Special Chapter: The Most Dangerous Woman

118 2 0
                                    

William



Napakatagal naman talaga ni Arianna magbihis, manang mana sa nanay. Napakamot na lang ako ng ulo habang hinihintay ko matapos mag ayos 'yung pamangkin ko. Ihahatid ko kasi siya sa school ngayon. Kinder pa lang pero ang bagal bagal na kumilos aba pinaghihintay 'yung gwapo niyang driver.

"May pinagmanahan rin talaga tong si Arianna." Reklamo ko kay Ashanti habang naghahanda siya ng lunch box na babaunin ni Arianna.

"Ah talaga ba, William?" Sarkastikong tanong nito sabay kuha sa chocolate na galing sa lunch box ni Arianna. Tss.. "damot ah." Reklamo kong muli nung hinablot ni Ashanti ang kakainin ko sanang chocolate.

"Mag-anak na kasi kayo ni Ann, para hindi na si Arianna ang kinukulit mo, Aba." Singal ni Ashanti. Napataas naman ang kilay ko sinabi ni Ashanti. "Who needs a child if I have Arianna already. May instant anak na'ko na returnable pa kapag naging makulit." Pagmamalaki ko pa sakaniya sabay buhat kay Arianna na todo ngiti pa nga sa sinabi ko.

"Mag-tito nga kayo." Rinig kong bulong ni Ashanti tapos sabay kaming napatawa. Panong hindi siya maiinis eh siyam
na buwan niyang dinala tapos kamukhang kamukha lang ni Leandro ang kinalabasan tapos maka-tito pa. Haist. Lakas ba naman ng dugo ng kapatid ko eh.

Sabi ko kay Ashanti eh ihahatid ko na si Arianna tapos ay ida-drop off ko na siya sa bago niyang work total ay ihahatid ko din naman si Ann do'n eh. Nakapasok kasi si Ashanti sa company kung saan nag work si Amn pero itong si Ann eh magre-resign na kasi babalik na kami ng ibang bansa.

Ngayong ayos na ang lahat kina Ashanti at Kuya pati na rin sa pamilya namin, siguro panahon na para bumalik kami ni Ann sa dati naming buhay. Sa buhay na nakasanayan na namin.  Kakatapos lang din ng kasal namin ni Ann at hindi lang kami magho-Honeymoon sa korea, we are planning to stay there for good.

Nung makarating ako pabalik sa bahay, nag-desisyon na'kong magsimula sa pagliligpit ng gamit namin ni Ann para maayos na lahat sa susunod na araw.

I get hungry so I go to the kitchen to eat something at do'n nakita ko si Leandro and he's busy cooking something. "You fine?" Salubong ko sakaniya kaya tumaas naman ang kilay niya sa tanong ko. "No one bothered to wake me up." Reklamo niya pa na parang bata.

"Oh God, you're sick kuya and Ashanti wants you to rest and here you are cooking food." Sermon ko sakaniya tapos kukuha sana ako ng pagkain pero hinawi niya ang kamay ko.

"I shouldn't cook pala ah, edi huwag kang kumain mamaya ah." Singhal niya sa'kin tapos sabay kuha sa niluto niyang sinigang na nakalagay sa lamesa.

"Pahigot lang sabaw ang damot." Bulong ko.

"Sabi ko, tama yan... dapat talaga gumalaw galaw ka para bumaba yang lagnat mo." Malambing kong wila sakaniya sabay kuha do'n sa hawak niyang mangkok na may sabaw.

Naalala ko tuloy nung sinabi ko nung isang araw sakaniya 'yung plano namin ni Ann na bumalik ng korea. He almost cried kasi mami-miss niya ako. Well, I'm gonna miss them too.

*** Flashback***

Para namang pinagsakluban ng langit at lupa 'yung mukha ni kuya nung sinabi ko na pupunta na kami ni Ann ng korea at hindi na kami babalik gano'n din si Ashanti at syempre si Arianna na medyo big girl na!

"Sus, puwede niyo naman kaming bisitahin do'n, wag kayong mag-alala!" Pagpapagaan ko sa loob ni Leandro na kaninang umaga pa ko hindi kinikibo. Kanina ko lang din kasi sinabi sa kanila 'yung desisyon namin ni Ann at sa susunod na nga pala 'yung flight namin pa korea.

To be honest, when I heard what what's happening to Leandro before hindi ako nagdalawang isip at umuwi agad ng pinas kahit marami rin akong naiwang kaibigan at trabaho sa korea. Hindi ko matiis na hindi tulungan si Leandro.

Fight For Love ✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon