YJ's point of viewNag decide ang mga girls na sa sala na muna kami. Nandito kami ngayon sa bahay na na-occupy nila. Kanya kanyang trip ang ginagawa namin ngayon.
Naglalaro ng pusoy dos sila Angel, Levi, Fernand at Carix. Panay tawanan ang mga ito dahil sa umpisa ng laro ay palaging si Carix ang natatalo.
"You suck!" Natatawang ani Levi.
Umirap si Carix sa mga ito. "Makakabawi din ako."
Sila Joy at Sheryl ay nasa kwarto at mukhang malalang chismis nanaman ang pinag uusapan dahil kahit anong tawag ni Jacob ay hindi bumababa ang mga ito. Sila Diony, Jethro, Joshua at Jose naman ay nag uusap habang nanunuod ng NBA. Sumisigaw pa nga ang mga ito kapag nakaka shoot ang paboritong team.
"Pangit nong team niyo, Josh!" Ani Jose sa iritadong mukha ni Joshua.
"Mas pangit ang team niyo, kuya." Umirap si Joshua.
Tumayo ako at lumabas. Hindi naman gaanong malayo ang place namin kaya agad akong nakapasok sa bahay na na-occupy namin ng mga boys. Nagulat nga lang ako ng nakitang nakahiga si Recii sa kama namin ni Jethro.
"Bakit andito ka?" Tanong ko dahil akala ko kanina ay nandoon siya kasama namin kanina.
"I'm not in the mood..." Tangi niyang sinabi ng hindi nakatingin sa akin. Umupo siya sa kama at kinagat kagat ang kanyang labi.
Lumunok ako at biglang natahimik. Naging awkward tuloy at hindi ko alam kung bakit.
"Ikaw bakit andito ka?" Nagtaas siya ng kilay at sumulyap sa akin.
"May kukunin lang..."
Tumango siya.
Now, anong kukunin ko? Nakalimutan ko. Or may kukunin nga ba ako?
"Bakit mo ako iniiwasan?"
Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Recii at sa seryoso niyang mukha. Napakurapkurap ako.
"Pansin kong iniiwasan mo ako." Tumayo siya at lumapit.
Napaatras ako ng ilang hakbang. Nakita kong nag igting ang bagang niya.
"H-Hindi kita iniiwasan."
Malamig man dito ay ramdam ko ang pagbuo ng mga butil ng pawis sa noo ko.
"Kanina pa." Aniya. "Is it because sa mga actions ko lately?" Nandilim ang paningin niya sa akin.
Napalunok ako at humugot ng lakas ng loob. Trip nanaman ba itong ginagawa niya ngayon? I really hate trippers!
"Kasi nantitrip ka." Sabi ko.
"Uh...uh..." Nagtaas siya ng kilay.
Lumunok ako at nag angat ng titig sa kanya. Kailan pa naging intimidating ang pinsan kong ito? Pero kahit na intimidating itong tignan ay nilabanan ko pa din ang nananantsya niyang titig.
"And?" Aniya.
"Iyon lang. Ayoko nang pinag ti-tripan ako."
Ngumiti siya at lumayo ng kaunti. Bahagya pa akong nagulat sa ginawa niyang paglayo. Tss...
"I'm sorry."
Tumango ako. "I'm sorry din." Nag iwas ako ng tingin. "Lately naging rude ako sayo" Sabi ko at hindi na siya pinatapos sa mga sasabihin pa.
"Huli!"
Napatalon kami ni Recii ng lingunin namin si Carix na malapad ang ngisi sa amin.
"Anong ginagawa niyo diyan?" Nanlakaki ang mga mata niyang sabi. "Kanina pa namin kayo hanap."
![](https://img.wattpad.com/cover/336724896-288-k657749.jpg)
BINABASA MO ANG
Cake To be With You (bl novel)
Teen FictionTahimik, Payapa, at Kontento ang buhay ni YJ. Tahimik dahil wala na siyang mahihiling pa. Payapa dahil kahit makulit at maingay ang mga pinsan niya ay mababait at sobrang close naman sila sa isat isa. At higit sa lahat kontento dahil kahit hindi pa...