MALALIM na ang gabi nang makauwi ako sa bahay. Naabutan kong mahimbing nang natutulog si Migo sa silid namin. Inayos ko muna ang fan bago ko siya nilapitan at tinabihan. Sinikap kong hindi siya magising nang sa gayon ay hindi ko siya maabala sa pagtulog.
Marahan kong sinuklay ang kaniyang malagong buhok at saka hinagkan. Bigla kong naalala ‘yong pag-iyak niya kanina. I am still mad at myself, at nadagdagan pa ‘yon ni Joross.
He’s with Viviana, and I cannot imagine kung ano ang ginagawa nila. Iisipin ko pa lang na nasa iisang kwarto sila, para nang binibiyak ang dibdib ko, para nang binubugbog ang katawan ko.
The moment I chose to leave him was the moment I forbade myself from holding him. But it hurts a lot, and my heart is screaming, complaining about the pain it feels. Deserve ko naman. Dapat lang ito sa akin. Kulang pa ito.
Kinaumagahan ay si Saren muli ang nadatnan ko sa labas. Inaayos na niya ang kaniyang bagong nabiling mga produkto na ilalako naman niya online.
“Wala pa si Viviana? Hindi pa umuuwi?” usisa ko nang makitang sarado pa rin ang silid nito.
“Siguradong nakakuha ‘yon ng lalaki. Wala ring message sa akin, e,” aniya. “Nakita mo ba kagabi?”
“O-oo,” sagot ko naman at nag-iwas ng tingin.
“Hayaan mo na. Alam mo naman ‘yon, kapag ganitong late siya ng uwi, may morning session pa. Makikita mo mamaya, rereklamo-reklamo ‘yon na masakit ang katawan.”
Hindi ko nagustuhan ang birong iyon ni Saren kaya naman tumahimik na lamang ako. Viviana is not yet home. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na baka magkasama pa rin sila ni Joross.
I sighed hopelessly.
After preparing myself to work, I did not stay longer in the apartment, and that was to avoid Viviana. Ayaw kong dumating siya na nasa bahay pa ako at ayaw kong marinig ang kung ano mang kwentong bitbit niya patungkol sa tinrabaho niya kagabi. Alam ko na naman ‘yon. I just don’t want to picture it in my mind. Ayaw kong ma-imagine ‘yon.
Maaga akong dumating sa RFH. Iilan pa lang ang mga nakakasabay kong maglakad papasok. Sinadya ko rin talaga na agahan para maihanda ko rin ang sarili ko. I will admit that I am getting nervous now. Sa banta pa lang sa akin ni Joross kagabi na tatanggalan niya ako ng trabaho, ramdam ko nang mas mahihirapan ako.
“Trishia Mercandes, good morning.”
Napapas ang malalim kong iniisip nang marinig ko ang aking pangalan. Napatingala ako sa lalaking tumabi sa akin habang hinihintay ko ang pagbukas ng elevator. Umawang ang bibig ko at napangiti nang agad ko siyang nakilala.
“Adam,” bati ko sa kaniya at mahinang tinapik ang maskuladong baraso niya. “Nakabalik na pala kayo? How’s the out of town project ng team ninyo? Success naman?”
Nagkibit-balikat siya. “Siguro, success? Sa guwapo kong ‘to. Wala pa akong mintis na project.”
I laughed at him.
Bago lang siyang employee ng company. Siguro ay wala pang one year. Kakilala siya ni Melon, but I’m not friends with him. Medyo feeling close lang siya kaya kami nagkakaroon ng interaction.
“You’re absent yesterday. May nangyari ba?” usisa niya.
I gave him a nod. “May maliit na problem lang pero okay na.”
“May asawa ka na ba talaga?” Bigla ang tanong niyang iyon kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ko matantya ang seryosong tingin niya pero naroon ang pagdududa. “May kilala ako, may gusto sa’yo. Gusto mong makilala?”
BINABASA MO ANG
Ruin You Less (Worst Man #2)
RomanceAlivia Trishia Mercandes was forced to marry the man she didn't love-Matteo Joross Benavides. Pinakasalan niya lang ang lalaki dahil sa pakiusap ng kaniyang ama. But Joross loved her, at kahit na alam nitong ibang lalaki ang hinihiling niyang makasa...