XXVI

3 0 0
                                    

PAIN

Chapter 26

TAHIMIK akong nanonood ng tv rito sa malaking mansion ni Leo. Rumaan ang dalawang linggo ng nag sabi siya na rito na lang ako mag stay. At wala rin namang palya siya sa mga nag daang araw na pasayahin ako at puno ng supresa ang ibinibigay sa akin.

Ngunit nitong isang araw lang nakaramdam ako ng hindi maganda sa mga kilos niya. Parang may iba. Lagi na lang siyang late umuwi. Minsan hindi ko na siya naabutan pa dahil nakakatulog ako kaagad at hindi namamalayan ang pag dating niya, gano'n rin sa pag-gising ko, wala na rin siya sa tabi ko.. dahilan niya maaga siya sa trabaho kahit siya ang CEO ro'n, kaya naiintindihan ko.

But why I feel so lonely now?

Siguro ba dahil wala sa tabi ko si Leo at na mi-miss ko lang siya oh... baka naman ay may iba pa?

Napailing na lang ako. Ano ba itong iniisip ko. Dapat sa oras na ito ay positibo lamang ang iniisip ko at hindi iba, sapagkat bawal ako ma i-stress. Napabuntong hininga na lang ako ano ba ito, binibigyan ko ng stress ang sarili ko.

"Ang lalim no'n anak, ah."

Napakislot ako ng may magsalita sa likuran ko. Nilingon ko ito at roon ko nga nakita si Manang Soleng.

"M-manang kayo po pala," bati ko. Ngumiti ito sa akin at mula sa likuran ko at ng sofa ay lumpat ito at tumabi sa akin.

"'Nak, 'bat ang lungkot mo ata ngayon?" May pag-aalala sa tinig nito. "Ay nakong bata ka, ay jusko oo, dapat hindi mo binibigyang stress ang sarili mo at baka mapano si baby," ani nito.

Nakagat ko ang pang ibabang labi habang nakatingin sa aking mga kamay at pinaglalaruan, "Wala po ito Manang,"

"Ay jusko, anong wala? Hala at mag sabi ka nga rito bata ka." Iginaya nito ang magkabilaan kong balikat paharap sa 'kanya. Nasalo ko kaagad ang mata niya. "Sabihin mo nga sa akin, ano iyang iniisip mo.. at para bang problemadong-problemado ka?"

Hindi ko alam kong bakit nag-init na lamang ang gilid ng mata ko kaya napayuko ako upang hindi niya ito makita. "W-wala nga—"

"Ay ako pang niloloko mong bata ka, bihasa na 'ko riyan sa mga kilos na iyan.. kaya't hindi mo ako maloloko. Mag sabi ka,"

Nanatiling nakayuko ang aking ulo at hindi nakatingin rito. "Manang..." tila nanahimik ang paligid.

"Manang, b-bakit po feeling ko nag-iisa ako?" Hindi ko na napigilang pumiyok. At roon nagkaroon ako ng lakas ng loob upang salubungin ang mga mata nito.

"T-tell me Manang, a-ayaw na po ba sa akin... sa amin ni Leo? Ba-bakit po gano'n Manang, miss na miss ko na po siya p-pero mukhang sinasadya niyang hindi ako makita. M-may mali ho ba sa akin? Sakit po rito oh," turo ko sa aking dibdib. 'Saka ko na lang pala namalayan na namamalisbis na ang aking luha dahil sa pag punas niya.

Mabuti na lang talaga't narito si Manang kundi baka mabaliw na talaga ako ng tuluyan.

"Walang mali sa 'yo, anak. Alam mo..." Hinawakan nito ang isa kong kamay at malamlam ang matang nakatingin sa 'kin. "Ang katulad mo ang pinaka iniingatan... bihira lang ang isang katulad mo. Kasi anak napakabait mo at 'yon palang masasabi kong napaka perpekto mo kong saang angulo.. kaya 'wag na 'wag mong sasabihin na may mali sa iyo. Dahil kong sino man ang naiisip at nakikitang may mali sa 'yo sila ang may mali sa sarili at hindi ikaw 'yon." Pag punas nito sa aking luha.

"Pero bakit gano'n po ang nararamdaman ko kay Leo, Manang?" parang anak na nagsusumbong ako sa 'kaniya. "Bakit nitong mga nag daang araw. I feel something's wrong with me. H-hindi ko na po maramdaman 'yong dating pagmamahal na pinaparamdam niya sa akin no'n. B-bakit gano'n Manang?"

Napabuntong hininga ito, "Alam mo anak," hinimas nito ang buhok ko. "Hindi ako ang makakasagot sa mga katanungan mo, si Leo... Si Leo ang makakasagot niyan, basta 'nak. Tandaan mo ang pag dedesisyon ng padalos-padalos minsan ay malaking pagkakamali ang nagagawa... Anak pakinggan mo muna siya, huh." Matamis itong ngumiti sa akin tsaka pinunasan ang aking mga luha.

"Oh siya at marami pa akong gagawin. Maiwan na muna kita rito ha, wag kang mag isip ng kong ano-ano, at balita ko uuwi itong si Leo mamaya," huli nitong sabi bago umalis.


TULAD ng sabi ni Manang sinunod ko lahat nang iyon. Iniwasan ko muna ang mag-isip ng kong ano-ano na maaring makapag pasama sa akin. At ngayon hinihintay ko ang taong pakiramdam ko wala na sa tabi ko.

I hope we can talk in depth. 

The time is 11:40 PM. The time was running so fast. Hindi ko na nga namalayan pa dahil sa paghihintay sa 'kaniya. Hanggang sa ilang minuto ang lumipas ay napatayo ako ng makarinig ako ng sasakyan na nakapasok sa mansyon.

Hindi ko maiwasang mapangiti.. dahil sa wakas nandito na siya. Makakapag usap na rin kami. Gano'n na lang ang pag bagsak ng ngiti ko ng makita ko ang pag pasok niya ngunit may kasama siyang nakalingkis sa kaniya.

Para akong natulos na kandila sa kinatatayuan ko ngayon. Rinig na rinig sa mansyon ang kanilang tawanan, hagikgikan. Parang may daang dumaan na kirot sa aking puso. At kahit na nag uumpisa na namang mag init ang makabilang sulok ng aking mata ay hindi ko iyon ininda.

"Grabe ka naman love, alam ko naman iyon, but—"

"Leo." Sabay silang napatigil sa pagtawag ko. Nakita ko ang pag bagsak ng ngiti ng babae at mukhang nairita pa siya ng makita ako, kita ko ang pag irap niya sa ire at pag galaw ng kaniyang labing mapula sa kapal ng lipstick at parang may sinasabi ngunit hindi ko naman naririnig.

"'Bat gising kapa? It's already 12," malamig pa sa yelong sabi nito sa akin at mas lalo pang ikinasakit ko ay ang pag hinding tingin sa akin nito ng sabihin niya iyon.

Nasanay kasi akong kapag nag uusap kami oh hindi naman kapag siya ang kumakausap sa akin ang lagi siya nakatingin sa mga mata ko. Pero ngayon parang bula na lang ang lahat.

"H-hintay kasi kita. I just want to talk—"

"Tss.. I don't have vacant time for that stuff, Alyana. We tired, let us rest. I have work tomorrow,"

Nakagat ko ang labi sa mga sinabi niya, para niya lang akong itinapon kahit hindi direkta niyang sinabi. Alyana? Wala nang honey? Wala na ring mababatid na lambing sa boses niya kapag nakikipag usap siya sa 'kin—

"Love, why can't we stay at hotel? You know I'm tired, lalo na kanina pinagod mo 'ko..." Hinaplos nito ang dibdib ni Leo habang kagat ang labi. "Lagi mo naman akong pinapagod eh."

"Yeah, you're right, let's go." Malamig nitong saad 'saka nito hinila ang pulso ng babae ngunit bago sila lumabas ng pinto ng mansyon ay lumingon pa sa akin ang babae at nang aasar na tinignan ako.

"L-leo," nag papanic kong boses. Sinundan ko sila mula sa labas. Nakita ko pang inilalayan nito ang babae para makapasok sa sasakyan nitong itim na limousine. Sa nakikita ko palang ngayon ay para ng pinipiga ang dibdib ko.

"L-leo, ma-mag usap naman tayo oh. S-sige na please." Pumiyok pa ako. Nag si unahang tumulo ang mga luha ko. Papasok na sana siya ng sasakyan ng tinakbo ko siya at hinila ang siko niya upang hindi siya tumuloy.

"L-leo naman, sige na—" Gano'n na lang ang gulat ko ng pabalag niya akong itinulak gamit ang isang kamay dahil ang isang kamay niya ay nakahawak sa nakabukas na pinto ng driver seat.

Nanginginig akong napaiyak habang nakatitig rito mula sa pagkakasalampak sa sahig. Blanko ang emosyon nito sa mukha.

"Can you please stop! Bullshit! I'm tired Alyana! Tama na putang Ina hihiwalayan na talaga kita." huli nitong sabi bago sumakay ng limousine nito.

@2022

Dangerous Midnight Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon