XV

4 1 0
                                    

Chapter 15

"Anong ginawa mo!"

"Huwag kang lumapit sa 'kin. Hindi ikaw ang Leong kilala ko!"

"Lumayo ka sa 'kin. Halimaw ka!"

Natatakot ko itong itinutulak na habang pinipilit nitong hawakan ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko... nakita ko... nakita ko itong nag laho na parang bula. At kahit kailan hindi iyon magagawa ng isang taong tulad niya!

Nagulat na lamang ako ng magising ako na nasa higaan ko na at hinahaplos-haplos ng lalaking ito ang buhok ko. Hanggang sa unti-unti ko na lamang naalala ang lahat na para bang nanaginip lamang ako at hindi na magigising pa.

"Sabing huwag mo kong hawakan eh!" pilit akong nag pupumiglas rito dahil ikinukulong na ako sa mga bisig nito.

"Hon, please listen to me first, let me hear my explanation—" Ubod ko itong sinampal ng malakas na nag lumikha ng malakas na tunog sa buong kwarto. Naka tabingi ang mukha nito at namumula ang maputi nitong mukha.

"Ano pang kailangan kong marinig ha?! Nakita ko! Nakita ko na ang lahat at sapat na 'yon para malaman ko na ang lahat ng bahong itinatago mo! Ang bahong tinatago mo, Leo! I saw you with my own eyes! With my two own eyes Leo! With my two own eyes!" ubod ng diin kong sigaw rito. Wala na akong pake na kahit mag kanda paos ako sa mga isinasabi ko.

Naluluha ang mga matang nakatingin rito, "A-akala ko ba ma-mahal mo 'ko, Leo—"

"Yes I fucking love you, Alyana—"

"Eh 'yon naman pala eh! Mahal mo naman pala ako. P-pero bakit ka nag lilihim sa 'kin?" halos bulong ko ng sabi. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at humikbi. Ang sakit! Ang sakit sakit para bang tinutusok ng sandaang karayom ang puso ko ng dahil ro'n.

Mapakla naman akong napatawa at tumingala sa kisame dahil sa naisip. Oo nga naman bakit ko naman kasi sinabi sa kaniya 'yon? Ano ba ako para sa kaniya. Una pa lang I am not his priority. Kaya bakit naman ako mag hahangad na lahat ng isinesekreto nito sasabihin sa akin.

"I-I'm sorry." hingi ko ng tawad at mabilis na pinunasan ang luhang nagsisituluan sa aking pisnge. Bago tumalikod rito. Ayoko. Ayokong makita niya ko na mahina ng dahil lang ro'n. Malakas akong babae at alam ko 'yon dahil kilala ko ang sarili ko. Pero bakit? Bakit pag dating dito ang hina-hina ko. "Nadala lang ako ng emosyon. Pa-pa sensiya kana. Wag kang masiyadong maniwala sa kabaliwan ko."

Napasinghap ako ng maramdaman ko itong dahan-dahang yumakap sa akin mula sa likod. Mariin na lamang ako napapikit at hinayaan ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"I'm sorry hmm. I-I know hindi madali ang intindihin ang nalaman mo. Pe-pero nandito naman ako para ipa intindi sa 'yo. I'm sorry. I'm sorry hon... I'm sorry." nagsusumiksik ito sa aking leeg habang puro hingi ng tawad na lamang ang lumalabas sa bibig nito.

Napailing na lamang ako at pilit itinatanggal ang kamay nito na nakayakap sa 'kin. Hindi ko pa kaya masakit... masakit marinig kong ano man ang sasabihin niya. At baka sa sobrang sakit na nararamdaman ko hindi ko na iyon ma proseso sa utak ko at makalimutan ko na lamang ang mga sinabi nito.

Nang mag tagumpay ay hinarap ko ito habang mariing magkahawak ang aming kamay. Hinarap ko ito kahit alam kong puro luha ang mukha ko. Kahit alam kong magiging mukha akong mahina sa harapan nito.

"I'm sorry. H-hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang marinig ang mga s-sabihin mo. Masakit... masakit pa rin dito oh," turo ko sa dibdib ko. "P-para siyang tinutusok, Leo. Ang sakit. Ang sakit Leo nag lihim ka sa 'kin. Nag lihim ka at dapat... hindi ga-ganito ang inaakto ko na para bang meron tayo." masakit kong sabi. Para akong natutulos sa aking sinasabi.

Napangiti ako. "Sorry, Leo. Masakit eh. S-sorry," huli kong sabi. Bago walang paalam na lumabas sa aking kwarto kasabay no'n ang pag bagsak ng aking mga luha.

