dual 9

242 9 0
                                    

Nagpapahangin si Sophia sa veranda, tumingin sya sa wrist watch nya, pasado 10 na ng umaga, napabuntong hininga sya dahil namimis nya ang pamangkin, sa oras kasi nito, kumakain sila sa veranda, manonood ng movie.

                Ngayong, nagboarding ito, napakatahimik ng bahay, wala na na syang naririnig na tawanan nila ni sandy pagnaglalambing, kahit tatlong araw palang nawala ito, parang mamatay na sya sa lungkot.

                Biglang nagring ang cp nya na pinatong nya sa mesita, kinuha nya ito, pagtingin nya si sandy. Kagaya siguro nya namimis din sya ng pamangkin.

                “hello..”sagot nya ng may ngiti sa labi.

                “hello.”sagot sa kabilang linya.

                Napawi ang ngiti ni Sophia ng hindi si sandy ang nasa kabilang linya, hindi familiar ang boses nito, isang babae, kinakabahan sya.

                “saan,,ang pamangkin..ko..?”nagpanic na sya. Hindi na nya malaman ang gagawin.

                “mam..kayo po ba ang tita ni sandy?tanong ng babae sa kabilang linya, rinig na rinig nya ang boses ni sandy na umiiyak at sumisigaw.

                “anong ginagawa nyo sa pamangkin ko?”naiyak na si Sophia dahil sa tension, dahil hindi nya alam kung ano ang nangyayari baka may gagawin silang masama sa pamangkin ko, handa syang magbayad ng ransom para sa kapakanan ng pamangkin nya.

                “mam..wa..wala.po akong ginagawang masama sa pamangkin ninyo,”ani  sa kabilang linya.

                “sino ka..?”tanong ni Sophia sa kausap.

                “ako po si leah, magallanes ako po ang kaibigan ni sandy..”pagpapakilala ni leah sa tita ni sandy, natakot sya sa tita ni sandy, mapagkamalan bas yang masamang tao,>_<

                “ka…kaibigan..wala akong natatandaang may kaibigan si sandy na leah ang pangalan”nagtaka si Sophia dahil wala syang natatandaang lea may pangalang leah ang kaibigan ng pamangkin.

                “mam..kailangan po kayo ng pamangkin mo, andito po kami ngayon sa psychiatric clinic sa mandaluyong!”sabi nito at nawala na ito sa linya.

                Kinakabahan si Sophia, nagulat sya bakit andun sila sa psychiatric clinic, hindi baliw ang pamangkin ko.

                “oh..god damn it”agad syang tumakbo patungong garage, at pinaharurus ang sasakyan patungong mandaluyong.

               =======================================================

                “darating na ang tita mo ngayon sandy..”pangpakalma ni leah sa kaibigan iyak ng iyak parin ito.

                Wala itong imik, nakaupo lang ito sa stretchers bed ng clinika,nakatalungko ito na parang may kinatatakutan.

                Narinig nila ang isang babaeng pumasok sa clinika baka ito ang tita ni sandy.

                “what have you done to my niece?”galit na galit na sabi ni Sophia kay leah.

                Dali dali syang pumunta sa kinaruruonan ng pamangkin nya.

                “sandy..anong ginawa nila sayo..k ka lang ba? Huh”nag aalala na sabi ni Sophia sa pamangkin, hinawi nto ang mukha nya, walang kibo pa din si sandy, umiiyak na parang takot na takot.

                “mam, kayo po ba ang tita ni sandy?”sabi ng doctor na nakatayo sa harapan nila. Narinig iyon ni Sophia nilingon nya ang doctor at tumango.

                “mam..can we talk about the situation of your niece”pormal na sabi ng doctor sa kanya.

                Nagtaka si Sophia, a..anong sitwasyon?sa isip nya.nagtaka man sya kinausap pa din nya ang doctor.

 =======================================

                “mam, my mental disorder ang pamangkin nyo, at ang dual  nya ay delikado, dahil pumapatay ito!”anito ng doctor kay Sophia.

                Nanlaki ang mga mata ni Sophia sa pagkabigla.”tama ba ang narinig ko..baliw ang pamangkin ko..hindi baliw ang pamangkin ko!”ani Sophia na napataas ang boses nya sa galit, dahil hindi sya naniniwala sa doctor, na may mental disorder ang pamangkin.

                “mam..relax..sabi po ng kaibigan nya, ang dual daw nito ang pumapatay sa dalawang kasamahan nya sa dorm at maging ang parents ni sandy ang dual din ang pumapatay nito”mahinahong sabi ng doctor kay Sophia.

                “no..bakit nyo nasabi yan..baka nagkakamali kayo..hindi baliw ang pamangkin ko..magsasampa ako ng demanda sa inyo,,hindi baliw ang pamangkin ko!” galit na galit na sabi ni Sophia sa doctor at pinandilatan nya ito.

                Pumunta sya sa pamangkin at hinawi nya ito para makaalis sila.

                Pipigilan sana ni leah sa sandy dahil hindi pa ito natingnan ng doctor kaya lang, binalikwas ng tita nya ang kamay ni leah ng hawakan nya si sady.

                “stay away from my niece..mapapahamak lang si sandy dahil sa mga pinagagawa!”matigas na sabi ni Sophia kay leah at dali daling dinala ni Sophia si sandy sa labas at sinakay ng kotse.

                Naawa si leah sa kaibigan dahil sa maraming tao sa mundo sya pa ang may sakit ng ganun, napaluha nalang sya habang tinitngnan ang papalayong sasakyan na sinasakyan ng kaibigan.

DUALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon