NAG-UUNAHAN ang aking mga paa sa paghakbang patungo sa opisina ni Joross. Naroon daw si Sir Paolo, at maging si Chairman Rafaelo. I am late already. Ang bali-balita ng aking mga katrabaho ay nagkaroon na naman daw ng matinding sagutan ang mag-ama.
I knocked twice before I opened the door. Naabutan ko sila sa visitor’s lobby ng office. Ang nadatnan ko roon ay ang seryoso nilang pag-uusap tatlo.
Tahimik akong pumasok at maingat na kumilos. Naramdaman ko agad ang paglapat ng tingin sa akin ni Joross kaya naman napansin din ako ni Sir Paolo at ni Chairman.
“I have talked with them already. Nakahingi na rin ako ng pasensiya para sa naging delay natin,” pakinig kong pahayag ni Chairman. “Ang pinag-iisipan ko na lamang ngayon ay kung sino ang puwedeng humarap sa kanila sa susunod na pagkakataon.”
Kumuha ako ng isang monoblock at itinabi iyon kay Sir Paolo upang makaupo ako sa gilid niya. Pansin kong hindi pang-office ang suot niya. Siguro ay dahil naka-leave siya. Ang hula ko ay napilitan lang siyang dumaan dito. Halata ko iyon sa mabigat na ekspresyon ng mukha niya at sa madalang niyang pagkibo.
Hinanda ko ang maliit kong notebook incase na mayroon siyang ipa-note sa akin. Kaharap namin si Chairman, habang si Joross naman ay nasa kabilang tabi. I noticed him. Hanggang ngayon pala ay nakatingin pa rin siya sa akin.
“Since Paolo cannot attend to that meeting, would you mind me asking you, Mr. Benavides, na ikaw na muna ang bahala?” diretsahang tanong sa kaniya ni Chairman. Doon lamang ulit bumalik ang atensiyon niya sa kanilang pinag-uusapan.
“It’s fine with me, Sir Rafaelo, since I have talked with them already.” I saw him nod, then he forced a sigh. “The good thing is that they agreed to reschedule the meeting. Together with that is the agreement signing.”
“Did they mention to you about the contract?”
“Yes,” he responded confidently. Pinagsalikop niya pa ang kaniyang mga daliri. “If you are worrying that they would switch to another company because of the delays, I suggest you to stop overthinking it anymore. Maayos ko silang nakausap.”
My chest filled with amusement the way he communicate professionally with the chairman. Wala akong maramdamang pag-aalinlangan o pag-alala sa malalim niyang boses. Tila ba siguradong sigurado siya bawat salitang kaniyang binibitiwan.
Hindi naging matagal ang kanilang pag-uusap. Pagkatapos maayos ng concern ni Chairman ay natapos na rin.
Paalis na kami at kaming dalawa na ni Sir Paolo ang nag-uusap about sa new schedule niya next week nang marinig naming ulit na nagsalita si Joross.
“Maiiwan sa akin si Ms. Mercandes,” aniya dahilan para agad akong mapalingon sa kaniya.
I gave him a questioning look, but he just shrugged, indicating that he would not give me a clue why I needed to stay in his office. Napansin ko ang pagkatigil ni Sir Paolo, nagkaroon ng pagtataka sa kaniyang mga mata. Nakagat ko naman ang aking ibabang labi nang masalubong ko ang malalim at concern na tingin sa akin ni Chairman.
“O-okay, S-sir Joross,” I said and I almost lost my voice.
Pasimple kong tinanguan si Chairman upang tanggalin ang kaniyang pag-aalala. Unlike Sir Paolo, he knew my true relationship with Joross.
Maubos-ubos ang aking hininga nang maiwan nila ako sa opisina. Ang pakiramdam ko ay para akong nawalan ng mga kakampi at naiwan ako sa teritoryo ng kalaban.
I was pinching my right thumb when I followed Joross on his desk. Hinubad niya ang kaniyang suit at isinampay lang basta iyon sa hanger stand. My eyes also witnessed how he sexily loosened his tie as he sat on his swivel chair. Ang kaniyang matipunong pangangatawan ay bumabakat sa suot-suot niyang inner polo.
BINABASA MO ANG
Ruin You Less (Worst Man #2)
RomanceAlivia Trishia Mercandes was forced to marry the man she didn't love-Matteo Joross Benavides. Pinakasalan niya lang ang lalaki dahil sa pakiusap ng kaniyang ama. But Joross loved her, at kahit na alam nitong ibang lalaki ang hinihiling niyang makasa...