"ALYANA naman eh. Wag ka namang ganiyan mas lalo mo kong pinag aalala sa pinag gagagawa mo." Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang kaibigan ko.

Nang makalabas ako ng bahay ay lumuluha ko itong tinawagan at ipinagpapasalamat ko naman na isinagot rin nito kaagad. At ngayon nasa condo ako nito at sa tingin ko mahigit apat na oras na akong naririto. Ikwenento ko na rin lahat rito ang nangyari. At tulad ko rin ay nagulat ito sa umpisa ng marinig ang mga sinabi ko at mukhang hindi rin siya naniniwala katulad ko.

"Ha. S-sorry—"

"Jusko naman, Alyana. Bakit ka kasi nagpadalos dalos sa ginawa mo. At ni hindi mo pa pinag isipan ang desisyong ginagawa mo." pag susumbat nito sa akin. Na kaupo ako sa gilid ng kama nito at laging tulala lumilipad ang isip ko sa mga nangyari at feeling ko ay pagod na pagod ako sa dami ng nangyari.

Napayuko ako, "Masakit, Viee. Hindi ko pa kayang marinig ang kong ano pa mang sasabihin niya. Natatakot ako... Natatakot ako na baka." Imbes na ituloy ay umiiling na lamang ako ng maramdamang nanlalabo ang aking mata at nagbabadyang bumagsak ang aking mga luha.

Narinig ko ang malalim nitong hininga, "Kahit na. Ito payong kaibigan lang bes ha." seryoso nito. "Kahit na masakit... Matuto ka pa ring makinig kahit ano pang marinig mo sa mga sasabihin niya kahit pa masakit pa 'yan na ikamamatay ng puso mo... Hindi bat ang sabi ko sa 'yo. Na walang nag mamahal na hindi nasasaktan at walang handang mag mahal kong hindi ka susugal kahit ikasasakit pa 'yan ng puso mo." Turo niya sa dibdib. "Kaya bes. Pakinggan mo muna siya ha. Inuuna mo kasi yaang nararamdaman mo eh. Nasasaktan rin naman 'yong tao—I mean si Leo... hindi lang ikaw. Bes kailangan mo ring sumugal kahit masakit kailangan mo siyang pakinggan hindi palaging sarili mo lang iniisip mo, naiintindihan mo ba?" Marahan akong tumango.

Tama ang kaibigan ko nag padalos-dalos ako sa mga desisyon ko ni hindi ako nag isip ng maaayos ni hindi ko hinayaang pakinggan ko ang sasabin ni Leo kahit masasaktan ako... Kahit sobra akong nasasaktan sa nalaman ko. Nag lihim si Leo oo nasaktan ako pero ni hindi ko iniisip ang naramdaman ni Leo. Nag padalos-dalos ako at mali ako ro'n. Tama ang kaibigan ko hindi tunay ang isang pagmamahal kong hindi ka susugal.

"Haaay nako, Alyana. Sa susunod nga isipin mo muna ang nararamdaman ng iba bago ang iyo. Alam mo masama ang pagiging selfish." pananakot nito. Na tawa naman ako ng kaunti rito kaya inirapan ko ito kahit nakangiti. "Kasi minsan ang isang selfish kinakarma."

Dahil sa sinabi ng kaibigan ay hindi na pigilang hampasin ito sa braso. Natatawa naman itong nakatingin sa 'kin. Kala mo nakakatuwa.... Pero selfish na ba 'ko? Selfish ba ang ginawa ko kay Leo? Ang hindi pag kinig sa sasabihin mo na nito at inuna ko pa ang nararamdaman ko kahit hindi ko alam na baka mas malala pa ang nararamdaman niya kesa sa akin.

"Oh ayan tumatawa na ang best friend ko. Hindi na siya malungkot. Ang ganda ganda mo pa naman. Alam mo ba kapag umiiyak ka raw mas lalo raw pumapanget ang isang ta—"

"Manahimik ka nga!" Kanina pa 'to puro na lang pananakot kala mo nakakatuwa.

Humalakhak ito, "Joke lang ito naman. O siya ano pang ginagawa mo rito. Lumayas kana at pumunta sa ebeb mong fafa! Hala tsyupe. Layas." tinulak-tulak ako nito kaya galit akong tumayo. Bwesit 'to.

"Oo na aalis na 'ko. Bwesit ka! Hindi mo ko kailangan paalisin, aalis naman ako. Babaeng 'to." Inirapan ko mo na ito. Bago nagpapadyak na umalis sa kwarto nito. Bruhang 'to kala mo hindi ako aalis. Kailangan pa 'kong palayasin aalis rin naman ako.

"Hala siya sige bakla. Humayo kayo at mag pakarami!" sigaw nito.

"TSE!"

@2022

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon