YJ's point of viewHindi ko lubos maisip na magiging ganon ka vocal si Recii sa damdamin niya para sa akin. Akala ko nga ay lalayuan niya ako dahil sa ginawa niyang pag amin pero halos katiting na awkward ay wala akong maramdaman sa kanya, ako pa nga itong awkward at kinakabahan tuwing lalapit siya sa akin.
Kinakabahan din ako. Kapag nalaman ng mga pinsan namin ang nangyayari sa aming dalawa. Kahit wala naman something sa amin ni Recii ay hindi ko parin maiwasang mag isip kung ano ang sasabihin nila. Hanggat maari nga ay gusto kong ako nalang ang umiwas kay Recii, ngunit paano ko gagawin iyon kung oras oras ay mag kasama kami.
Tatlong araw na din simula ng mag kasakit ako, humingi naman ako ng thank you sa pag aalaga niya sa akin ngunit hanggang doon nalang iyon, hindi na kami nag usap ulit. Oo, nilalapitan niya ako tuwing may labas kaming mag pipinsan pero lumalayo ako. Hindi ko alam kung napapansin niya pero wala na akong pakialam.
Ngumuso ako at pinaglaruan ang ballpen sa na hawak ko. Nabuburyo na ako habang titig na titig sa instructor namin na nagdidiscuss sa harap.
"Psstt..." Kinalabit ako ni Gener sa tabi ko.
Nilingon ko siya. "What?"
"Labas tayo mamaya treat ko." Ngumisi siya at tinaas taas pa ang magkabilang kilay.
"Marami akong gagawin." Bumulong ako habang nakatingin sa harap dahil baka mahuli kami ng instructor na nagbubulong bulungan.
"Lagi naman!" Narinig ko ang mahina niyang singhal.
Hindi na ako nag salita hanggang sa matapos ang klase ng hapon na iyon. Nag aayos ako ng gamit ng kalabitin ulit ako ni Gener. Nag taas ako ng kilay sa kanya.
"Labas tayo?"
Akala ko pa naman ay nakalimutan niya na ito dahil hindi niya na ako kinulit pero hindi pa pala.
"May gagawin nga ako."
"Sige na. Treat ko." Nag puppy eyes pa akong mokong.
"Next time..." Sabi ko at sinukbit ang bag sa balikat.
Nag paalam din ang iba naming kaibigan na classmates din namin. Isa isa akong naki high five sa kanila bago ko ulit nilingon si Gener.
"Why are you inviting me, anyway? May kailangan ka, noh?" Nag taas ako ng kilay dahil nanlilibre lang naman ito kapag may kailangan.
"Wala." Utas niya.
"Sus..." Panunuya ko.
"Oo na." Bigla siyang sumigaw. " May Tatanungin lang sana ako about sa pinsan mo."
"Pinsan ko? Sino?"
"Parang hindi mo naman kilala. Si Angel."
Dahan dahan akong tumango. Oo nga pala, may gusto ang kumag sa pinsan ko. Nakita ko siyang pinamulaan ng mukha.
"Okay. Basta libre, ah?"
"Tsk..." Bumulong bulong siya. "Ano pa nga ba?"
Ngumisi ako at sabay na kaming lumabas ng room. Habang naglalakad ay panay ang tanong niya kung ano ang paboritong kulay ni Angel, ano ang paboritong pagkain at marami pa! Sa ilang saglit naming nilakad ang hallway at sa parking lot ng campus ay wala akong narinig kundi ang pangalan ng pinsan ko.
Halos batukan ko na nga siya kung hindi ko lang iniisip na ganito din ako dati kay Rochel. Na maya't maya ay nagtatanong.
"Kunin mo na ang motor mo at kukunin ko ang motor ko." Sabi niya habang naglalakad na kung saan niya pinark ang motor niya.
BINABASA MO ANG
Cake To be With You (bl novel)
Genç KurguTahimik, Payapa, at Kontento ang buhay ni YJ. Tahimik dahil wala na siyang mahihiling pa. Payapa dahil kahit makulit at maingay ang mga pinsan niya ay mababait at sobrang close naman sila sa isat isa. At higit sa lahat kontento dahil kahit hindi pa...