Kabanata 10

171 14 7
                                    

INAAKALA siguro niya na talagang ayaw ko siyang maging asawa. Pero ang totoo, hindi ko alam. Paulit-ulit ko nang tinanong ang aking sarili pero hindi pa rin ako makakuha ng eksaktong sagot. I am scared of it. Natatakot ako sa totoong nararamdaman ko, and I don’t know what to do.

“Okay na itong plan natin. Si Ms. Mercandes na lang ang bahala na mag-forward nito kay Sir Paolo,” pakinig kong pahayag ni Ma’am Heidi.

Naatasan ni Sir Paolo ang team nila, kasama ako, sa pagpaplano ng welcome party para kay Joross. He’s now officially a part of the company, as he already signed the agreement. Ang ibig sabihin, permanente na siya rito.

Napapaisip tuloy ako, dapat pa bang magpatuloy ako rito? Makakaalis ba ako? Kapag umalis ba ako, matatakasan ko nang talaga siya? O lalo ko lang ilalagay sa alanganin ang sitwasyon ko at ni Migo?

I want to avoid Joross. I always wanted to, pero kapag ginawa ko iyon, sarili ko lang ang pahihirapan ko. Kaya lang, kapag napalapit naman lalo ako sa kaniya, baka hindi ko na maisalba ang sarili ko. I felt stuck. Para bang kahit anong ikilos ko, sa mga kamay niya pa rin ang bagsak ko.

“Puwede ko na siguro kayong i-dismiss. I will just inform you kung may dapat tayong baguhin. You can leave the room now. Thank you for your time,” pagtatapos ni Ma’am Heidi ng meeting.

Hindi na muna ako lumabas upang paunahin ang iba naming kasamahan. Nilapitan ako ni Ma’am Heidi upang iabot sa akin ang folder kung saan nakapaloob ang nabuo naming plan. Ako ang nabilinan niya na mag-aabot no’n kay Sir Paolo kaya lang ay wala siya ngayon. He took a leave, hindi pa iyon basta-basta maaaprubahan.

“Sa’yo ko na rin iiwan ito, Ms. Mercandes.” Ma’am Heidi handed me a magazine. Natigilan naman ako nang makilala kung sino ang nasa cover, walang iba kundi si Joross. “Approved na ‘yan. Pararamihin na lang ang kopya pero trabaho na naman ‘yon ng kabilang department. Kukunin ko na lang ulit sa’yo.”

I forced myself to nod. “Okay, Ma’am. No problem.”

Pinanatili ko ang aking mga ngiti hanggang makalabas siya ng meeting room. Nang ako na lamang ang natira sa loob ay nagkaroon ako ng laya para bisitahin ang laman ng magazine. Obviously, it’s all about him and his achievements.

Ang layo na ng narating niya at hindi na dapat ako magtaka pa kung bakit hindi ko na siya makilala. But I cannot help but feel proud of him. Siguro ay hindi na siya nakadepende ngayon sa kinagisnan niyang pamilya. With his many successes, he can now build his own empire.

“Matteo Joross,” mahinang usal ko sabay pakawala ng mabigat na hininga.

His full name is written on the cover of the magazine. Iyon na rin ang mismong pamagat no’n. Kasama ng pangalan niya ang isa niyang larawan kung saan naka-side view siya kaya’t kitang kita ang hugis ng kaniyang mga labi at kurba ng kaniyang matangos na ilong. He was wearing his formal suit. Nakahawak siya sa kaniyang necktie na tinatangka niyang tanggalin.

From there, marami pa ang hahanga sa kaniya. He can pass as a model. He looked so handsome, powerful, and untouchable. Pruweba ito na sobrang taas na niya, samantalang ako, lubog na lubog na.

Sukbit ko ang aking bag nang lumabas ako sa meeting room. Marami sa mga nakakasalubong ko ang pauwi na. Katulad nila ay wala akong balak na mag-overtime. 

“Trish!” Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses ni Melon.

Napangiti ako nang makita ko ang pagmamadali niyang paglapit sa akin. Sa ayos niya ngayon ay masasabi kong abala siya. Nakalimutan na niya kasi ang paglalagay ng mapulang lipstick at wala rin siyang suot na mahabang hikaw ngayon.

“Pauwi ka na?” I asked her. May sarili siyang sasakyan, at sa kaniya ako sumasabay minsan.

She pouted and heaved a tired sigh. “Busy pa ako now, Trish. Hindi pa ako makakauwi.”

Ruin You Less (Worst Man #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon