4

2 0 0
                                        


YJ's point of view

"It settled then?" Ani Sheryl.

Andito kami ngayon sa Chongs To Go. Kagagaling lang namin halos lahat sa klase at napag desisyunan naming dumeretsyo dito dahil nagugutom na daw ang iba kong pinsan. Hindi na sana ako sasama ngunit baka sabihan nanaman ako ni Diony na kj.

"So, ilang sasakyan ang gagamitin?" Tanong ni Leviticus na katatapos lang ngumuya ng chicken.

"Two? Or isa lang?" Si Jethro na sumulyap sa akin.

"Kahit isa lang. Hyundai nila Joshua ang gamitin." Sabi ko.

"Kung papayag sila Tita Liezel." Ani Jacob

"Papayag iyon," Ani Carix na malawak ang ngiti. Feeling ko tuloy ay matagal niya nang plano ito.

"Sige. Ako na magpapaalam, mas maigi nang girls ang magpaalam, kasi kapag boys baka isipin ni tita na kabalastugan lang ang gagawin niyo." Si Joy na busy sa fries niyang sinasawsaw sa sauce.

"Mas maigi nga iyon." Tumango tango si Angel.

"Okay sa pagkain naman?" Nagtaas ng kilay si Fernand.

"Ambagan, kuya?" Suggestion ni Diony.

"Ano poor?" Ani Jose. "Ako na bahala sa pagkain. Magpapa grocery nalang ako kay Manang Selma."

Walang tumutol doon. Mag sa- suggest sana ako ng mga laro ngunit tinikom ko nalang ang labi ko ng masulyapan ko si Recii na mariin ang titig sa akin. Tapos na itong kumain at nakahalukipkip.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Nakita ko ang lumitaw niyang ngisi, hindi ako nilulubayan ng titig. Ako nalang ang nag iwas ng tingin.

"Dinig ko na dalawa daw ang bahay na pwedeng gamitin. Isa sa boys at girls?" Ani Jacob.

"Kahit isa nalang." Si Sheryl. "Up and down naman iyon, e. Boys sa baba at girls sa taas."

"Gusto naming tabi si Carix sa taas!" Tumawa si Joy.

"What, ate? No! No!" Matinding iling ang ginanti ni Carix sa mga ito.

"Gusto namin ng may mapagtitripan naman doon!" Ani Angel.

Tumawa kaming lahat sa sinabi niya. Umiling nalang si Carix sa mga ito.

"Edi magdala tayo ng mga kaibigan." Sabi ko nang hindi na nakatiis. "Say... dalhin ko si-"

Pinutol agad ako ni Recci. "No outsiders allowed."

Ngumiwi ako at sinulyapan siya ulit. Nakangisi parin ito na may kasamang nakakalokong titig. What is he up to?

"Dapat tayong magpipinsan lang. Walang outsiders."

Inakbayan siya ni Leviticus na katabi niya.

"Wow! Himala? Na acknowledged mo na kami bilang pinsan mo?"

Ngumiti lamang siya dito.

"So bawal magdala ng mga kaibigan at boyfriend or girlfriend?" Ani Sheryl.

"Sayang! Gusto ko pa namang dalhin si Rocel!" Ani Joy na ang tinutukoy ay ang boyfriend niya.

"Pati si YJ, gustong isama si Chelle kaya panay ang suggest!" Tumawa si Fernand sa akin.

Umismid nalang ako at uminom ng tubig. Kita ko parin sa gilid ng mata ko ang titig ni Recii sa akin. Hindi na ito nag salita at nakikinig nalang sa mga gustong mangyari ng mga pinsan namin.

Natapos kami sa Chongs To Go na handa na ang lahat. Sa sabado kami aalis, next week pa iyon at martes ng umaga ang balik dahil sa wednesday ay may pasok na ulit. At sila Sheryl at Jose ay kailangan na ulit bumalik sa kanya kanyang duty.

Cake To be With You (bl novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon