Kabanata 5

156 12 3
                                    

“SINO, ‘te? ‘Yong lalaking mukhang dayuhan?” usisa sa akin ni Viviana. Matapos ko siyang maabutan sa bahay ay tinanong ko siya tungkol sa paglapit sa kaniya ni Joross sa club. “Wala ‘yon. May sira yata sa utak ‘yon, sobrang hot at guwapo pa naman. Sayang siya.”

I followed her in the kitchen. Kumuha siya ng malinis na towel para tuyuin ang kaniyang mukha pagkatapos ay isinampay niya iyon sa kaniyang balikat. Ako naman ay nagkunwaring maghuhugas ng kamay.

“May sira sa utak?”

Umikot ang kaniyang mga mata. “Kinuha-kuha niya ako sa club tapos hindi naman pala makikipag-sex. Sinayang niya lang time ko. My gosh! Naalala ko na naman ‘yon!”

I bit my lower lip, forbidding myself to throw another question at her. I am already informed na hindi sila natuloy ni Joross. He told me that he still has respect for our marriage. Ang ibig sabihin ba no’n, wala siyang naging iba?

I shut my mind. E, ano naman sa akin ngayon?

By the time I walked out of the kitchen, nasalubong ko si Saren. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa hamba ng kwarto niya. She was smirking at me, I am sure, narinig niya ang pinag-usapan namin ni Viviana. Naikwento ko kasi sa kaniya last night ang tungkol doon.

“Possessive wife lang? Bawal tikman ng iba si hubby?” biro niya sa akin at napalakas ang tawa niya nang magusot ang mukha ko.

I used to call him mine, pero magmula noong iniwan ko si Joross, tinanggalan ko na ng karapatan ang sarili ko na ariin siya. Sobra akong naging makasarili at nagawa ko siyang ipagpalit sa ibang bagay. Akala ko kasi noon, hindi siya mahalaga sa akin. Totoo nga ‘yong kasabihan na, saka lang mararamdaman ng tao ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito.

Ngayon, papel na lang ang nagsasabing may ugnayan kaming dalawa.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya sa sinabi ni Joross sa akin kahapon. Ayon sa kaniya, hangga’t galit siya, hindi niya ako hihiwalayan at hindi niya ipawawalang bisa ang kasal namin. Should I be thankful that he is angry at me? Kung ganoon, hihilingin ko pa ba na mawala ang poot niya sa akin?

Today is my second day of working for him. I can’t believe that I successfully survived my first day. Although naging mahirap sa akin ang kahapon ko, kinaya ko pa rin at kakayanin ko pa rin kahit na alam kong sinasadya niyang pahirapan ako.

“Sir, babaguhin pa ba natin ito?”

Pasimple akong sumulyap sa desk niya. Halos magkatapat lang ang table namin, ngunit sinadya kong iharang ang mga pinagpatong-patong kong folder para hindi ko siya masyadong makita. Kausap niya si Ma’am Heidi, mataas na employee ng department namin na naatasan ni Sir Paolo noong nakaraan.

Nakita kong binalingan ni Joross ng atensiyon ang tinutukoy na report. He was so serious, hawak niya ang isang pen na paminsan-minsan niyang pinapaikot sa kaniyang mga daliri. He's still doing that. Ginagawa niya iyon every time na may bagay siyang pinag-iisipan.

“No need. Just finalize this one and the other one,” aniya sa kausap.

“Alright, sir. I’ll send the files as soon as possible.”

He is calm now and looking so handsome with the necktie I put on him this morning. Wala sa hitsura niya ang pagsusungit. Siguro dahil hindi ako ngayon ang kausap niya. Sa akin lang naman siya may galit. Nasisira ang mood niya kapag ako na. Palagay ko tuloy, nadadamay ko lang ang iba sa amin.

Nang marinig ko ang paalam ng kausap niya ay saka ko lang ibinalik ang aking pokus sa trabaho kong kahapon niya pa ibinigay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito natatapos.

I am doing an overview of our department’s plan. He needs this so he can familiarize himself with it. Madali lang naman ito, pero pagdating sa kaniya, lahat ng gawa ko ay mali at palpak. Nakailang ulit ako at mas mapapagod ako kung bibilangin ko.

Ruin You Less (Worst Man #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon