Chapter Nine

55 1 4
                                    

Leandro

Istorbo kasi tong si William eh, nakatulog tuloy ulit si Ashanti pagbalik ko. Sabi niya inaantok pa daw ulit siya kaya hinayaan ko na lang muna siyang matulog. Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan habang natutulog siya. Hinding hindi ako magsasawang tignan ang mukha ni Ashanti araw araw. She's too perfect for me.

I lean towards Ashanti's belly to hear my baby. "Anak, okay ka lang ba diyan sa tiyan ni Mommy ah?" Tanong ko sakaniya as if she will answer me. Nakuwento sa'kin ni William na babae 'yung magiging anak namin ni Ashanti. Nung pinakita nila 'yung picture ng ultrasound ni Ashanti eh hindi ko alam kung anong mararamdaman. Sobrang saya ko. Hindi ko makapaniwalang magiging tatay na ko!

Napalingon ako sa may pintuan nung may marinig akong ingay mula sa labas. It's William again. Wala pa ngang halos trenta minuto nung pumunta siya rito tapos eto na naman siya.. nambubulabog.

"What? Ano na naman?" Dismayadong tanong ko sakaniya pagbukas ko ng pintuan.

"Mom! Mom.. she's on her way here!" Natatarantang wika niya sa'kin. "What?!" Reaksyon ko pa sa sinabi niya. I look at Ashanti na mahimbing pa din na natutulog. Ayokong magulo siya at ma-stress dahil sa presence ni Mommy. Kakausapin ko din naman si Mommy eh at siguro ito na ang oras para kausapin ko siya at linawin ko ang lahat sakaniya.

"Okay. Let me handle this. I'll be talking to her anyway, samahan mo na lang muna sina Ashanti at Ann dito." Bilin ko kay William bago sila iwan para salubungin si Mommy.

Pababa pa lang ako mula second floor ay natanaw ko na sina mommy na papasok sa may main door. "Ma." I whispered nung makita ko siya pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa'kin.

"Why do you keep on disappointing me, Leandro!" Mariing wika niya sa'kin pagkatapos niya akong masampal na halos mamula na 'yung pisngi ko sa lakas nung sampal niya.

"Ma, isn't clear to you?"

"I don't want that engagement anymore." Mariin kong sagot sakaniya.

"Why because of that Ashanti? Akala mo ba hindi ko alam ang tungkol sakaniya?" Mariing tanong niya.

"You supposed to know, Ma. With or without Ashanti. Ayoko nang ituloy 'yung kasal kay Amelia. Ma. SHE CHEATED ON ME WITH MY BESTFRIEND! Why can't you understand my reason. Why can't you consider my feelings. Bakit ba ipinagpipilitan mo pa rin 'yung isang bagay na wala na at hindi na puwede pang maayos." Giit ko sakaniya, I was about to broke in tears.

"She said sorry to you. I know Amelia. She loves you anak. Bakit ba ang tigas ng puso mo para sakaniya?" Depensa naman ni Mommy kay Amelia. Napatawa na lang ako sa sinabi niya. "Sorry? Sorry isn't enough for all the pain she have caused me. I loved her so much Mom. You know that! Of all people alam mo yan. Pero anong ginawa niya? Ginago niya ako?! With my best friend? What? At hindi yo'n ang unang beses na niloko niya with other man. And yet you expect me to forgive her and go back to her?" Giit ko pang muli sakaniya pero parang wala siyang naririnig at mas pinipili niyang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan sa mga sinasabi ko.

"What do you want, Ma? Anong kailangan kong gawin para lang huwag mo na ituloy ang pesteng engagement na yan?" Mariin kong tanong sakaniya.

"Break up with that girl." Wika niya referring to Ashanti. "Ma, I can't and I won't." Dismayado kong wika sakaniya.

"Ano bang pinakain sa'yo ng babaing yo'n para magkaganiyan ka?" Mariin at dismayadong tanong ni Mommy.

"And what is the reason why you don't like her, what is the real reason behind that hatred Ma?" I cluelessly questioned her.

"Because she reminds me of her father, I am just protecting you, anak." Mas lalo akong nadismaya at nanlumo sa sagot ni Mommy. Hanggang ngayon she's still holding in the past, she's still leaving in her past. She still holding grudge for Ashanti's parents.

Fight For Love ✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon