang buhok nito nawewerduhan sya sa auro ng babae dahil natabunan ang mukha nito sa mahaba nitong  buhok.

                “so..sorry!”hingi ng paumanhin ng babae.

                At dali daling naglalakad papuntang room nito, magkatabi lang pala sila ng room na kinuha ng tita nya.

                “weird” bulong niya.

                Binalewala  na lang nya ang weird na babae na nabangga  nya.

                Umalis na sila ng tita nya, sa quessian  dorm. Nagbayad na din ang tita nya ng 5000  para sa isang buwan na paglalagi nya.

Pumarada ang kotse ni Sophia sa university of the Philippines(UP). Malayo layo rin ang binyahe nila, napagisip isip ni Sophia na bilhan ang pamangkin ng kotse, dahil para di mapagod. Marunong magmaneho si sandy ng kotse, kaya lang hindi ito pinayagan ng tita nya  na  magdrive dahil natatakot ang tita nya na baka may mangyaring masama sa pamangkin.

                “tita..”narining ni Sophia na parang naglalambing ang boses ni sandy, tyak may hihingin na naman ito sa kanya, natawa na lang sya sa naisip dahil alam niya sa sarili nya hindi nya matatanggihan ang batang ito.

                “ano na naman?”sabi ni Sophia, nang lingunin nya ito mula sa backset ng sasakyan.

                “ahmm,,tita,napansin nyo malayo layo rin ang byahe,bakit di nyo po ako bilhan ng kotse”ani sandy na idiniin ang salitang kotse.

                Nakakatawa talaga itong batang ito,sa isip ni Sophia. Kung may kailangan tsaka sya nalalambing.

                “haha,iyan talaga ang nasaisip ko kanina.”natawa si Sophia kay  sandy.

                “talaga tita.. bibilhan mo ako..!”ani sandy na excited.

                Tumango lang si Sophia habang nakatawa. Dahil sa saya niyakap siya ni sandy.

                “enough na..enough na..”ani Sophia na nang gagalaiti sa yakap ng pamangkin.

                “thanks tita..the best ka talaga..”excited na sabi ni sandy kay Sophia.

                “bolera..”tanging nasambit ni Sophia sa sabi ng pamangkin.

                Lumabas na sila ng sasakyan at nagpaenroll, after , pumunta sila sa mall para bilhan ng kotse si sandy, isang black na inova ang napili ni sandy.binayaran nila sa cashier at pagkatapos magbayad inuwi na nila ang kotse.

DUALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon