Chapter Twelve

50 1 0
                                    

Ashanti

Mahigit isang taon na simula nung kinasal kami ni Leandro. We are still staying sa bahay malapit sa may dalampasigan, kung saan kami kinasal at kasama pa din namin sina William at Ann sa iisang bahay.

Sa ngayon, masaya naman kami sa kung anong buhay namin. Tahimik at malayo sa gulo pero syempre sinusubukan ko pa ring kumbinsihin si Leandro para kausapin at makipag-ayos sila ni William sa parents nila pero pareho silang tunatangging gawin yo'n. Magse-seven months na nga rin pala 'yung baby girl namin ni Leandro at nandito ako ngayon sa kuwarto namin para patulugin siya kasi kakakain niya lang. Napaka-iyakin nga niya eh, mana sa'kin. Hayst.

Naalala ko tuloy nung pinanganak ko si Arianna. Sobrang tuwa namin no'n ni Leandro pero hindi ko makakalimutan 'yung itsura ni Leandro sa operating room nung mailabas ko na si Arianna. He looked so surprised and amused at halos maiyak iyak siya no'n. Kuwento niya pa nga sa'kin na sobra raw 'yung kaba at sayang nararamdaman niya no'n dahil makikita niya na ang anghel namin.

Sabi niya pa awang awa daw siya sa'kin no'n kasi nakita niyang hirap na hirap akong umire at ilabas si Arianna ang laki laki ba naaman. Halos tumibang siya ng 9 pounds pero masasabi ko namang worth it lahat yo'n.

Nagulat naman ako sa lakas ng bukas ng pintuan at niluwa no'n sina Ann at William na nakangiti at mukhang masayang masaya. "Baby Ari!! Tito and tita is here!!" Sigaw pa ni William kaya sinamaan ko agad sila ng tingin. Kitang natutulog 'yung bata eh iistorbuhin na naman nila para laruin? Aba! Ano 'yung anak ko stuff toy? Tas kapag umiyak ibabalik na nila sa'kin? Aba, para silang nakakuha ng anak na returnable ah!

"Huwag niyo na istorbuhin kakatulog lang niyan eh!" Tapik ko sa kamay ni William nung nagtaka siyang kunin si Ari sa crib niya.

"Nasaan si Leandro?" Tanong ko sakaniya.

"Nasa kusina nagluluto. Puntahan mo na dali, kami na bahala kay Ari." Pagtataboy naman ni Ann sa'kin palabas.

"Huwag niyong gagalawin diyan si Ari ah!" Banta ko sakanilang dalawa pagkatapos ay lumabas na ko at pinuntahan ko si Leandro sa kusina.

"Whoa, ang bango naman ng niluluto mo!" Bungad ko sakaniya nung makarating ako sa ditry kitchen, nasa sala pa lang kasi ako langhap ko na 'yung amoy nung menudong niluluto niya eh.

"Hhmm, syempre para sa'yo 'to kasi paborito mo to eh di ba?" Baling naman sa'kin ni Leandro habang hinahalo niya 'yung ulam.

"Pa-kiss naman ako diyan, napapagod na ko dito oh, hindi ako tinutulungan nung dalawa." Paawa niya pa sabay nguso.

"Asus, grabe nga yang sina William walang ginawa kundi laruin si Ari." Sakay ko naman sa biro niya sabay halik sa pisngi niya.

"Kawawa tuloy 'yung asawa ko." Malungkot kong wika habang pinupunasan 'yung pawis niya. Nagbibiruan kaming dalawa nung biglang may narinig kaming nag-doorbell.

"Ako na." Baling ko naman kay Leandro at dali dali akong lumabas para tignan kung sino yo'n.

Pagbukas ko ng gate si Amelia ang bumungad sa'kin. This is not the first time that she came here. "What do you want again?" Mariin kong tanong sakaniya. Papasok sana siya pero pinigilan ko agad siya.

"How many times do I have to tell you that you are not welcome here." Tulak ko sakaniya palabas because she keeps on bothering us.

"Hindi ikaw ang gusto kong makausap kaya puwede ba? Huwag kang feeling diyan!" Singhal niya pa sa'kin.

"Bakit ba pinapipilitan mo 'yung sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo. Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko sakaniya.

"He left me because of you." Giit niya.

"Ikaw ang dahilan ng lahat." Mariin pa niya.

"No, he left you because you cheated on him, you cheater." Mariin kong tugon sakaniya. Bakit sa'kin niya binubuntong 'yung kasalanan niya?

"Teka nga, sino ba satin ang sunod ng sunod kay Leandro noon para lang mapansin niya?" Sagot pa niya na parang nang aasar.

"Hindi ba ikaw? Well, congrats! All your hard works has been paid off." Sarkastikong wika niya pa ulit.

"But you cannot erase the fact that you cheated on him, with who? Sa best friend niya lang naman. I am not a cheater like you." Tugon ko sakaniya. Sasampalin niya sana ako pero napigilan ko siya.

"Mang aagaw!" Wika niya.

"Desperadang manloloko." Wika ko pa sakaniya. Nais siya sa sinabi ko kaya hinila niya 'yung buhok ko hanggang sa magsabunutan na kami.

"Ashanti!!"

"Amelia!!" Rinig kong sigaw ni Leandro at saka niya ako hinila palayo kay Amelia at namagitan siya samin.

"Anong ginagawa mo na naman ba dito, Amelia." Mariing tanong ni Leandro kay Amelia.

"Bakit ba pilit mong pinagsisiksikan ang sarili mo?" Dagdag pa niya.

"I'm not here to fight, iyang asawa mo ang pag sabihan mo." Depensa niya pa.

"Aba, aba, teka lang ha! Umaayos ka ng pananalita mo ah, hindi mo teritoryo to!" Narinig kong sigaw ni Ann palabas ng bahay. Gusto niyang sugurin si Amelia pero pinigilan siya ni William.

"Isa ka pa. You witch!" Sigaw naman ni Amelia sakaniya. Gustong lumapit ni Ann pero hinila siya balik ni William.

"Enough! What do you want?" Mariing suway naman ni Leandro sakanila.

"Tita Isabel wants to see you Leandro and.. William." She said.

"Tell her that we are not interested." Pagmamatigas ni Leandro.

"She's in the hospital." Napahinto sina Leandro at William sa sinabi ni Amelia.

"She wants to talk to you." Dagdag niya.

"Leandro." I whispered. Nakita ko sa mga mata ni Leandro ang pagdadalawang isip at pagaalala.

Nag-walk out si Leandro kaya sinundan ko siya. "Leandro, you should see your mother." suhestiyon ko sakaniya.

"I know what she is going to tell me." Hindi pa man ulit ako nakakapagsalita eh tumugon na siya.

"To leave you. Please, huwag mo na ipilit." Wika pa niya. I can't blame him but he needs to see their mother.

"Ako na lang muna ang pupunta kay Mommy. I want to see her." Singit ni William samin and he left. I continue to argue with leandro but he is not listening.

I was about to follow leandro upstairs nung biglang may tumawag sa'kin nq hindi pamilyar na number.

"Hello, Ashanti! How are you? Looks like you are doing great." Parang tumayo yung mga balahibo ko sa narinig ko. I know that voice, it was familiar to me. Agad na naputol yung tawag kaya napalingon ako kay Leandro, bumaba ulit siya but this time para magpaalam.

"I'll go to the hospital." Wika nito bago umalis, hindi na ko nakasagot at naiwan akong nakatulala dahil pa rin sa narinig kong boses sa tawag kanina..

"He's alive?"
"Hindi kaya siya ang nagtatangka sa buhay ko noon?"

Fight For Love ✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon