XVI

2 1 0
                                    

Chapter 16

FRIDAY and yes weekend na naman. 3 days ago since we had misunderstood. At sa loob rin ng tatlong araw na iyon hindi ko siya makita. Sinubukan ko naman siyang hanapin kahit isang malaking pag subok na para sa akin na hanap siya sa malaki naming unibersidad makita lang siya, ngunit bigo ako. Sa totoo lang. Gustong-gusto ko na siya makausap... humingi ng tawad sa nasabi ko at pakinggan siya. Pero kong kailan hinahanap ko siya do'n naman siya nawawala.

"Pansin ko ha. Simula no'ng Wednesday hindi ko na kayo nakikitang mag kasama ni fafa, Leo." panimula nito. Napalingon ako sa tabi ko. Nakatingin ito sa white board na punong-puno ng equation at tamang kuha lang ng french fries sa hawak nito na galing sa Jollibee. Ewan ko ba alam ko bawal mag pasok ng pagkain rito na galing sa labas eh. May body scanner pa kami sa entrance ng University at hindi ko alam kong paano niya naipasok 'yang french fries niyang 'yan rito.

I shrugged. Walang sabi akong kumuha sa french fries nito na ikina ungot ng katabi ko. Bago tumingin ng diretso sa harap. "Ewan ko ba do'n. Iniiwasan ata ako. Hindi ko nga siya makita eh... Gusto ko pa namang humingi ng sorry," I pouted.

Naka kunot ang noo nitong nakatingin sa gilid ko, kahit hindi ako nakatingin rito ay kitang-kita ko itong babaeng ito sa peripheral vision ko na kumakain ng french fries.

"Huh? Hindi pa ba kayo nag kakausap?... Ang akala ko no'ng pag alis mo ng condo at umuwi ka sa inyo nag kausap na kayo. Hindi pa pala." Tumagilid ito ng upo para makaharap sa akin. "Anyare?"

Huminga muna ako ng malalim bago ito nilingon. Nag kibit balikat lamang ako at walanga  paalam ulit na kumuha sa french fries nito. Ngunit ng pag kakuha ko ay bigla na lang nitong hinampas ang kamay ko at matalim sakin nakatingin.

"Kuha ka ng kuha. Bumili ka nga ng iyo!" ani nito. Bago inusog sa kabila nitong side ang upuan para malayo sa akin. Nagulat pa ko no'n sa pag asta ng kaibigan ko. Pansin ko rin ang pag lamig ng kamay nito ng dumampi ang kamay nito sa akin. Maputla na rin ito. Naninibago ako... Si Viee hindi naman maramot kahit wala akong paalam na kukuha ng pagkain mula sa'kaniya. Pero ngayon...

"Viee, ikaw ba 'yan?" Wala ko sa sariling tanong sa 'kaniya. Gulat naman itong pinandilatan ako ng mata bago pinagpatuloy ang pagkain.

"Oo naman, anong klaseng tanong 'yan?" Napailing na lang ako kahit hindi naman ako nito kita dahil busy ito sa pag lamon. Nagtataka nga ako dahil lumiban ito ng dalawang araw at ngayon lang pumasok.

Medyo tumaba taba rin ito at napapansin ko parang kada oras laging gutom or sabihin na natin laging may kinakain. Para bang lagi siyang may supply sa maliit nitong hand bag. Pero alam ko itong babaeng 'to eh hindi mahilig 'to sa pagkain. Imbes na pagkain ang dinadala para sa lunch ay make up ang dala dala kaya nag tataka ako ngayon.

Naka cardigan ito ng mahaba na abot ata sa ibaba ng puwet, isang dirty white color. Ang init init naka jacket anong nakain nito?

Napabalik na lang ako sa pag iisip ng pumasok na ang prof namin sa Theory. Sabay sabay kaming tumayo at magalang na bumati rito. Pero gano'n na lang ang gulat ko ng makita ang kaibigan ko na hindi tumayo at tudo lamon lang basta lamon wala na itong pakialam sa paligid.

Gusto ko itong abutin o kalabitin at sabihing tumayo siya dahil paniguradong pagagalitan siya ng prof namin.

"Good Morning, Sir Luo." We greet. Tumango lamang ito habang nakapameywang at nakatukod ang isang kamay sa mesa. At mukhang may tinitignan si Sir Luo kaya sinundan ko iyon at nag tagpo sa kaibigan kong umiinom sa pula nitong tumbler.

Ang weird talaga ng babaeng 'to.

Inulit-ulit ko pa sundan kong sino nga ba ang tinitignan ni Sir Luo ngunit hindi ako nagkakamali ang kaibigan ko ang tinitignan niya!

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon