I

12 2 0
                                    

Chapter I

"ALYANA, anak kumain kana." Nakangiting aya ni Mama sa 'kin, habang nilalapag nito isa-isa ang mga niluto nitong almusal.

Tulala lang ako, dahil sa mga ala-ala na nangyari kagabi. Hindi ko alam kong nananaginip lang ba ako o totoo yoong nangyari kagabi na pumunta nga talaga siya sa kwarto ko.

"Alyana,"

Napakislot ako ng may tumapik sa balikat ko. Nag angat ako ng tingin nasalubong ko pa ang nag aalalang tingin ni Mama. Maliit na nginitian ko na lamang siya upang mawala ang pag aalala nito sa akin.

Malalim mo na akong bumugtong hininga, bago inayos ang inuupuan ko at ang pag-upo ko.

Napangiti na lamang ako ng pagsandukan ako ng Mama ko ng fried rice saka niya nilagyan ng sunny side up na itlog at tatlong bacon. Nag lagay rin ito ng fresh milk sa gilid ko, at meron pang kasamang pancake. Apaka rami ng nilagay ni Mama at alam kong hindi ko mauubos iyon pero nginitian ko na lamang siya bilang pasasalamat.

Nag umpisa na akong kumain dahil baka malate ako sa pag pasok.

Habang kumakain ay naramdaman kong ibinaba ni Papa ang binabasa nitong news paper saka humigop ng barako niyang kape. Bago nag salubong ang aming tingin.

"Ngapala anak hahatid kita sa school mo—"

"Hindi na Pa. Sasabay po ako kay Viee, nag text rin po kasi siya sa'kin kagabi na sabay po kami pumasok, total same naman po kami ng first subject." sabi ko rito. Nag aalangang tumingin sa akin si Papa. Pero agad ring sumingit si Mama sa usapan namin ni Papa.

"Edi, anong sasakyan niyo ni Viee?" tanong ni Mama.

Ininom ko muna ang gatas na nasa gilid ko, bago siya sinagot, "Maglalakad na lang po kami atsaka masarap rin pong maglakad kasi umaga naman po para exercise na rin."

"Hindi na anak, delikado sa l-labas. Baka mapano pa kayo alam mo na... Basta sumabay na lang kayo ni Viee sa akin para hindi na kayo ma late at maaga kayong makarating sa University," tutol ni Papa. Nag tataka mang nautal ito kanina, ngunit sumang ayon na lamang ako. Siguro nga para may time pa kaming mag libot-libot ni Viee sa University.

Tinignan ko pa si Mama. Nang makita ko itong tumango bilang pag sang-ayon ay ngumiti ako rito at tumango rin.

"Sige po, Pa."

"ANG daming bebe boyz, Alyana!" Yugyog nito sa akin habang naglalakad kami sa gitna ng napaka laking University na pinag aaralan namin.

Kong alam niyo lang kong gaano ka expensive ang school na 'to

My Queen Giovampine Empire University for short (MQGEU).

Ang pag kakaalam ko sa history ng school na 'to ay ang accent nito ay pang greek. Katunog raw ito ng vampira sa salitang 'Giovampine' at marami raw na misteryosong tinatago ang unibersidad na ito.

Pero ako?

Para sa akin wala na'kong papakialaman diyan, basta ang mindset ko ay makapag tapos ng pag aaral at maging isang sikat na architect sa buong mundo. Kaya no'ng una kong nakita itong University na ito di ko maiwasang malula dahil sa laki.

Ang galing siguro ng architect at mga gumawa nito. Pulidong-pulido kasi ang pagkakagawa at mansyon na mansyon hindi mo aakalain na college school ito dahil sa laki.

"Ito naman ang kill joy mo talaga palagi, Alyana!" Nakangusong saad nito. Naiiling ko na lang itong tinawanan.

"Grabe ka naman kasi ka loyal diyan sa fiancé mong si Red. Alam ko namang gwapo 'yang fiancé mo pero wag mo naman ipalandakan sa akin kong gaano ka talaga ka loyal diyan, jusmee hindi ba uso sa 'yo ang enjoy your life? Beh ikakasal ka na isang buwan na lang tapos ganiyan? Ganiyan hindi mo man lang eenjoyin ang buhay mo na hindi pa natatali sa ibang tao, jusme ka—"

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon