Kabanata 9

206 11 7
                                    

“HINDI po ba kayo nakakatulog nang maayos? Nakikita ko na naman ang eyebags ninyo,” pansin ko sa mga mata ni Papa na tila halos hindi nakakaranas ng tulog. “Tapos, medyo nangangayayat kayo. Hindi ninyo ba kinakain ‘yong mga dinadala ko rito?”

“Kumusta ang apo ko?” Agad niyang nilagpasan ang mga tanong ko. “Sino ang nag-aalaga?”

Tinitigan ko si Papa nang matagal at pakunwaring sinimangutan. “Huwag ninyo kaming alalahanin, pa. May mga tumutulong naman sa amin. Sa inyo ba, sinong nag-aalaga?”

Iniwas niya ang kaniyang paningin ngunit pinanatili niya ang kaniyang kamay na nakalapag sa mesa. Maingat kong nilalagyan ng ointment ang mga nagkalat na sugat sa mga daliri niya at palad. Ayon sa kaniya, gawa iyon ng paglililok nila sa loob.

Kahit papaano ay gumaan-gaan ang loob ko na ang mga sugat na iyon ay galing sa pagtatrabaho niya. Last time kasi, noong bisitahin ko siya, galos at pasa ang nadatnan ko. Iyon ay dahil sa pakikipag-away niya. Sobrang nag-aalala ako kapag nasasangkot siya sa away at gulo.

I visited him to convince him again to talk to Attorney Ybañes. May ipon naman akong pambayad. I want him out of prison. But it looks like I failed again. He still doesn’t want to listen to me.

Patuloy niya mang ilihim sa akin ang nararanasan niya sa loob, hindi niya maitatanggi sa akin na nagtitiis at nahihirapan siya. Patunay na rito ang naaapektuhang kalusugan niya.

“Pa, ‘yong about sa mga utang natin, dire-diretso ko nang nahuhulugan. Siguro, sa anim na buwan, mabubuo na ‘yon. Hindi na natin kailangan na —”

“Lumakad ka na. Late ka na sa trabaho,” putol niya sa akin. “Saka mo na ulit ako bisitahin.”

Binawi na niya ang kaniyang kamay mula sa akin at sinimulang kolektahin ang mga dala ko para sa kaniya. Napansin kong napahawak siya sa kaniyang stomach. Sumasakit pa rin ba ang tiyan niya? Hindi bale, may binili rin naman akong gamot for stomach pain.

“Papa,” muli kong tawag sa kaniya.

Binalak kong sabihin sa kaniya na nakakasama ko si Joross sa trabaho, ngunit bigla namang nagbago ang isip ko.

I sighed.

“M-mag-iingat kayo lagi rito. Don’t forget to take your meds. Aalis na po ako.”

Sinilip ko ang oras. Late na nga ako.

It has been almost a week since Sir Paolo came back. Natupad ‘yong hiling ko na sana ay mapaaga ang uwi niya. Kaya nitong mga nakaraang araw, balik na sa dati ang trabaho ko at katulad ng ibang employee ay medyo naging abala na rin ako.

Isang linggo na rin simula noong umalis ako sa office ni Joross. Until now, hindi ko pa ulit siya nakakausap, nararamdaman o nakikita man lang.

I am not sure pero magmula nang makabalik ako sa opisina ni Sir Paolo, para nang may hinahanap lagi ang mga mata ko. Hindi ko lang maamin sa sarili ko kung sino.

Nang makarating ako sa office ay hindi ko na naabutan si Sir Paolo. Naroon na siya sa meeting. Susunod sana ako pero nabasa ko agad ang message niya na ayos lang na wala ako roon, tapusin ko na lang daw ang ilang paperworks na inilapag niya sa aking desk.

Hindi na rin tuloy siya naabutan ng ex-wife niyang si Ma’am Merell.

“Ma’am, Sir Paolo is still in the meeting. Do you want coffee or something?” alok ko sa babae.

She smiled sweetly at me. “No, thanks. I’ll just stay here. Hihintayin ko na lang siya.”

I left her inside the office and came back to my desk. Humahanga ako sa kanilang dalawa ni Sir Paolo. After kasi nilang maghiwalay ay nagagawa pa rin nilang maging malapit sa isa’t isa. Hindi lang ‘yon para sa anak nila, maging para na rin sa sarili nila. It’s obvious that they were still in love with each other.

Ruin You Less (Worst Man #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon