Kabanata 2

134 11 4
                                    

TINAPUNAN ko ng matamlay na tingin ang sarili kong repleksyon sa wide mirror ng comfort room. I looked pale. Tila walang buhay. My eyes look so tired, ni hindi makuha ng mga ito na magkunwaring masigla.

I wiped my face with the back of my palm to erase the trace of my tears on my cheeks. Pero kahit ilang beses kong alisin ang bakas no’n ay halata pa rin ang pag-iyak ko. Pagkatapos kong makatanggap ng hindi magagandang salita kay Joross, agad ko na siyang iniwan sa office. Ramdam ko kasi kanina ang bigat ng nagbabadyang luha ko, para akong nilamon ng kahihiyan.

Hearing those words is supposedly nothing for me, dahil sanay na ako sa mga katrabaho kong ganoon din ang tingin sa akin. Pero iba pala ‘yong dagok at talas ng mga salitang iyon kapag sa kaniya nanggaling.

Marumi ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

Ilang beses pa akong nagpakawala ng malalim na hininga at inayos na rin ang sarili. Naglagay lamang ako ng pulbos gamit ang libreng face powder ng comfort room. Gamit lang ang aking mga daliri ay sinuklay ko nang maayos ang buhok ko pagkatapos ay ipinusod iyon.

Nang maihanda ko na muli ang aking sarili ay nagpasya na akong lumabas ng comfort room, ngunit hindi agad ako nakatuloy nang may nakasalubong ako.

“Wow! The little gold digger is here!”

Kusang umatras ang mga paa ko nang makilala ang babae. Sapat na siguro ang mga natanggap kong masasakit na salita kanina, kapag hinayaan ko pa ang babaeng ito na lait-laitin din ako, baka hindi ko na kayanin.

Sinubukan kong iwasan si Tanya, ngunit sinadya niyang humarang sa dapat na daraanan ko. She’s one of the company’s asset. Hindi katulad ko na hamak na sekretarya lamang. May malaking share ang ama niya company, kaya naman hindi rin basta-basta ang kaniyang pangalan. Kaya lang, hindi ko alam kung saan ba nanggaling ang pagkulo ng dugo niya sa akin gayong wala naman akong nagawang mali sa kaniya. 

“Excuse me,” magalang kong sambit ngunit nginisian niya lamang ako.

She pouted her mouth. “Wala na bang pumapatol sa’yo kaya ang pagbili ng kahit na mumurahing damit, hindi mo kaya? Hindi mo afford?”

Hindi ako nakaimik. Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko naiwasang ikumpara ang suot ko sa suot niyang mamahaling blouse. Sobrang layo ng kaibahan namin. Gusto kong mainggit. Gusto kong ipagmalaki na mayroon din ako no’n . . . noon. I had branded bags, jewelries, luxurious clothes. Mayroon akong lahat no’n. Nasa akin ang lahat ng mga iyon . . . noon.

Saglit kong ikinuyom ang aking kamao at saka iniwas ang paningin sa kaniya. “Nagtitipid kasi ako. Wala namang masama, Ma’am Tanya kung nagre-repeat ako ng damit, ‘di po ba?”

“I really don’t know kung bakit may mga lalaki pa ring nagkaka-interes sa’yo. So cheap, so boring.” She laughed as if she is belittling me. Umiling-iling siya at maarteng ipinalakpak ang kaniyang mga kamay.  “Tell me, anong pang-aakit ang ginagawa mo kay Sir Paolo? How about kay Chairman Rafaelo?”

Napabuntonghininga na lamang ako. Iyon na naman? Wala na bang bagong issue?

Ilang beses ko nang inulit sa kanila na walang namamagitan sa amin ni sir. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan ba nagmula ang tsismis na iyon. Hindi ko nilalandi si Sir Paolo, at kailanman ay hindi ako nagplano. He is like a brother to me, at para ko ng ama si Chairman Rafaelo. Hanggang doon lang ‘yon!

Gusto ko pa sanang muling linawin sa kaniya ang bagay na iyon kahit na imposibleng maniwala siya. Kaya lang ay tumiklop ang aking dila nang may muling pumasok sa comfort room.

Upang makaiwas sa panibagong iskandalo, ginamit ko na lamang na pagkakataon iyon upang makalabas.

“Mauuna na ako, ma’am,” tanging paalam ko kay Tanya.

Ruin You Less (Worst Man #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon