7

3 0 0
                                    


YJ's point of view

Agad nag hiyawan ang mga girls matapos itulak ni Jacob si Carix sa pool. Humagalpak kami sa tawa nang makitang ginaw na ginaw si Carix na umahon.

"You shit!" Ani Carix at hinabol si Jacob.

Nagtawanan kami habang pinapanuod ang dalawa. Nang hindi mahabol ni Carix si Jacob ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay na yakap ang sarili.

"Mamaya ka lang, Jacob!" Tinuro ni Carix si Jacob at pabagsak na isinara ang pinto.

"Thats awful..." Ani Sheryl sa kapatid.

"Hayaan mo na, ate. Lakas din niya mang asar, e."

"Kuya, Jacob, you're bad..." Ani Joshua na ngumiwi.

Pumasok na ang mga pinsan ko sa loob para mag milo. Usap usapan pa rin nila kung nagalit ba si Carix sa ginawa ni Jacob o hindi.

"Hindi 'yan." Pangangatwiran pa ni Jacob. "Lakas niya man-trip, e." Tumawa pa ito.

"Yeah. I think so." Sang ayon ni Levi.

"Puyat na puyat talaga ako." Humihikab pang ani Joy. Nasa mesa sila at nag ma-milo.

Agad silang nag usap kung ano ang gagawin namin ngayong araw na ito. Halos wala namang activity na magagawa dito, e. Hindi din naman kami makakaakyat ng bundok dahil maulan.

"Here..."

Nag angat ako ng tingin kay Recii at sa inaabot niyang milo. Kinuha ko ito agad at ipinatong sa mesa. Lahat kami ay naka jacket si Joshua nga ay patong patong pa.

"It's so boring..." Ani Angel habang nag ce-cellphone. "Wala pang signal." At tinapon sa mesa ito.

"Kung sana ay nag dala tayo ng bola 'di sana ay nag ba-basketball tayo." Ani Jethro at matalim na tinitigan si Carix na papasok.

Nakabibis na ito at may nakapatong na tuwalya sa ulo.

"Don't looked at me like that, Jethro." Ani Carix at umupo sabay higop ng milo sa baso ni Fernand. "Si Recii dapat ang magdadala pero nakalimutan niya."

Tinampal ni Fernand ang kamay nito ng aambang hihigop ulit sa baso niya si Carix.

"Mag timpla ka!" Galit na ani Fernand at lumayo kay Carix.

"Damot mo!"

"Kung sana lang ay hindi uulan mamaya pwede tayong umakyat." Ani Sheryl.

Nakita kong nag ayang lumabas ang boys. Ilang sandali pa ay narinig ko nalang ang hiwayan nila at tawanan.

"What's that?" Takang tanong ni Joy at lumabas.

Nalaglag ang panga namin ng makitang basang basa ang mga pinsan ko at lahat sila ay nasa pool na. Naglaro ng tubig si Jethro at winisikan niya kami. Agad nagtilian ang mga girls at lumayo. Umahon si Carix at aambang itulak si Angel ng tumakbo ito palayo.

"Ikaw nalang, YJ!" Ani Carix at tinulak ako sa pool.

Agad kumalat ang lamig sa buong katawan ko ng lumubog ako. Agad kong niyakap ang sarili ko at matalim na tinitigan si Carix na nag hubad ng t-shirt.

"Magkakasakit kayo nya'n!" Sigaw ni Sheryl sa amin na lumalayo dahil winiwisikan ni Levi. "Si Joshua h'wag niyo isali. Pagagalitan tayo ni Tita Liezel!"

"Ang k-kj niyo!" Tawa ni Levi. "Halina kayo dito!"

Nag ilingan ang mga pinsan kong babae at pumasok sa loob. Kami kami nalang mga boys ang naiwan.

"Ang lamig!" Iritado kong sinabi at aambang aahon na ng may humawak sa kamay ko. Nilingon ko si Recii na matamis ang ngiti sa akin.

"Dito ka muna." Aniya.

Cake To be With You (bl novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon