“O, BAKIT hindi ka pa bihis? Wala kang work today?” Ang tanong na iyon ni Saren ang bumungad sa akin nang lumabas ako mula sa silid namin ni Migo. I am still in my shirt and pajamas, hindi pa nakakaligo at nakakapag-ayos.
Nakasimangot akong naupo sa pahabang upuan na kahoy katapat ng mesa upang kumuha ng isang pirasong pandesal na binili niya sa labas. Nang hindi ko nasagot ang tanong niyang iyon ay dumalo na rin siya sa hapag.
“Ayaw kong pumasok, Saren. A-absent ako,” malumbay kong siwalat.
Lalo namang nagusot ang mukha ko nang tawanan niya ako. “Seryoso ba ‘yan? Ikaw? A-absent sa trabaho? E, ayaw mo ngang masasayangan ng araw.”
“Seryoso nga. Hindi muna ako papasok. Masama ang pakiramdam ko,” dahilan ko.
Kumuha ako ng isang mug mula sa cup holder stand na plastic at nagsimulang magtimpla ng kape. I don’t have the plan to go to the RFH now. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang magtrabaho ngayon, not because masama ang pakiramdam ko, but because of Joross.
He wanted me to be his secretary. Kinausap niya si Sir Paolo. Dahil nga one week ito sa out of town business at hindi naman ako kasama, sa kaniya muna ako magtatrabaho. I will work for him for the whole week, and I don’t think I can do it. Kaya heto, mas pinili ko ang hindi na lang muna magpakita.
Muli kong narinig ang mahinang tawa ni Saren matapos kong magkwento. Humigop siya sa kape ko at dalawang beses na hinawi ang bangs niyang napaikli ang gupit kaya’t kaniyang pinagsisisihan.
“So, dahil sa husband mo, kaya ka nagkakaganiyan ngayon? Gusto niya pala na maging secretary ka. Maganda nga ‘yon para magkalapit kayo.”
“Ayaw kong lumapit sa kaniya,” pagsasabi ko ng totoo. “Masyadong . . . masyadong mabigat ‘yong galit niya sa akin.”
“Ah, umiiwas ka. Tumatakas ka, ganoon?”
“Saren,” mabagal kong sambit sa pangalan niya.
Yes, I want to avoid him. I needed to. Alam ko naman na hindi ko matatakasan ang galit niya, kaya lang ay hindi ko maiwasang matakot. Apat na taon akong hindi nagparamdam sa kaniya, at naduduwag ako sa mga bagay na iisa-isahin niyang isumbat sa akin.
Ang totoo niyan, hirap na hirap akong humarap at magpakita sa kaniya. Hiyang hiya ako na parang gusto ko nang ilubog ang sarili ko sa lupa.
“E, bakit kasi hindi mo i-try na kausapin siya. Ang sabi mo nga, ikaw ‘yong nang-iwan. Bakit hindi ka mag-sorry at mag-explain? Malay mo, maayos ninyo pa ‘yan,” mahabang suhestiyon ni Saren.
Sa sobrang sama ng loob sa akin ni Joross, sure ako na hindi niya magagawang makinig sa akin at lalo na ang tanggapin ang paghingi ko ng tawad. Sino ba ako ngayon sa kaniya? For him, I am the bitch who left him, the whore he believed cheated on him.
Still, hindi ko kayang gawin pa ang suggestion na iyon ni Saren dahil na rin wala akong ideya kung paano ko ba sisimulan ang lahat. Ang totoo, ayaw kong umisip ng paraan kung paano. Baka kasi lalo lang siyang magalit. Maraming beses ko na siyang nabigo, at nasaktan. Hindi ko gugustuhing madagdagan pa iyon.
“Malay mo, love ka pa niya,” biro pa niya sa akin na may halong kilig. Itinaas-baba niya pa ang kaniyang mga kilay.
Bilang ganti, sinamaan ko siya ng tingin. After what I did to him, imposible na ‘yong sinabi niya.
I shook my head. “Mag-change topic na nga tayo. Ayaw ko nang pag-usapan ‘yan. Basta hindi ako papasok ngayon. Final na.”
“Ewan ko sa’yo. Kung hindi man kayo magkaayos, at least, he heard your side. Closure ninyo na rin ‘yon! Ang mahalaga, malaman niya ang lahat lalo na ‘yong tungkol sa pregnancy mo noon. Kailangan niyang malaman ‘yong nangyari sa . . .”
BINABASA MO ANG
Ruin You Less (Worst Man #2)
RomanceAlivia Trishia Mercandes was forced to marry the man she didn't love-Matteo Joross Benavides. Pinakasalan niya lang ang lalaki dahil sa pakiusap ng kaniyang ama. But Joross loved her, at kahit na alam nitong ibang lalaki ang hinihiling niyang makasa...