3

2 0 0
                                    

YJ's point of view

"I don't think tama yang technique mo, Levi," Nakangusong ani Angel habang pinagmamasdan si Leviticus na binubuo yong rubics na hinaram niya kay Diony.

Nandito kami ngayon sa sala nila Recii at kumakain. Hindi kami kompletong magpipinsan dahil may duty si Diony sa hospital at si Sheryl at Jose naman ay busy din dahil graduating ang mga ito.

"Hindi kasi ganyan!" Iritadong kinuha ni Angel ang rubics kay Levi at siya na ang kumalikot doon.

Umismid si Levi dito. "Papansin naman 'to! Nag pa-practice nga, e."

Tumawa si Angel. "Katamad mo kasing tignan, e.

Kumuha ako ng nova na nasa harapan at sinubo iyon. I saw Fernand smiling while texting. Binato siya ng throw pillow ni Carix.

"Fucking shit!" Sinamaan siya ng tingin ni Fernand  at pinulot din ang throw pillow at binato din dito.

"Bawal kasi mag cellphone. Mag uusap usap tayo dito."

"Mind your own business, Carix." Anito at bumalik ulit sa cellphone.

"Kapag ako talaga naging boyfriend n'on. Hay, naku..."

Kumunot ang noo ko at bumaling kila Jethro at Jacob na nag uusap.

"Oo nga, sayang." Sabi naman ni Jacob at sumulyap sa akin. "Si Recii?"

I shrugged. "Ewan, pumunta sa kwarto niya, e."

"So ngayon ang boyfriend niya iyong maraming tigyawat sa mukha? Bat pumatol?" Si Jethro na hindi ko alam kung nandidiri dahil ngumingiwi.

"Iyon ang tsismis..."

"Bakit kayo ganyan?" Bigla bigla ay sumabat si Joy na busy sa laptop niya. "Purkit pangit yong lalaki dapat ba Hindi na bi-no-boyfriend?" Nagtaas siya ng kilay sa dalawa.

"Ikaw ang nagsabi nya'n," Si Jethro. "Ang sabi ko maraming tigyawat hindi pangit."

"Whatever..." She rolled her eyes at dumako ulit sa laptop niya.

"Anong nangyari doon?" Takang sumulyap si Angel sakanila. "Tapos na!" Aniya at binato ang rubics kay Levi na agad din niyang nasambot.

"Galing, ah! Last mo na 'yan!" Ani Levi.

"Nasaan ba si Recii at kanina pa wala!" Si Carix na dumako ang paningin sa akin ngunit agad ding ibinaling sa taas ng kwarto ni Recii.

"Andito ako." Ani Recii na sumulpot sa likuran ko. "What's up?" Umupo siya sa tabi ko at binalingan ako.

"Saan ka galing nakita kong pumasok ka sa kwarto mo kanina, ah?" Tanong ko.

"My invisible power ako." Ngumisi siya.

"Si Jose talaga ang maraming babae!" Ani Jethro sa pinsan naming wala dito.

"Etong si Recii ang maraming babae!" Ani Carix at tinuro si Recii sa tabi ko. "Kahapon lang nakita ko siyang may kasamang criminology din, e!" Classmate mo 'yon, no?

"Shut up..." Ani Recii. "Classmate ko lang 'yon." Ngisi niya.

"Classmate pero kung makangisi akala mo kung naka-score na!"

"Tumigil ka nga, Carix! Para kang ewan, tsk!" Tumingin sa akin si Recii at umiling.

Kumunot ang noo ko at dumukot nalang ng chips sa gitna.

Dumaan ang mga araw at halos mamatay na ako sa dami ng mga exam at quizzes namin. Mabuti nalang at natapos na din at wala naman akong bagsak.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagpapahinga, kagagaling ko lang sa klase at parang gusto ko nalang matulog magdamag.

Cake To be With You (bl novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon