0

7 0 0
                                        


Yj's point of view

"Dali na po, kuya YJ! Sama kana!"

Pasiring akong naglakad palapit sa kusina at lumayo sa pinsan kong si Joshua. Kumuha ako ng isang basong tubig sa pitchel at ininom iyon tyaka ko sinulyapan ulit ang pinsan ko.

"Eto naman si Kuya, e!" Kakamot kamot na nandabog ito tyaka niya ako sinamaan ng tingin.

"Hindi mo'ko makukuha sa paganyan ganyan mo, Joshua. Kung gusto mo mag isa kang manuod." Ani ko.

Kanina niya pa kasi ako inaaya na manuod ng liga sa court. At ang court namin ay medyo may kalayuan kapag nilakad mo. Sa madaling salita inaaya ako nitong pinsan kong manuod para magamit niya ang motor ng pamilya niya. Hindi kasi ito pinapayagan mag motor sa tuwing mag isa lang ito, kelangan may kasama palagi.

"Hindi nga ako papayagan, e!'" Aniya at tila naiinis na dahil halos isang oras niya na akong kinukulit sumama.

"Sino bang panunuorin natin doon?" Tanong ko tyaka ko sinulyapan si Tag-tag sa likuran ni Joshua na hindi makaalis-alis dahil hinihintay ito.

"Diba may laro sila kuya Recii? E'di sila ang panunuorin ko!"

Halos matawa ako sa narinig. Tama nga naman na may laro sila Recii. Pero kasi bangko ang isang 'yon, hindi ko nga nakitang pinaglaro siya ng coach nila maski isang beses. Tsk!

Si Recii ay tinuturing na naming pinsan. Labing isang taon na din kaming magkakilala. Ampon siya ng tita at tito ko. Kinupkop siya noong sampong taon lamang ito sa isang foundation. Hindi ako madalas nagtatanong dito ng kung ano anong bagay tulad ng nasaan ang magulang nito at bakit siya napadpad sa foundation, at ganun din naman siya, parang wala siyang pakialam ikwento ang buhay niya noong nasa foundation pa siya.

Akala talaga naming lahat ay pinsan namin siyang tunay noong una siyang dinala nila tita sa bahay para makilala siya. Syempre, awkward dati pero kalaunan ay natuto din naming tawagin siyang pinsan kahit sabi naman nila tita at tito ay okay lang kahit hindi namin tawaging pinsan si Recii dahil hindi naman talaga namin siya pinsan at tanggap ni Recii iyon.

"Halikana kasi kuya! Wala ka talagang support pagdating kay kuya Recii! Parang hindi mo siya pinsan, ah!"

Abah! Nangonsenya pa!

"Kung gusto mo kayong dalawa ni Tag-tag ang pumunta. Pagod ako galing school." Sabi ko at tumalikod at aakyat na ng kwarto.

"Sige na kasi, kuya YJ! Andoon naman si Ate Chelle. Ayaw mo ba siyang makita?"

Automatiko akong napapihit. "Ano ka'mo?"

Napangisi ito. "Andoon si Ate Chelle. Kasama niya yong mga kaibigan niya."

"At paano mo naman nalaman?" Tanong ko dahil duda ako. Malay kong baka inuuto lang ako nito.

"Kachat ko yong kapatid niya." Mayabang pang sabi nito. Napakunot nga ang noo ni Tag-tag na nasa tabi niya.

Nagtaas ako ng kilay sa narinig.  "Close kayo ng kapatid niya?"

"Aish! H'wag nang maraming tanong, kuya! Bilisan na natin! Nag promise pa naman ako kay kuya Recii na manunuod tayong dalawa."

"Dinamay mo pa talaga ako sa promise mo sa kanya, ah?" Naaasar kong sabi. "Sige. Maghintay kayo diyan. Magpapalit lang ako ng damit."

Tumalikod na ako at umakyat sa kwarto. Narinig ko pa ang malakas na "yes" ni Joshua pagkasara ko ng pinto.

Sa katunayan nya'n, hindi ako pupunta para manuod ng game. Pupunta ako para makita si Chelle. Napangiti ako sa naisip.

Binilisan ko nang magbihis tyaka bumaba. Nagsuot lang ako ng itim na sando at jersey at kumuha din ako ng jacket dahil mainit sa labas. Naabutan kong umiinom ng juice yong dalawa at nong nakita nila akong bumaba ay sabay silang tumayo at lumapit na sa akin.

Cake To be With You (bl novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon