IV

6 2 0
                                    

Chapter 4

NAGISING ako ng may liwanag na tumatama sa aking mukha. Napaigik ako sa sakit na nararamdaman ko sa aking ulo at leeg. Kaya umupo ako mula sa pagkakahiga. Hindi rin ako komportable ngayon sa aking leeg, dahil parang mayroong kakaiba roon.

"Aray," daing ko na naman. Napahawak ako sa aking leeg habang nakapikit. Nang mahawakan ko iyon napakunot ako ng noo ng may maramdaman ako kakaiba sa gilid ng aking leeg. Parang nawala ang aking antok at dali-daling umalis sa aking kama at pumunta sa vanity table ko.

Dali-dali kong inipon ang buhok kong nakalugay at inilagay sa kaliwa kong balikat. Pinakatitigan ko kong ano ang nasa leeg ko at para akong mahihimatay sa nakikita at nararamdaman habang hinahawakan ko iyon.

Namumula, may malalalim na part at ang pinaka malala ay ang laki!

Someone bite me!

Sino naman kaya ang gagawa no'n sa'kin? Wala naman akong kaaway. At mas lalong wala naman akong ginagawang masama... eh ang friendly ko naman, kaya bakit ako magkakaroon ng ganit—

The fvck!

Isa-isang bumalik ang mga ala-ala ko kagabi. At ang mga nangyari. Naalala ko na! Tumatakbo ako no'n sa isang daan na sobrang dilim at wala ng tao. Tapos... tapos bigla na lang akong nakarinig ng mga yapak no'n sa aking likod kaya ako tumakbo tapos... tapos napahinto ako dahil nasa harapan ko na iyon kaagad.

Siya! Siya ang kumagat sa akin! Walang hiya siya. Ang bait-bait kong tao at siya kakagatin lamang ang isang katulad ko na walang ginawa kundi—

Teka paano nga ako nakauwi?

Ipinalibot ko ang aking dalawang mata sa kabuuan ng aking kwarto. At inaalala kong paano ako nakauwi.

Wala naman akong naalala na may naghatid sa akin rito. At bakit nga ba sobrang sakit ng ulo ko! Parang akong inuntog ng limang beses sa sakit. Ano bang pinag gagagawa ko kagabi at bakit naman ganito ang resulta nang napala ko?!

"Anak,"

Napalingon ako sa aking pinto na nakasara ng may kumatok roon. Mukhang si Mama ang kumakatok kaya tumayo ako at ipinagbuksan ito. Nang makita ako ni Mama ay ang lawak-lawak ng ngiti nito sa akin. Habang ako naninibago sa ginagawa ni mama. Parang ang weird at hindi ko lang maipaliwanag, dahil kapag pinupuntahan naman ako nito sa kwarto ay hindi naman ganito ngumiti sa akin si Mama hindi ganito kalawak na parang nanalo kami sa lotto.

Weird...

"Ay anak, bumaba kana at kumain. May pasok ka ngayon at baka ma late ka." Malawak na nakangiti pa rin ito sa aking harapan. I didn't notice my jaw dropped. Nakatulala ako kay Mama na parang hindi siya ang kaharap ko.

Anong nangyayari? Nawala ba'ko ng 5 years o baka nasa future na'ko? May anak naba ko? Pero bakit wala akong nakikita, tumanda ba akong dalaga?

Wala sa sariling kinapa-kapa ko ang aking mukha habang nakatulala. Pinakiramdaman ko kong kulubot naba ang aking mukha ngunit wala naman. Wala naman akong maramdaman wala rin naman akong mga pimples sa mukha kaya wala talaga akong maramdaman na nagbago sa akin.

Nakatulala pa rin akong tumango kay Mama. Nakita ko pa itong pumalakpak at tumalikod ng masaya kaya mas lalong sumakit ang ulo ko. Parang hindi ako nauntog ng limang beses, sampung beses na ata. Mas lalo lang sumakit ang ulo ko.

"HOY, tulala ka na naman,"

Napabalik ako sa reyalidad at nilingon ang nasa gilid ko. Si Viee pala.

Andito kami ngayon sa café at napapansin ko nga sa aking sarili na kanina pa 'ko nakatulala.

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon