“MAMA, punta po ikaw sa work?” Kinuha ng mala-paos na tinig ni Migo ang aking atensiyon.
Nilingon ko siya. Pirmi siyang naka-upo sa manipis na kutson na ipinatong ko lamang sa humuhunang papag upang magsilbi naming kama at tulugan. Napansin ko na hawak niya pa rin ang maliit na kotseng laruan na nabili ko lamang sa napakaramurang halaga noong isang araw.
Ayaw niya na halos bitawan iyon. Hindi dahil sa gustong gusto niyang laruanin, bagkus ay iniingatan niya raw ito para hindi masira.
Inilapag ko muna ang phone ko sa mababang mesa ng tinutuluyan naming silid para tabihan siya. Wala pang tatlong segundo akong nakalapit sa kaniya ay nagawa na niya agad akong pangitiin na para bang ginagamot niya ang mga invisible na sugat ko.
“Pupunta si mama sa work kaya huwag kang masyadong pasaway kay Tita Saren mo, okay?” bilin ko.
His little mouth pouted, and he’s more cute every time he does that. Alam kong gusto na naman niyang humabol sa akin kaya ang ginagawa ko madalas ay maaga pa lang ay inuunahan ko na siya ng lambing.
“Maaga akong uuwi mamaya. Anong gusto mong bilhin kong pasalubong sa’yo?” Sinuklay ng mga daliri ko ang malago niyang buhok pagkatapos ay inamoy ang amoy baby niyang pisngi. “How about buying you art materials. Gusto mo iyon, hindi ba?”
“Hmm . . . may money po tayo?”
Bigla akong natawa sa itinanong niyang iyon. Masyado ko na yata siyang nasanay sa mga bilin ko na dapat kahit papaano ay mag-iipit o magtitira ng pera para kapag dumating ang kagipitan ay may mailalabas kaming halaga. Palagi ko kasing ipinapaalala sa kaniya ang pagtitipid pero hindi naman ibig sabihin no’n ay ipinagkakait ko sa kaniya ang mga bagay na gusto niya. Kung ako nga lang ang masusunod, gagastos ako ng malaki para sa kaniya.
Kaya lang ay talagang kapos na kapos kami na kahit tala-tatlo ang aking trabaho ay kulang pa rin.
Ang mga perang kinikita ko kasi ay mabilis na dumadaan lang sa mga palad ko. Napupunta lamang iyon sa mga gastusin namin araw-araw, at sa mga pinagkaka-utangan namin ni papa. Nag-iipon na rin ako para sa pag-aaral ni Migo na alam kong pagdating ng araw ay mas mahihirapan ako.
“Ginising mo na sana si Viviana sa kabilang kwarto. Maaga naman siyang umuwi kagabi kaya hindi ‘yan masyadong puyat,” suhestiyon sa akin ni Saren, isa sa kasama namin sa apartment.
Kadarating niya lang bitbit ang dalawang bayong ng iba’t ibang paninda niya. Inilapag niya iyon sa gilid ng mesa upang ayusin at ibenta online.
Tatlo kaming nagsasalo sa iisang apartment. Sa katunayan ay nakikisingit lang kami ni Migo dahil hindi namin afford ang solong presyo ng renta. Sinuwerte ako noong maka-usap ko sila. Kahit papaano ay nakatitipid kaming pare-pareho. Si Saren ang unang pumayag na patuluyin kami, at dahil tuwing gabi naman ang shift ni Viviana sa nightclub ay pumayag na rin ito. Sa kaniya rin ako nakahingi ng tulong upang maka-pasok ako as a dishwasher.
“Kumain na ba itong si Migo?” usisa niya.
“Oo. Nagluto ako ng noodles. Ibibilin ko na muna siya ulit sa’yo,” pakiusap ko. “Maaga naman akong makakauwi mamaya.”
Sumimangot siya sa akin na para bang ang ibig sabihin no’n ay wala akong dapat na alalahanin pa dahil siya na ang bahala sa bata. Hindi naman siya umaalis ng bahay at sanay naman si Migo sa kaniya. ‘Yon nga lang, minsan ay may kakulitan din ang bata. Nagpapasalamat nga ako dahil kailanman ay hindi siya nawalan ng pasensiya sa anak ko.
Nagpaalam pa muna muli ako kay Migo bago ako umalis. Pinaalalahanan ko siya na huwag maging maingay sa paglalaro dahil natutulog pa ang Tita Vivi niya sa kabila. Napangiti ako nang zinipper niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang maliliit na daliri na para bang nangangako siyang susundin niya ako.
BINABASA MO ANG
Ruin You Less (Worst Man #2)
RomanceAlivia Trishia Mercandes was forced to marry the man she didn't love-Matteo Joross Benavides. Pinakasalan niya lang ang lalaki dahil sa pakiusap ng kaniyang ama. But Joross loved her, at kahit na alam nitong ibang lalaki ang hinihiling niyang makasa...