AFTER lunch na ako nakabalik sa office ni Joross. I was not sure kung kaaalis lang ba ng mga bisita niya o kanina pa. Bigla kasing nag-email sa akin si Sir Paolo at may ipinaayos sa akin na ilang documents. Natapos ko na rin naman.
I silently closed the door behind me upang hindi ko maabala sa pagbabasa si Joross. He was busy with some papers right now. Naroon ang kaniyang paningin at lilipat kung minsan sa kaniyang laptop.
Lumapit ako sa aking malinis na desk at pirming naupo.
“Where have you been?” His baritone voice sent a chill through my whole body. Nakita kong itinigil niya ang kaniyang ginagawa para kausapin ako. “I messaged you. Hindi mo na naman binasa.”
I kept my eyes on him. Hindi siya mukhang galit, pero ang tono niya ay parang nagtatampo. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang ikikilos at sasabihin ko.
“N-naiwan ko rito ang phone ko.” Kinurot-kurot ko ang dulo ng aking mga daliri. I glanced at my bag. Naroon pa rin naman at mukhang walang lumikot. “Nag-email sa akin si Sir Paolo. May pinatapos siya sa akin kaya ngayon lang ako nakabalik.”
I saw how his brows drew together. I looked away when I felt he was about to gaze at me. Marami talagang times na hindi ko kayang labanan ang titig niya. Kahit noon pa man. His eyes mirror the unending sincerity of his heart. Ngayon, malamig iyon, kaya alam kong malamig din ang puso niya. Malamig na nababalot ng yelo ngunit umaapoy ang tensiyon.
“When will he come back?” he asked.
“Wala siyang binanggit,” sagot ko naman.
Four days nang wala si Sir Paolo. Kung mabilis matatapos ang pinuntahan niyang out of town business, mas maaga siyang makakabalik. How I wish, mangyari ‘yon. Bukod kasi sa hindi ako makakilos nang maayos, wala rin akong ginagawa.
Dapat nga matuwa ako na wala akong ginagawa sa trabaho dahil susweldo ako nang hindi napapagod pero sa sitwasyon ko, gugustuhin ko pang maging abala na lang.
Sinulyapan kong muli si Joross. Nakasimangot pa rin siya. Seryoso ba talaga siya na hindi niya ako bibigyan ng paper works?
I heaved a sigh of annoyance. “Baka may maitutulong ako sa’yo. Baka may ipapagawa ka, Joross.”
Nilaksan ko ang aking loob upang magtanong sa kaniya. Pinapasweldo ako nang tama, kaya dapat ay magtrabaho rin ako nang tama.
I caught his attention again. “Gusto mong may ipagawa ako sa’yo?”
I nod at him. “K-kahit ano.”
Pagkasabi niya no’n ay ngumisi siya, tila napapas no’n ang tampo niya. I had the hard time reading what he was thinking. Willing naman ako tumulong, at kung sa tingin niya ay hindi ko kakayanin ‘yong ipapatrabaho niya ay handa naman akong makinig at matuto. Basta bigyan niya lang ako ng gagawin.
“Fine,” he decided.
Kinuha niya ang phone niya at may kung anong tinipa roon. After that, he stood up kaya napatayo na rin ako. Inimis niya ang mga papel na binabasa niya at isinarado na rin niya ang kaniyang laptop upang tuluyang itigil ang kaninang tinatrabaho.
“You will come with me. Nandoon ang gagawin mo,” aniya.
Saglit akong natigilan ngunit nabawi ko rin agad ang aking sarili. Nalilito ang isip kong sinundan siya ng tingin palabas ng office. Baka may meeting siya outside the company? Balak niya bang isama ako?
Nakagat ko ang aking labi at nagmadaling kinuha ang aking bag. Dinala ko na rin ang maliit kong notebook at sinigurado ko na may pen ako.
Nilingon ko ang table niya. Napansin ko na naiwan niya ang kaniyang suit kaya naman inabot ko iyon mula sa rack at iningatang hindi magusot sa aking kamay.
BINABASA MO ANG
Ruin You Less (Worst Man #2)
RomanceAlivia Trishia Mercandes was forced to marry the man she didn't love-Matteo Joross Benavides. Pinakasalan niya lang ang lalaki dahil sa pakiusap ng kaniyang ama. But Joross loved her, at kahit na alam nitong ibang lalaki ang hinihiling niyang makasa...