dual 11

235 7 0
                                    

“anak…parang awa mo na huwag mo akong papatayin..”nagmamakaawang sabi ni mrs.rodrigo sa anak.

                Isang walong taong gulang na batang babae na may hawak na butcher knife ang  lumapit kay mrs. Rodrigo.

                Patay na ang asawa nito na si mr.rodrigo dahil tinaga sa likod ng anak nila, at pinagsaksak ng kotsilyo.

                Tumingin si mrs.rodrigo sa kaliwa nya, nakaratay ang asawa nya duguan na ito. Umiyak na lang sya sa awa.

                Nang inangat ng anak ang dalang butcher knife kay mrs Rodrigo, napapikit na lang sya.            

                “ahhhhhhhhhh”sigaw ni mrs Rodrigo. Dahil nasapol ang ulo nya, biyak ang ulo nito, maraming dugo ang lumabas. Iniwan ng batang babae ang ina na wala ng buhay sa sala at umakyat sa taas. At natulog na parang walang nangyari.

 =================================

                Nagising si sandy sa masamang panaginip, hiningal sya,nakita nya ang sarili na nakahawak ng butcher knife at tinaga ang mommy nya sa ulo, biyak ang ulo ng mommy nya at umaagos ang dugo sa noo nito,naawa sya sa sinapit ng mommy niya, humagulhol sya ng iyak,niyakap nya ang kanyang mga binti sa kamay niya, at parang takot na takot.

                Natigil sya ng magring ang cp nya na nasa gilid ng bed nya, agad nyang kinuha ito, pagtingin nya sa screen pangalan ni lea hang nakaregister, sinagot nya ito.

                “hello..leah..kai…”anito na para bang takot na takot.

                “oh..hai..sandy..nasa panganib ang kaibigan mo..kung hindi ka pupunta ditto tiyak, may mangyari sa kanya ng masama..”ani babae sa kabilang linya at humalakhak ito.

“huwag kang pumunta ditto sandy..plzz..parang awa mo na..lavern walang kasalanan si sandy ditto..?”narinig nya na ang sabi ni leah, awang awa sya sa kaibigan, kahit maikli ang pinagsamahan nila, mahal nya ito at itinuring na nya itong best friend.

“huwag nyong sasaktan si leah..pupunta ako jan!?”wala syang pakialam kung may mangyari sa kanya basta mailigtas lang si leah.

“oh,,hanep ka rin noh…­ang dali mong magtiwala sa ugok na to..”sarkastikong sabi ng babae, at may mga lalaki pala itong kasama dahil  rinig na rinig nya ang tawanan ng mga lalaki sa kabilang linya. Nanganganib pala ang buhay ni leah,baka ipareyp ito ng hayop na babaeng ito.

“saan iyan,pupunta ako..”mabilis na sabi ni sandy.

“ditto sa quessian dorm ditto sa bodega…”anito..at inioff na.

“hello…”sigaw nya dahil naputol ang linya.

Kinakabahan si sandy sa pwedeng mangyari, tumingin sya sa alarm clock sa tabi nya, pasado 9:00 na ng gabi.

Dali dali syang nagbihis at lumabas.

Nasa pasilyo na sya ng mabangga nya si Sophia, na kumukuha ng gatas, galing ito sa kusina.

Gaya niya nagulat din si Sophia.

“sandy..saan ka pupunta!”matigas ang boses ni Sophia sa kanya.

“tita,,nanganganib ang buhay ni leah,,kailangan ko syang puntahan..”sabi ni sandy..namumugto na ang mga mata nito.nagpantig ang tenga ni Sophia ng marinig ang pangalang leah, sa pagkakaalam nya ito yung babae na nagdala kay sandy sa psychiatric clinic kanina.

                “no..hindi ka aalis..mapapahamak ka lang..go back to your room now..”matigas na sabi ni Sophia kay sandy.

“no..tita..kailangan nya ako..”nagpupumiglas si sandy sa hawak ni Sophia.

Hindi na kaya ni Sophia kaya kinaladkad nya si sandy, patungong kwarto nito. At inilock ang pinto.

“tita..plz..open the door..kailangan ako ni leah..”nanggigigil na sabi ni sandy, parang sinisira na nito ang pinto dahil tinatadyakan nya, hindi pa rin,,mabuksan.

Na pagod na lang sya, hindi pa rin nya mabuksan, napaupo na lang sya sa sahig, at umiiyak.

Nahagip ng kanyang mga mata ang bintana ng kwarto.

Naalala nya noong high school pa sya, duon sya dumadaan pag may gimik ang barkada.

Dali dali nyang kinuha ang kumot at itinali sa headboard ng kama nya. At sa tingin nya, hindi na sya mahuhulog, agad syang nagpadausdos pababa.

Dahan dahan syang lumabas, sa mga bulaklak, nakita nya ang tita nya  nakatambay sa terrace ng kanyang kwarto. Nagtago muna sya baka Makita pa sya nito.

Nang makasigurado itong wala na ito, agad syang tumakbo at lumabas ng gate, sakto naman ng may dumating na taxi at dali dali nyang pinara ito.

“sa quessian dormitory po..”mabilis nyang sabi ng makasakay sya sa taxi, tumango lang ang driver at pinaandar na ang taxi.

DUALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon