XXIII

1 0 0
                                    

Chapter 23

"SANDALI NGA, where are we going ba?"

"Mall?" Napakunot ako ng noo nang bumaling ako rito. May pag tatanong kasi sa sinabi nito at mukhang hindi pa sigurado.

"Mall? Anong gagawin natin—" He cut me.

"Mamasyal. Ano pa ba? Mamimili kahit anong gusto mo. Sabihin mo lang I will give all what you want. Gusto mo ba pati mall bilhin na rin natin?" Hinampas ko ito sa braso. Tumatawa lang naman ang mukong. Grabe mall, bibilhin niya talaga 'yon.. para sa 'kin? Seryoso ba siya.

Alam kong hindi biro ang presyo no'n. Companya nga nasa higit million o billion na ang presyo isang mall pa kaya na sobrang lawak at laki. Tapos bibilhin niya lang na parang piso lang ang halaga. Goodness!

"What? I'm serious. Bibilhin ko talaga 'yon para sa 'yo." ani nito. Bago ako tinitigan sandali. "Para kahit anong gusto mo kuha ka lang ng kuha. Tapos libre pa. Oh ayaw mo no'n?"

Napa irap ako, "Ano kita Sugar Daddy?"

Natatawa itong umiling, "Pwede naman."

Ngunit gano'n na lang ang pag pigil ko ng hangin ng lumapit ito sa tenga ko at bumulong.

"Gusto mo, officially Daddy pa." Napapikit ang mga mata ko dahil sa mainit nitong hininga na dumadampi sa balat ko at nakapag papatayo ng balahabi ko. Lihim na lamang ako napa kagat labi dahil sa nag huhurumentadong puso ko.

Gosh! Ang lakas naman ng epekto ng lalaking 'to.

"Let's go?" Yaya nito. Hinayaan ko na lamang itong hilain ako papunta sa kotse nito hanggang sa makasakay. Ngunit hindi nakatakas sa akin kong bakit halos tagong tago ang kotse nito at sa sobrang dilim pang pwesto naka pwesto ang itim nitong sedan. Ang weird.

Napapansin ko rin na parang ayaw niya sa kahit anong liwanag maski sa liwanag ng ilaw ng condo ko ay ayaw niya. Isinasarado niya rin ang mga makakapal na kurtina sa kwarto ko upang hindi makapasok ang liwanag. Napapansin ko rin sa 'kaniya na unting dapuan lang ng liwanag galing sa araw para na itong nililiyaban dahil hindi ito mapakali.

"Ang lalim naman ng iniisip mo," Napakislot ako ng may mag salita. Napa baling ako sa lalaking nasa tabi ko. Napailing na lang ako hanggang sa bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin na mahigpit na magkahawak.

Nasa mall na kami masasabi kong sobrang laki at ang lawak ng mall na ito. Ngayon ko lang ito nakita at napuntahan at ang masasabi ko ito ata ang pinaka weird na mall na napuntahan ko, halos lahat ng ilaw ay dim. Usually kasing lahat ng mall na napupuntahan ko ay hindi ganito ang mga ilaw. Ngunit ipinag kibit balikat ko na lamang iyon.

"We should buy clothes for our baby—" Naihampas ko ito sa balikat. Habang nag lalakad kami at tinitignan tignan ang mga stores.

"Anong buy clothes? Ni hindi pa nga natin alam kong anong gender nito eh, tapos may pa buy buy clothes ka ng nalalaman diyan." Irap kong sabi dito pero ang loko tumawa lang. Mag kasiklop pa rin ang aming mga kamay ng hilain ako nito sa baby's clothes store. Habang ako ay halos gusto ko ng putulin ang kamay ko dahil sa pagkaka higpit ng hawak nito.

Sabi nang hindi ako bibili! At saka isa pa wala pa akong budget para ro'n. Masiyado pa namang maaga at feeling ko ay matagal pa naman ang kabuwanan ko.

"Leo, ano ba! Sabi kong huwag muna. At saka... wala pa akong budget para—"

"Who said your money will be use? Ako na ang bahala, beside I'm the father of that baby in your tummy so I obliged buy things for our baby." Humarap ito sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Medyo nahihiya pa ako dahil may iilang nakatingin sa aming sales lady at mga namamasyal rito. Ngunit parang wala namang pakialam ito.

"Bahala na kong ako ang mag hirap... basta wag lang ang mag-ina ko." ani nito.

Dumukwang ito nang kaunti saka ako binigyan ng halik sa labi. Kaagad rin naman iyon naputol dahil naramdaman niya na siguro na marami-rami na rin sa amin ang nakatingin.

"Let's go? I can't wait na eh," conyo nitong sabi. Naiiling na lang akong hinayaan akong hilain nito sa clothes section.

Akala ko nga ay puro damit lang ang ibenebenta nila rito dahil obvious na obvious kasi sa pangalan ng store nila pero meron rin pala sila ditong mga gamit. Halos kumpleto lahat ng 'yon.

Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko sobrang dami. Ngunit naagaw ng atensyon ko ang crib na color dark blue. Medium lang ang size no'n. Hindi ko alam pero napangiti na lamang ako nang hawakan ko iyon. Para bang sobrang gaan ng pakiramdam ko.

"You want that?" Napakislot ako bigla ng may mag salita sa likod ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko at napapikit. Grabe naman kasi halos malaglag na ang puso ko. Bigla bigla na lang kasi itong nag susulpot at  mag sasalita.

I gasped when I feel his two hands encircled to my waist. Hugging me back. "Magugulatin ang buntis ko." Humahagikgik nitong sabi. Hindi ko maiwasang mapanguso dahil ro'n. Sobrang cute kasi ng boses nito.

"This crib, bagay siya sa baby natin. Bilhin na natin?" He asked. Mabilis akong umiling at umalis sa pagkakayakap rito. Sobrang yaman ba ng lalaking ito? Hindi niya ata iyon alam...

Tama naman dahil unti lang ang nalalaman niya sa lalaki.

"N-no, hindi na at saka kapag lumabas naman si baby, ayaw ko siyang ilagay sa crib ng maaga... Gusto ko palagi ko siyang katabi." Nakayuko at nahihiya ko pang sabi. "Saka ko na siya ilalagay, maybe 1 years old or 2. Pwede na."

Napatango-tango naman ito. "You're right..."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi no'n ngunit gano'n na lang ang pag laglag ng panga ko dahil sa pag tawag nito sa sales lady.

"Ahm, miss! We will buy this crib." Magiliw namang tumango at ngumiti ang babae. Saka may tinawag na isang sales man para i assist ang napiling crib.

Ngunit hindi ko napigilan ang mapataas ng isang kilay dahil hindi nakatakas sa akin ang pag hagod ng mga mata nito sa kasama ko. Eh kong tusukin ko kaya 'yong mata no'n.

"Kong nakakamatay lang ang titig mo. Siguradong patay na ngayon 'yong sales lady na 'yon." Natatawang sabi ng lalaki. Ang masama kong tingin ay bumaling rito na nakapag pabagsak ng ngiti nito at may takot ang nakangusong mukha nito.

"Oo nga e, at siguradong ikaw rin patay na." huli kong sabi. Inirapan ko muna ito bago nag martsang umalis palabas ng store.

Bwesit, mag sama sila!

@2022

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon