Kabanata 7

151 12 2
                                    

“DIYAN mo na lang ako ibaba sa kanto. Maglalakad na lang ako papasok,” nahihiya kong request sa kaniya ngunit ipinagpatuloy niya lang ang mabagal niyang pagmamaneho. “Malalim na ‘yong gabi, itigil mo lang doon para makauwi ka na rin. Salamat ulit.”

Hindi siya kumibo. Pinanatili niya ang kaniyang paningin sa harapan kaya naman malaya akong pagmasdan at panoorin siya. Kanina, sa kabila ng sama ng loob ko sa kaniya ay nakuha kong kumalma. ‘Yong takot ko kanina, para bang nagtago noong makita ko siya. I felt safe, para bang sa gitna ng dilim ay nakatagpo ako ng liwanag.

Kanina ko pa siya gustong tanungin kung bakit niya ako hinintay nang ganoong katagal. I did not expect him to wait for me for four hours. I thought, noong iwan ko siya sa labas ay umalis siya, akala ko ay aalis siya. But he didn’t, he never left.

Nagtangka na naman akong itanong sa kaniya iyon ngunit sumasara ang aking bibig at napipipi ang aking dila, tila naduduwag.

“Ganitong oras ka lagi umuuwi? It’s very late,” aniya.

Lumiko ang aking isip at napatanong sa sarili kung ako ba ‘yong kinakausap niya. Hindi kasi siya lumingon sa akin at seryosong seryoso pa rin siya sa pagmamaneho. Kaya naman hindi ako kumibo at pinakiramdam na lang ang sitwasyon namin. I realized na masyado na akong nagiging komportable sa loob nitong mamahaling sasakyan niya. Ito ang unang beses kong makasakay rito.

I stared at him again. Magulo pa rin ang kaniyang buhok ngunit hindi naman ‘yon kabawasan sa kakisigan niya. His eyes are glistening. Ang kaunting liwanag sa daan ay tumatama roon kaya’t tila kumikinang ang mga iyon. From my view, I can tell that he has a perfect nose, masarap panggigilan. From all his facial features, what I like the most is the shape of his lips; it’s very attractive.

“You’re distracting me, Trishia,” muling salita niya na ikinabigla ko. This time ay nilingon na niya ako. “Don’t stare at me like that.”

“H-ha?” I was stunned. Mabilis akong umiling at nagbaba ng tingin. “I’m not staring at you. Tinitingnan ko lang ‘yong dinadaanan natin . . . kasi baka lumagpas ka. D-diyan lang sa kanto, sa apartment.”

Patago akong ngumiwi nang taasan niya ako ng kilay. Kanina niya pa ba ako nahahalata? O sadyang halata talaga na tinititigan ko siya? Nakagat ko ang loob ng aking labi nang dagsain ako ng hiya. Baka kung ano ang isipin niya.

Kinalas ko ang aking seatbelt nang itigil niya ang sasakyan. I thanked him again. Wala siguro siyang idea kung paano niya ako natulungan ngayon. At ang pagpapasalamat ko ay hindi sasapat para masuklian iyon.

“Apartment lang ang tinutuluyan mo?” tanong niya. Ramdam ko ang pagtataka sa tinig niya.

Matagal bago ako nakasagot. Ano bang inaasahan niya?

Napapaisip tuloy ako. Alam niya kaya na pagkatapos ko siyang iwan, triple ang naging hirap ng buhay ko?  

Syempre, hindi. Pero mas mabuti nang ang alam niya ay nagpakasarap ako sa pera at sa iba’t ibang lalaki kaysa malaman niya ang lahat-lahat ng hirap na pinagdaanan ko.

“Malapit kasi ‘tong apartment sa RFH, pati na rin sa nightclub,” sagot ko.

Nanumbalik ang dismaya sa kaniyang mga mata, para bang bigla na namang siyang nainis nang banggitin ko ang pinagtatrabahuhan ko. Ang totoo niyan, hindi ko maamin sa kaniya na tama siya, nababastos ang pagkatao ko at hindi dapat ako nagtatrabaho roon.

“About earlier . . .” Pinutol niya ang sasabihin niya at mahinang nagmura. Inis niyang hinawi ang kaniyang buhok at yumuko. Kasunod no’n ang pagbuntonghininga niya. “Get rest. We will talk tomorrow.”

I didn’t complain anymore. Bumaba na ako ng kaniyang sasakyan at bago ako pumasok sa gate ng apartment ay hinintay ko pa muna siyang makaalis. Nang tuluyang mawala ang kotse niya sa paningin ko ay kusang bumalik ang pagod sa balikat ko. Bigla-bigla ay parang nalumbay ako.

Ruin You Less (Worst Man #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon