YJ's point of view"Mga baliw talaga kayo," Singhal ko sa mga ito pagkauwi namin. "Hindi niyo sinabing may inuman palang magaganap. Tapos ang paalam niyo pa kila mommy ay boddle fight lang."
"Don't worry insan, hindi naman malalaman nila tita, right Angel?" Nag taas ng kilay si Joy.
Ngumisi si Joy sa akin. I doubt. Umiling ako.
"Kami na bahala, insan kapag nagkahulian." Si Jose.
Bumuntong hininga ako at wala nang nagawa. Tutal ay andito naman na 'yan ay wala na akong magagawa.
"I'll just take a nap. Kayo nang bahala sa mga pinamili natin." Sabi ko at sinulyapan si Recii na nakatingin sa akin.
Naghiyawan ang mga pinsan ko at kanya kanya na sila sa trabaho sa mga pinamili. Ang mga boys sa pagluluto at ang mga girls naman sa preparation.
"Are you okay with it, YJ?" Lumapit sa akin si Recii. Pwede ko silang kausapin na sa bahay nalang nila Carix tayo kung hindi ka komportable."
Umiling ako. "Nope. It's okay, nabigla lang ako."
Tumango siya. "Okay...
"Tutulog muna ako, gisingin niyo nalang ako kung okay na lahat."
"Sige."
Dumeretsyo na ako sa kwarto ko at nahiga agad sa kama. I'm so tired! Dahil siguro wala pa akong pahinga mula kanina pagdating ko galing school at nagyaya pa ang mga pinsan kong bumili. Kaya ang gagawin ko ngayon ay matulog bago ako tawagin ng mga pinsan ko ulit.
Naisip kong maligo muna bago matulog kaya iyon ang ginawa ko. Pagkatapos kong mag shower ay nagulat nalang ako ng makita ko si Recii sa kama at nakatingin sa akin.
"Oh? Recii bat andito ka?"
"Bawal na ba akong pumunta dito?" Nag taas siya ng kilay.
Ngumiwi ako. "I mean, bat nandito ka, e, may ginagawa pa kayo sa labas?"
"Kaya naman na nila 'yon, hindi na ako kailangan.
"E, matutulog ako. Alangang bantayan mo'ko."
"Why not?" Ngumisi siya.
Ngumiwi ako. "You're creeping me out."
"Tss..." Tumayo siya at walang sabi sabing lumabas siya ng kwarto ko at isara ang pinto.
Nagkamot ako ng noo. Anong nangyari doon? High blood nanaman?
Humiga na ako sa kama at nag scroll scroll muna sa facebook para makuha ang antok ko. Bawat scroll ko ay ang post ng mga pinsan ko ang lumalabas. Nag react ako sa lahat ng iyon. Maging ang latest post ni Angel kung saan pinost niya na nag iihaw sila sa labas ng bahay kasama ang mga pinsan ko. At ang huli ay ang post ni Mica ang nakita ko na may caption na. 'everything was just a fake'
Halos limang minuto ko sigurong tinitigan iyon at iniisip na baka si Recii ang pinariringan nito sa face book. Meron pa nga'ng mga kaibigan niyang nag cocomment pero maski isa sa mga ito ay hindi niya nereplayan.
Biglang tumunog ang messenger ko at lumabas doon ang pangalan ni Chelle. Lumaki ang mata ko dahil hindi naman siya nag fi-first move ngayon lang.
"Hi! :)"
Napangiti ako sa emoji niya
"Hello! How are you?"
"I'm fine! Balita ko meron boddle fight sa inyo sinabi ng pinsan mo."
"Sinong pinsan?"

BINABASA MO ANG
Cake To be With You (bl novel)
Teen FictionTahimik, Payapa, at Kontento ang buhay ni YJ. Tahimik dahil wala na siyang mahihiling pa. Payapa dahil kahit makulit at maingay ang mga pinsan niya ay mababait at sobrang close naman sila sa isat isa. At higit sa lahat kontento dahil kahit hindi pa...