X

3 2 0
                                    

Chapter 10

"ANG haba talaga ng hair mo girl,"

"Asus, sabihin mo bitter ka lang."

"Grabe ka, sinusupport na nga kita ganiyan pa sinasabi mo... Well tama ka naman."

Natatawa na lamang ako sa sinasabi ng kaibigan kong 'to. Dalawang araw ng lumipas simula ng nag pakita si Leo sa 'kin. Hindi pa rin ako mapaniwala na siya ang may-ari ng University na pinag-aaralan namin.

Oo alam ko—naalala ko nang nakita ko nga talaga siya. No'ng ipakilala siya sa buong Univ na siya ang owner, ngunit hindi ko alam kong bakit nakalimutan ko na iyon.

Napailing na lang ako. Nasa cafeteria kasi kami ng Univ break time namin ngayon at may 2 subj na lang ang natitira at uwian na. Mamaya rin ay susunduin ako ni Leo, aya nito mag dadate raw kami kaya wala akong nagawa at pumayag na rin ako sa gusto nito.

"Ay may naisip ako Diamond," ani nito na nakapag balik sa isipan ko. Binigyan ko ito nang nag tatanong na mukha. Ano na naman kaya ang naisip nito? Sana naman hindi kalokohan.

Tumingala pa ito na parang inaalala ulit at lumiwanag ang mukhang nag balik sa akin ng tingin, "What if mag club tayo?"

Umiling ako kaagad sa naisip nito na ikinalukot ng mukha nito, "Ay nako tigil-tigilan mo nga ako diyan sa kalokohan mo, Viee, mapapahamak lang tayo." Iiling-iling ko pa ring sabi.

"What? Hello parang hindi ka naman na minor. At saka hello Diamond 20 years old naman na tayo noh. Hindi na tayo 17 na menor de-edad. Ito naman kahit kailangan ang kj mo talaga." Irap nitong sabi. Bago sumimsim sa kape. Ewan ko ba rito hapong tapat nagkakape na. Alas 3 palang at tirik na tirik ang araw nag kakape ang babaeng 'to.

Sa huli umiling pa rin ako. "Hindi. Period."

"At saka... Susunduin ako mamaya ni Leo. Nag yaya kaya hindi talaga pupuwede." sagot ko.

"Ay hala ganern. May pa date ang fafa mo?"

Natatawang umiling na lang ako rito. Kalokohan talaga ng babaeng 'to hindi mailugar.

"Sayang naman," malungkot ang boses na sabi. "Gusto ko pa naman humanap ng fafa, like ibibigay sa 'yo ang lahat. 'Yong tipong pagmamahal, house and lot, kotse, alahas, at sandamakmak na pera." wika nito. Nakataas pa ang mga kamay nito sa ere na pawa bang imagine na imagine talaga nito ang sinasabi.

Mahina na lang akong napaubo, "Baliw. Ang sabihin mo gusto mo lang may matarget na sugar daddy.... Lokong 'to hindi pa dineretso."

"Ahhh basta gano'n, gusto ko ng gano'n. Lalo na pag black card. Ackkk! Choke me daddy na lang." Kinikilig nitong sabi. Napahilot na lamang ako sa aking sintido, mga sinasabi talaga ng babaeng ito.

Choke me daddy raw?

Someone's POV

"Hmmm. Magaling rin naman pa lang pumili itong si Leo. Pwede na," tango-tango ng isang sopistikadang babae habang pinagkakatitigan ang dalagang nasa loob ng cafeteria ng Unibersidad habang may kausap ito.

"Ngunit hindi pa rin pwede! Hindi nababagay ang isang Immortal sa isang Mortal na walang kalaban-laban." Ani nito.

"Ngunit iba ang pakiramdam ko kamahalan sa babaeng iyan..." Napalingon ang babae sa sinabi ng kaniyang kasamang lalaki. Napa arko ang kilay nito. "... Iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito. Hindi siya katulad sa ibang mga Mortal na mahihina."

"Anong ibig mo sabihin?" Nanlilisik at matalim na sabi ng babae.

"Masiyadong malalim... Kailangan pa rin natin si Leo." Lumingon ito sa'kaniyang kamahalan. "Hindi bat ayaw niyo naman hong pumalakpak?... Kaya kailangan nating mag-ingat."

"Sagrado ang lakas at mahika ng Prinsipe Leo at sinisigurado akong hindi niya gustong ipahamak ang babaeng iyan." dugtong pa ng lalaki.

Napabalik naman ang tingin ng babae sa dalagang nasa loob pa rin ng cafeteria ng unibersidad.

Napaangat ang gilid ng labing ito, "Kilalang-kilala ko ang pamangkin kong iyon, Cariego. Masiyadong matalino kong mag-isip ang isang 'yon." napakuyom ito ng mahigpit.

"Pare-pareha lang silang magkakapatid. Masiyadong malawak ang utak... Kaya alam kong malalim ang plano ng lalaking iyon. At hindi ako makakapayag na hindi ko 'yon malalaman. Mesmo matar uns aos outros." Magkamatayan man.

LEO'S POV

"Mahal na prinsipe," sabay-sabay silang nagsiyukuan.

Tuloy-tuloy lang ang aking lakad hanggang sa makaupo ako sa aking trono. Ipinalibot ko ang aking tingin sa bulwagan kong nasasaan kami mag pupulong.

Napangisi ako, "Perfekto. Let's start. I don't want to ruin this day for my hon," I serious said to them. Nagsitanguan naman ang mga ito.

Nagmamadaling may lumapit sa aking alagad sa harapan ko at magalang itong yumuko sa akin. "Mahal na prinsipe. Batid ho naming mayroong masamang binabalak si Vhalerie sa inyong prinsesa, mahal na prinsipe." Nakayuko pa rin nitong sabi.

Napa angat ang aking kilay sa sinabi nito. "Masamang binabalak?" mariin kong tanong. Nag angat ito sandali ng tingin at tumango.

"Oho, mahal na prinsipe. Nakita ho namin habang binabantayan ang inyong mahal na prinsesa sila Vhalerie at ang isang alagad nitong si Cariego."

Napalingon ako na mayroong sumabat sa aming usapan, "Opo mahal na prinsipe, dinig na dinig ho namin kong pano ho nila pag-usapan ang inyong prinsesa.... Ang sabi ni Vhalerie ay hindi siya makakapayag na hindi niya raw ho malaman ang inyong malalim na binabalak." wika nito.

Humigpit ang aking kamay sa pagkakakuyom dahil sa aking narinig,

"Is that what she said?"

"Opo kamahalan," nakayuko nitong sabi. Mula sa pag kakaupo ay tumayo ako.

Hinanap ko ang aking kapatid sa loob ng bulwagan hanggang sa makita ko iyon. Sinenyasan ko itong lumapit at sinunod naman nito.

"Where's Mom and Dad?" tanong ko rito. Rinig niya namang nagpakawala mo na itong ng malalim na hangin bago sumagot.

"Nasa pagpupulong si Ama sa kabilang panig ng mga lobo habang si Mom naman ay nagpapahinga," sagot nito sa 'kaniyang tanong.

Napatango naman ako at napangisi na ipinagtataka ng aking mga alagad na kong bakit hindi siguro ako nababahala.

"Mukhang umaayon ang lahat sa plano," makahulugan kong sabi. Nagtatakang nakatingin sa akin ang aking kapatid.

"Anong ibinibalak mo kuya? Talaga bang dadalhin mo sa kapahamakan ang angkan nating mga vampira?" Mariin nitong sabi at siguradong hindi iyon naririnig ng mga alagad.

Napangisi siya, "Aking kapatid," hinawakan niya ang balikat nito. "Sa tingin mo ba ay kaya kong dalhin sa kapahamakan ang ating lahi?"

Sumeryoso ang aking mukha, "Kong gaano ko pinapahalagahan si Alyana ganoon rin ang ating lahi... Mag hintay lamang kayo at hindi pa ito ang tamang oras." wika ko.

Humarap ako sa lahat ng mga alagad na naririto sa bulwagan at seryoso silang tinignan.

"Ngunit hindi pa ito ang ating tamang oras," malakas kong sabi sa lahat.

"Huwag mo na tayong padalos-dalos lalo na at alam na ni Vhalerie ang patungkol sa mahal kong prinsesa! Kaya mas lalo kong paiigtingin ang pagbabantay sa aking mahal. Walang sasayad at walang papalpak. Naiintindihan niyo ba?!"

Sabay-sabay tumango ang kaniyang mga kalahing bampira. "Opo! Mahal na prinsipe, masusunod." Huli nilang sabi bago siya bumaba sa trono at walang pasabing umalis.

"Wait me hon," I creepy smirked.

@2022

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon