dual -epilugue

228 7 0
                                    

                sa Arlington memorial chapel sa quezon city, inilagak ang lamay ni sandy.

                Maraming tao sa funeral pagpasok ni leah,  sa gitna nito, anduon ang kabaong ni sandy,nakita nya si Sophia na nakatayo malapit sa kabaong ni sandy, umiiyak sya.

                Dahan dahang nilapitan ni leah si Sophia, natatakot din sya na baka magalit ito sa kanya, dahil sya ang dahilan  kung bakit namatay si sandy.

                “tita, sorry..”humagulhol si leah pagkalapit nya sa kay Sophia.

                Nilingon ni Sophia si leah, nakita ni leah sa mukha ni Sophia na hindi ito galit.

                “leah..wala kang kasalanan..matagal ko ng alam na may mental disorder ang pamangkin ko.”napabuntong hininga ito bago nagsalita,bakas sa mukha nito ang paghihinagpis dahil sa pagkawala ni sandy.”nagsimula yun nung mabangga sya ng kotse, 12 yrs, na ang nakararaan,  nagbago ang ugali ni sandy, dahil nagsasalita sya magisa, at may kinakausap sya dual daw ang pangalan,”nanlaki ang mata ni leah ng mabanggit ni Sophia si dual, “ pinadoktor namin sya ni kuya, dahil natatakot kami pati rin ang mommy nito, dahil palagi itong tulala minsan, at sinasabunutan ang sarili nya, sabi nya sinabunutan daw sya ni dual pero sya lang ang may gawa nuon, sabi ng doctor may mental disorder daw si sandy,”mahabang kwento ni Sophia, dahil duon napalakas ang hagulhol ni Sophia, dahil naaawawa sya sa pamangkin.

                Inalalayan sya ni leah, maging si leah, masakit para sa kanya,kahit ilang araw lang sila nagging kaibigan ni sandy, napakabait ito sa kanya. Nagdadalamhati sya sa pagkawala ng best friend nya.

Araw ng libing…

                Maraming  tao ang dumalo sa huling hantungan ni sandy.

                “sandy…kahit ilang araw lang tayong nagging magkaibigan itinuring kitang bestfriend, dahil ikaw lang ang tumanggap sa akin..mahal kita  sandy…ngayon nawalan na ako ng taong tumatanggap sa akin..sana maligaya ka kung saan Ka man ngayon”nagging emusyunal  si leah, at hinahagis ang rosas sa kabaong ni sandy, dahan dahan itong bumaba sa lupa, naalala ni leah noung una silang nagkita ni sandy, yung sabunutan nila ni mikki, na tinulungan ni sandy.

                Si Sophia naman, parang naubos na ang luha niya sa kaiiyak.

                “anak…mahal na mahal kita..masaya na rin ako dahil magsasama na kayo ng daddy at mommy mo..hindi ko matatanggap na wala kana, pero tatanggapin ko dahil lahat naman tayo hahantong dito, sana Masaya ka sa piling ng mga magulang mo,”humikbi si Sophia, inihagis din nya ang bulaklak na hawak nya.

                Maging ang mga barkada ni sandy hinahagis din ang dalang bulaklak. Umiiyak din sila, katulad nila Sophia at leah hindi rin nito  matatanggap na wala na si sandy..

                                Rest in peace sandy!!!

The end

___________________________________________________

DUALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon