XIV

4 2 0
                                    

Chapter 14

NANG mawala ang binata ay nawalan naman ng malay ang dalaga ng dahil roon.

Masayang nag hahapunan ang pamilyang Santos habang pinag uusapan pa rin nila ang kasal ng kanilang anak na lalaki.

"Nako talaga excited na talaga ako sa kasal mo, anak." masayang sabi ng Ina nito. Napangiti si Red dahil sa sinabi ng Ina at sinang ayonan niya rin iyon.

"Halata nga Mommy mas excited ka pa kesa sa 'kin," naiiling na sabi ng binata. Nag si tawanan lang ang pamilyang Santos habang sabay-sabay na kumakain. Ngunit hindi lingid sa kanilang alam may paparating na panganib.

Hanggang sa tumunog ang cellphone ng Ama kaya roon natuon ang kanilang tingin. Nagpunas naman mo na ng bibig ang kanilang ama bago tumayo at kunin ang telepono nito.

"Ahm sandali lang ha. Sasagutin ko lang 'to." paalam ng Ama. Tumango naman sila kasabay ng pag labas ng kanilang ama sa dining room hinayaan lang mo na nila at tumuloy na lamang sa pagkain.

Hanggang sa matigil sila sa pagkain ng may marinig silang may malaglag na kubyertos at kasunod no'n ang malakas na pag sigaw ng Ina nila.

"H-halimaw! Halimaw!" sigaw ng kanilang Ina habang nakatingin banda sa kaniyang likuran.

Dali-daling tumayo sa pagkakaupo ang binata at takot na pumunta sa Ina. Nang makalapit ay nanlalaki ang matang nakatingin kong sino nga ba ang tinutukoy ng kaniyang Ina.

"Ahhhhh!"

"S-sino ka?" natatakot na tanong ng binata.

SA kabilang banda nag babagang pulang mata ang mga mata ni Leo. Nakakuyom ng mahigpit ang kaniyang kamay at madilim ang mukhang nakatingin siya sa mga ito.

Nagagalit ang puso dahil sa ginawa ng mga ito.

"K-kuya natatakot ako," hagulgol ng bunsong kapatid ni Red. Niyakap lamang naman ng binata ang kaniyang Ina at kapatid kahit sobra na ang takot na nararamdaman niya.

"B-bro kong sino ka man p-please lang. Pwede naman natin 'tong pag usap—"

Nakakalokong ngumisi ang binata habang iiling-iling na lumapit sa mag iina habang ang kamay na nakakuyom ay itinatago nito sa bulsa ng slacks nitong itim.

"Pag usapan?" naasar na tanong ni Leo. Habang ang mag iina naman ay napaatras sa bawat pag abante ni Leo.

"Bro please—"

"Don't call me that, you moron!" Napaigtad ang lahat ng malakas itong sumigaw at tumingin ng matalim sa binata. Habang ang binata ay nag tatanong sa sarili nang kong ano-ano at kilala niya ba ito.

Sino ba siya? Bakit galit na galit siya sa akin? Pagkakatanda ko wala naman akong kaaway. And I don't know this guy.

Para namang nakahinga ng maluwag ang mag iina dahil tumigil sa pag lapit sa kanila ito. Ngunit hindi pa rin nag babago ang ekspresyon na nasa mukha nito na ipinapakita sa kanila. Na para bang ang laki laki ng atraso ng mga Santos sa lalaki.

"Stop that arrangement," malamig na sabi nito. Naguguluhan namang nagkatinginan ang mag iina sa tinuran ng lalaki.

Arrangement?

"Yeah, arrangement stop that arrangement or mas gusto niyo pang mag hirap sa paraan na gagawin ko para lang ipatigil niyo ito!"

Nanginginig naman ang mga Santos dahil alam nila kong ano ang itinutukoy ng lalaki na nasa harapan nila. Habang ang kanilang ama ay hindi pa rin tapos makipag usap kong sino man ang kausap nito sa telepono, kaya hindi pa nito napapansin kong ano ng nangyayari sa pamilya.

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon