1

3 0 0
                                    


YJ's point of view

"Nakakainis bakit 25 lang nakuha ko?" Iritadong tinignan ni Gener ang test paper niya matapos naming mag check sa isang major subject namin. Sumulyap siya sa akin. "Ilan nakuha mo? Alangan naman mataas ka, e, magkaibigan tayo."

"Loko. Hindi purkit magkaibigan tayo, e pareho na tayo ng score." Ngumiwi ako.

"Ilan ka nga?"

"44"

Namilog ang mata niya at hinablot ang test paper ko.

"Ang daya!" Aniya.

Ngumisi ako, "Mag review kasi hindi puro bebetime."

Pinandilatan niya ako. "Tsk, inggit ka lang."

Tumawa ako.

"E, ikaw nga hanggang ngayon hindi mo pa nililigawan si Chelle, e."

Ngumisi lamang ako. Mahigit dalawang taon na kasi kaming magkaibigan ni Chelle. Same course, same university, same year at same feelings. Yes, gusto ko siya pero wala pa talaga sa isip ko ang mag girlfriend ngayon. Masaya naman ako na magkaibigan lang kami ngayon, at ganoon din naman siya sa akin. Ang mahalaga sa sa amin ngayon ay may usapan kami na kapag nakapagtapos na kami ay tyaka lang kami papasok sa relationship.

"Hindi kasi namin minamadali iyong amin." I said with a confident voice. Dahil totoo naman. "Kayo nga, 6 months palang mag girlfriend at boyfriend na kayo."

"Kasi nga hindi pinapatagal ang pagliligawan. Ang pinapatagal ay yong kapag mag on na kayo." Depensa niya.

I shrugged. "Okay. Sabi mo, e. Kwento mo 'yan kaya ikaw ang bida." Sarkastiko kong sabi at inabala nalang ang sarili sa pag aayos ng gamit. Last subject na kasi namin at iilan nalang kaming natitira sa loob ng room.

"Ewan ko sayo, YJ." Ani Gener at pinanuod niya akong nag aayos. "Uuwi kanaba?"

Sumulyap ako sakanya bago ilagay ang huling gamit ko sa bag. "Oo. Inaantok na ako, e. Napuyat ako kagabi.

"Sayang naman. Gala sana tayo."

"Next time..." Sabi ko at isinukbit ang bag sa balikat. "Ingat ka pauwi."
Tyaka naglakad na ako palabas ng room at dumeretsyo sa motor ko.

Pagkarating ko palang sa labas ng bahay ay narinig ko na agad ang ingay galing sa loob. Dali dali akong bumaba sa motor ko at pumasok ng bahay. Nadatnan ko ang mga pinsan kong nakatambay.

Nalaglag ang panga ko matapos kong makita ang ayos nila. Si Diony at Fernand ay naglalaro ng Xbox sa sala habang pinapanuod sila ni Joshua na tumatawa dahil para silang ewan. Si Jethro, Carix at Jose ay nasa kusina at pinapapak ang cake na tinira ko pa noong isang araw para kainin mamayang gabi. Habang sila Jacob at Leviticus naman ay nagkukwentuhan nanaman sa mga babaeng naging ex nila noon. I wonder kung nasaan ang mga pinsan kong babae?

"Ang galing!" Nakapamaywang ko silang tinignan. "Bakit andito kayo sa bahay?"

Halos sabay sabay silang tumingin sa'kin na parang tanga na nagtataka kong bakit ako nandito. Natural bahay ko'to!

"Anong meron at nandito kayo?" Ulit ko.

Tumayo si Leviticus at lumapit sa akin. "Late ka na naman, Insan. May boodle fight tayo lahat mamaya kaya andito kami."

Kumunot ang noo ko. "Anong connect?"

Inilapag ko ang bag sa upuan at lumapit sa ref para kumuha ng tubig sa pitchel.

"What the hell?" Si Carix na namimilog ang mata. "Totoo ba 'yan? Bat hindi ko alam?"

Napatingin ako sa mga ito. Naiinis tuloy ako habang tinitignan silang kinakain yong cake na naka reserve para mamaya.

Cake To be With You (bl novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon