YJ's point of view
Ala sais palang ng umaga ay nakahanda na kami sa pag uwi. Puyat na puyat pa ako at medyo hindi maganda ang pakiramdam ko dahil wala akong tulog. Masakit din ang katawan ko at sinisipon. Niyakap ko ang sarili at tinignan ang mga pinsan kong humihikab habang papasok sa mga sasakyan.
"Puyat na puyat ako." Hikab ni Jethro sa tabi ko.
Pumasok na ako sa kotse at umayos. Narinig ko ang mga pinsan kong kumaway at nagpaalam sa caretaker ng bahay.
"Ready na ba ang lahat?" Ani Leviticus na antok pa ata.
"Kuya dahan dahan ka lang, ah." Sabi ni Jethro sa kapatid.
Ngumisi si Levi. "Takot ka yatang mabungalan."
"Sira! Magagalit sila mommy kapag dumating tayong may mga gasgas."
Bigla akong kinabahan doon kaya matalim kong tinitigan si Levi. Tumahimik nga lang ako nang tumabi na si Recii sa akin. Umusog ako lalo sa bintana at sinulyapan ang bahay na magiging tahimik na dahil uuwi na kami.
Pumasok na din sila Angel at Joshua. Ganoon din ang ginawa ng iba kong pinsan na nakasakay sa kabilang kotse.
"Let's go home." Ani Levi at pinaandar na ang sasakyan para makaalis.
"Mamimiss ko dito." Ani Angel habang kumukuha ng picture sa mga nadadaanan namin.
"Puyat na puyat ako..." Ani Joshua na humihikab. "Gisingin niyo nalang ako kapag nasa bahay na."
Nakita kong humiga siya sa hita ni Angel at pinagpahinga doon ang sarili. I guess matutulog din ako?
Pinikit ko ang mga mata ko at hindi namalayang nakatulog. Nagising nga lang ako dahil sa boses ni Levi na may kausap sa cellphone.
"Asan na tayo?" Tanong ko at doon ko lang namalayang nakasandal pala ako sa balikat ni Recii.
Agad akong lumayo dito at kinagat ang aking labi.
"Sorry." Sabi ko kay Recii na nakangusong nakatingin sa akin. "Hindi ko namalayang napasandal pala ako..."
"It's okay. Nakatulog kaba?" He asked.
Tumango ako. "Yup."
"Stop muna tayo sa Jollibee at kakain." Narinig kong sabi ni Levi sa cellphone. "Okay..." At binaba niya ang cellphone.
"Sakto gutom na ako." Ani Angel.
Napansin kong tulog parin si Joshua. Niyugyog nga lang ni Angel para magising dahil kakain muna kami bago bumyahe ulit.
Dahil na din siguro sa gutom ay agad na kaming bumaba pagkatapos i-park ang mga sasakyan. Kanya kanyang order ang ginawa namin. Halos tahimik lang kami at walang nag sasalita dahil siguro sa pagod at puyat.
Ilang sandali pa ay dumating na ang mga order namin. Humihikab pa si Carix habang sumusubo. Habang si Angel, Sheryl at Joy ay abala na agad sa mga cellphone nila. May signal na siguro.
"Hindi ako na refresh." Ani Jose. "Akala ko after ng outing ay gaganda ang mood ko pero hindi pala." Umiling siya.
"Paano ba naman kasi, imbis na tulog ang gawin natin sa last day ay inatupag natin ang inom." Si Sheryl na binaba na ang cellphone niya para kumain.
Tahimik lamang ako habang kumakain. Iniisip ko na agad na matulog kapag nakauwi.
"Pasok ulit bukas." Nanlulumong ani Jacob.
Pagkatapos ulit kumain ay kanya kanya ulit balik sa sasakyan. Natulog lamang ako at sinugurado ko talagang sa bintana ako nakasandal at hindi kay Recii.
BINABASA MO ANG
Cake To be With You (bl novel)
Teen FictionTahimik, Payapa, at Kontento ang buhay ni YJ. Tahimik dahil wala na siyang mahihiling pa. Payapa dahil kahit makulit at maingay ang mga pinsan niya ay mababait at sobrang close naman sila sa isat isa. At higit sa lahat kontento dahil kahit hindi pa...