5

5 0 0
                                        


YJ's point of view

"Handa naba ang lahat?" Tanong sa amin ni Sheryl at binilang kaming magpipinsan.

Nakita kong inaayos na ng mag kapatid na Diony at Fernand ang gamit nila sa likod ng sasakyan. Maging sila Jose, Joy at Carix ay ganoon din ginawa.

Dalawang sasakyan ang gamit dahil hindi daw pwede ang Hyundai nila Tita Liezel. Kaya dalawang kotse nila Leviticus ang gamit.

"Wala na kayong naiwan?" Si Jacob.

Sumulyap ako kay Joshua. "May naiwan kapa ba?"

Umiling siya. "Nothing, kuya." Excited niyang sinabi.

"Mabuti nalang at pinayagan ka Josh?" Si Jethro.

"Magaling mag paalam si Kuya Recii, e." Ani Josh.

Sumulyap ako kay Recii ngunit binaling din sa iba ang paningin. What the- bat ba laging tingin nang tingin ang mokong na 'to!

"Yong mga pagkain?" Nagtaas ng kilay si Joy.

"Okay na. Nasa loob na ng kotse." Ani Jose.

"Alright! Si Leviticus ang mag da-drive ng isa si Kuya Jose naman sa isa." Ani Carix.

Tumango kami sa sinabi niya at pumasok na sa loob.

"YJ, sa amin ka!" Si Angel. "Ako, Jethro, Leviticus, Recii and Joshua ang magkakasama."

Pumasok na ako sa loob hindi nga lang natuloy dahil hinila ako ni Recii.

"What?" Taka kong tanong at nasulyapan ang iba na pumapasok na sa kanya kanya nilang upuan.

"Katabi kita." Ani Recii.

Bumuntong hininga ako. "Can you please stay away from me? Lagi mo nalang akong pinag ti-tripan, e."

"Hindi kita pinag ti-tripan-"

I cut him off "Hindi ko alam kung ano ang trip mo sa buhay but don't involve me...""

"What are you two doing?" Sumigaw si Joy. "Let's go! Nauna na sila kuya Jose!"

Kinalas ko ang kamay niya sa braso ko at nauna ng sumakay. Lumingon si Leviticus sa akin. Katabi niya si Jethro.

"Anong pinag uusapan niyo bat parang busangot iyang mukha mo?" Tanong niya.

"Levi, drive. Baka mawala tayo." Si Angel na katabi si Joshua.

Damn! Ibig sabihin katabi ko si Recii dito sa likod?!

Umuling ako kay Levi at tumahimik nalang. Pagkapasok ni Recii ay tumabi siya sa akin. Inusog kong maigi ang sarili ko sa bintana.

"I'm so excited!" Tumili si Angel.

"Can you please keep quiet? Ang ingay mo." Reklamo ni Jethro sa harap.

Sinulyapan siya ni Angel. "Nasa harap kana nga, e! Magiging boring ang byahe natin kapag walang maingay!"

Nakita kong nagsuot ng earphones si Jethroat binalewala ang sinabi ni Angel.

"Oh, Joshua, may dala kang pagkain?"

"Yes, ate. You want some?" Aniya.

"No thanks! I'm on a diet!" Humagikgik si Angel dito.

Sa kahabaan ng byahe ay si Angel lang ang nag iingay minsan naman ay sinasamahan siya ni Josh kapag tinatanong niya ito ng nakakatawang bagay at sabay silang tatawa.

Si Levi naman ay busy sa pag da-drive at halos hindi niya makausap si Jethro na naka earphones.

"Galit ka?" Narinig kong bulong ni Recii.

Cake To be With You (bl novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon