XX

1 0 0
                                    

Chapter 20

NAGISING ako at naramdamang may nakahawak banda sa aking kamay ngunit hindi ko muna iyon binigyang pansin. Nang tumama ang aking mata sa ilaw na nasa kisame ay napapikit pa 'ko dahil sa lakas ng sinag no'n hanggang sa unti-unti rin namang naka adjust ang aking mata.

Napaka tahimik ng paligid hanggang sa maalala ko lahat. Bigla akong napa upo sa pagkakahiga ng kasabay no'n ang biglang pag kirot ng aking ulo napa igik ako roon at napahawak sa ulo ko at may naramdaman akong magaspang na tela na naka paikot roon.

"Y-you awake. Thanks go-"

"Don't come near me!" I shouted. Nanginginig ang aking kamay ng tanggalin ko ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

"W-why?" Naguguluhan ito. "Hon, y-you should rest. M-maybe kulang ka lang sa pahinga-"

"Gago ka ba?!"

"May gana ka pa talagang mag tanong pa sa 'kin niyan para sa lahat ng nagawa mo!" I shooked. "Huwag kang feeling inosente, Leo. Nakita ko-"

"Anong nakita mo? FVCK! FVCK! Ano ba 'yang letcheng nakita mo!" He shouted.

Napahawak pa ito sa ulo at tumalikod ng sandali sa akin. Tila ba hindi niya rin alam ang nangyayari.

Putangina niya.

Ako pa ang niloloko niya. Siguro inuuto niya na naman ako para mawala iyon sa isip ko. Ang halik at haplos na 'yong parang binabasag ang puso ko ng paulit-ulit tuwing naaalala ko na naman iyon. Sana pala... Sana hindi ko na lang siya hinanap. Sinubukan ko namang humingi ng tawad eh. But fvck! The hell makikita ko lang siyang nakikipag halikan sa iba. Bat hindi niya ba naisip na nandirito pa ko? Na nag hihintay pa 'ko. Sobrang sakit. Paulit-ulit na lang.

"Huwag mo kong gawing gago, Leo. I know you! The famous Giovampine pero... may kailangan pa ata akong malaman... Tama ba 'ko?" Nang uuyam kong tanong sa huli.

"Gago? What the Hell Alyana!"

Alyana? Wala ng Hon? Mapait na lamang akong napatawa sa aking sarili. Mas lalo kong naramdaman na gumuho ang mundo ko. Bat parang... wala na 'kong nararamdaman na pagmamahal. Pagmamahal? Fuck that word. Mahal niya nga ba ako? Hindi ko alam. At maski ako naguguluhan na rin.

Hanggang sa hindi ko na lamang namalayan sa sandaling pananahimik ko ay ang pag bagsak ng iilang butil ng luha ko. Napayuko at napakurap kurap para hindi niya makita ang mukha ko.

"I don't understand you, Alyana! You know in the first place pansin ko na 'yon sa 'yo eh. Tiniis ko lang. Tiniis lang kita. Tiniis ko lang." Parang nanunumbat nitong saad.

Mas lalo akong napaluha sa mga sinabi niya. Sa bawat pag labas niya ng mga salita niyon ay hindi niya alam kong paano niya ginugutay gutay ang puso ko sa sakit. Tiniis? Tiniis niya lang pala ako.... Bat hindi ko man lang napansin. Bat ba ang bobobo ko pag dating rito. Feeling ko isa akong taong walang lakas.

Gusto ko na lamang na takpan ang aking tenga sa kaniyang mga sinasabi. Sobrang sakit lang. Dahil habang ako ito... nakayuko at pilit nilalabanan ang mga luhang masaganang bumabagsak sa aking pisngi at ang bawat pa sumbat niya. Hindi ko na kinaya pa ang mga sinasabi niya at mas lalo pa akong nasaktan ng marinig ko ang sinabi niya na tumatak sa akin.

"Alam mo... nag sisisi ako... Nag sisisi akong.. minahal pa kita."

"H-hindi naman kita pinipilit... na m-mahalin mo rin ako, Leo eh. H-hindi mo alam," Iiling-iling kong sabi.

Ito na ata ang pinaka masakit na nangyari sa 'kin. Aaminin ko... Aaminin ko sa tagal ng panahon na nakilala ko siya napamahal na rin ako sa 'kaniya.. Pero siya na ang unang sumuko eh. Hindi ko naman kailangan lumuhod para mahalin niya lang ako. Pero sobrang sakit pala kapag mismo sa 'kaniya na nang galing na nag sisisi siyang minahal niya pa 'ko.

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon